CHAPTER 26: Revenge II!

223 6 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahuma dun sa nakita ko. Naggagalaiti ako sa galit sa lalaking pumatay sa babaeng wala namang ginagawang masama.

"Ano ang plano mo?"

Nagulat ako pagkakita sa babaeng nakaputi. Bigla nalang kasing sumulpot sa harapan ko.

"Wala pa akong idea. Nga pala anong pangalan mo?" tanong ko.

Sa dalawang gabi na nagkikita kame ay hindi ko manlang alam ang pangalan niya.

"Ako si Jomalyn Jao (how)." pagpapakilala niya.

Napatingin ulit ako sa kanya dahil pamilyar ang apelyido niya.

"Kaano-ano mo ang matandang intsik na si Tony Jao?"

Si Tony Jao ay isang intsik malapit sa bahay ng lola ko. Sa kabilang barangay yun. Nabalita daw kasi na may anak itong napakagandang babae na pinagpapantasyahan ng mga lalaki. Nag-aaral din daw iyon sa University na pinapasukan ko. Nacurious nga ako dahil dun kaya lang hindi ko pa nakita ang babaeng sinasabe nila.

Ngumiti si jomalyn sakin sabay ang pagtulo ng luha nito.

"Papa ko siya." diretsang sagot niya.

Para namang nabikig ang aking lalamunan at hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya na gulat ang mukha.

Ibig sabihin siya yung babaeng yun?

"I-ikaw?! Ikaw ang anak ni Mr. Jao?!" gulat paring tanong ko.

"Oo naman. Tatay ko nga siya diba?"

Kung ganun pala siya ang nabalita sa news na ginahasa umano sa CR na halo ang dugo at tubig sa katawan nito. Hindi ko pinansin yun nung una dahil minsan lang ako manood ng tv. Nagulat na nga lang ako ng sabihin ng kapitbahay namin na bumalik na sa China ang intsik na si Tony Jao.

"Umalis ang papa ko matapos ang nangyare sa akin. Hindi niya matanggap na wala na ako sa isang iglap lang. Hindi rin naresolba ang kaso tungkol sa akin dahil walang nakuhang ebidensiya sa kadahilanang parang nilinis pa ang aking katawan ng tubig para walang makakuha ng finger prints ng suspek."

Kaya pala hindi siya malaya ngayon. Kailangan niya ng katarungan at ibibigay ko yun.

"Hindi na ako umaasang masosolve ang kaso tungkol sa akin. Kaya ako na mismo ang gagawa ng hakbang para pagdusahan din niya ang kasalanang ginawa niya sa akin at alam kong ikaw ang makakagawa nun jona." tumingin siya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Tutulungan kita. Ang gagawin mo lang ay ibigay lahat ng detalye sa akin. Alam kong hindi pa siya nakakaluwas ng pilipinas." hayag ko.

"Oo. At gusto kong gawin mo na sa lalong madaling panahon. Alam ko ang lugar kung saan siya nakatira. Itanong mulang sa akin lahat ng gusto mong malaman at sasabihin ko sayo."

Nakapagdesisyon na ako.

"Bukas ng gabe joma papatayin natin siya!" humalakhak ako pati na rin siya.

"Tamang-tama jona at alam kong nasa bahay lang siya."

Matapos ang pag-uusap namin ni joma ay hindi na ako nakatulog kung kaya sabog ang itsura ko. Pero hindi ko pinansin iyon hanggang sa mag-umaga na at papasok pa ako. Naligo lang ako at dumiretso sa skwelahan. Hindi na ako nag-abalang kumain.

Lutang ang isip ko kahit nasa loob na ako ng room at panay na ang pagtuturo ng professor namin. Nagpaplano na ako sa gagawin kong hakbang mamayang gabe. Hanggang sa maglabasan kame ay lutang parin ako. Hindi ko pinansin ang mga tumatawag sa akin sa daan. Kahit nung nasa tricycle na ako ay hindi pa rin ako kumikibo. Sa katunayan ay nakita ko na naman ang babaeng nagpakita sa akin nung sumakay din ako (Chapter 2). Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa bumaba na ako.

----------------

Alas diyes na ng gabe at hinihintay ko nalang ang pagpakita ni jomalyn sa akin.

Hanggang sa lumipas na ang dalawang oras.

"Nasa bahay na siya ngayon kasama ang bagong parausan niya. Humanda ka na at kailangan munang pumunta. Wala ang pamilya niya at tanging siya lang ang naroon. Wag kang mag-iiwan ng kahit anong ebidensiya jona. Wag kang mag-alala. Nandito lang ako sa likod mo. Manonood ako kung pano mo patayin ang hayop na yun." tas tumawa siya.

Nagsimula na akong kumilos at lumabas ng bahay. Nakita ko ang isang single na honda sa labas ng bahay. Napangiti ulit ako kasabay ng pagkuha ng isang alambre sa dala ko. Pinalsak ko ang key hole at kinalikot iyon hanggang sa gumana. Hindi man ako marunong nito ay alam kong magbike kaya konti lang ang problema. Yung pagcontrol lang. Tinulungan naman ako ni joma at tinuruan ng ibang kokontrolin sa motor. Tinuro niya din ang daan sa pupuntahan namin.

Makalipas ang sampung minuto ay narito na kame sa harapan ng isang two storey house na pula ang pintura. Tanging isang ilaw lang ang nakabukas at yun ay nasa ikalawang palapag ng kwarto.

Tinago ko muna ang motor sa likod ng puno at nagsimulang maglakad patungo sa kinatitirikan ng bahay. Pinihit ko ang door knob ng pinto pero nakalock iyon kaya nilabas ko ulit ang ilambre at siyang ginamit pangbukas. Nakapasok naman ako ng matiwasay at bumungad sa akin ang napakadilim na paligid ng buong loob. Tumakbo ako papunta sa may hagdan.

May naririnig akong malakas na ungol na nanggagaling sa itaas.

"Aaaaahhhh. Sige paaa. Sige paaa... uhhmmm."

Boses ng babae iyon kung hindi ako nagkakamali. Naghintay pa ako ng limang minuto sa ilalim ng hagdan ng may marinig akong mga yabag ng dalawang tao.

Sumiksik ulit ako sa ilalim ng hagdan na natatabunan ng mga gamit. Bumaha ng kabubukas lang na ilaw sa buong kabahayan.

May nakita akong babae at lalaki sa gitna ng sala na naghahalikan. Walang damit pang-itaas ang lalaki at tanging boxer lamang ang suot nito. Nakita ko din ang babae na nakabra lang at panty habang may hawak na bag at mga damit na nilatag naman nito sa upuan. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa hubo't hubad na ang dalawa. Napapikit lang ako ng makita ang nagsisimulang pagtatalik ng dalawa.

Minulat ko na ang aking mata ng makitang wala siyang kasamang babae. Naglakad naman ang lalaki papanhik at nagsimula na din akong lumabas sa pinagtataguan ko. Naghanap ako ng maipapalo sa kanya at hindi naman ako nabigo dahil nakakita ako ng flower vase sa isang lamesa malapit sa hagdan. Dali-dali ko iyong kinuha at tumakbo sa lalaki na malapit nang pumasok sa kwarto nito. Lumingon naman sa akin ang lalaki kung kaya sa noo nito tumama ang vase. Bigla itong natumba na walang malay.

Napangisi ulit ako saka kinuha ang lubid at hinila siya sa loob ng kwarto nito at tinalian ang katawan niya sa magkabilang panig ng kama.

Nilock ko din ang pinto niyon.

Naghintay lang muna ako ng ilang minuto para magising siya. Sinipat ko din ang relo ko.

Ala 1:30am na.

Maya-maya lamang ay nagising na siya. Kailangan ko munang malaman lahat ng nangyare bago ko siya pahirapan at patayin.

Gulat na napatingin siya sakin habang may busal ng papel ang bibig niya.

"Kumusta...Lawrence?"

-----------------------------

MAKAPANINDIG BALAHIBO {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon