/Rob's POV//
*old draft*
Alas otso y media ng ako ay magising.
Kahit nahihilo pa ay agad din akong nag-ayos para bumaba. Gabi na rin kasi kaya nakaramdam na rin ako nang gutom. Agad akong dumiretso sa kusina para hanapin si Manang Sela. Pagkadating ko doon ay nadatnan ko ang matanda na naghahain ng pagkain sa mesa.
"Ay anak, gising ka na pala. Ba't ang putla mo? May lagnat kaba?" Bungad niyang tanong sa akin. Agad naman niyang nilapag ang pagkain sa mesa at nag-aalalang lumapit sa akin. Agad niyang ipinatong ang kamay niya sa noo at leeg ko.
"Ah wala po. Medyo masakit lang ang po ulo ko." Sagot ko naman sa kanya habang hinihimas ang batok ko.
"Ay ganoon ba. Tamang tama at sinigang ang niluto ko. O'siya Humigop ka muna habang mainit pa ang sabaw." Sambit naman niya habang inaalalayan akong umupo. Agad naman niyang nilagyan ng sabaw ang mangkok sa harapan ko. Pati na rin ng kanin ang aking plato.
"Si Warren po pala, nay, asan?" nagtatakang tanong ko kay Nay Sela. Hindi ko kasi mapigilang hindi mag-alala. Gabi na't alam kong gutom na rin iyon. Hindi naman kasi nakakabusog ang kinain namin kanina sa fastfood.
"Ah. Baka umuwi sa kanila. Isang taon na rin kasi mula ng dumalaw siya dito." Sagot naman ni Nanay Sela sa aking tanong na ipinagtaka ko.
"T-taga dito po si Warren." Medyo nag-aalangang tanong ko. Medyo nakaramdam ako ng hindi maganda sa aking nalaman.
"Oo. Diyan lang sa barrio sa hindi kalayuan. Hindi ba niya nabanggit sa'yo?" nagtatakang tanong sa akin ng matanda.
"Ah, nabanggit niya po. Nakalimutan ko lang. Hehe." pagsisinungaling ko sa matanda. Hindi ko naman maiwasang hindi magtaka kung ang motibo ni Warren kung bakit hindi niya ipinagtapat sa akin ang katotohanan. May kinalaman kaya ito kunng bakit parang nag-iba ang ugali niya mula nang makarating kami dito?
Samantala, hindi ko rin mapigilang hindi kwestyunin ang srili ko kkung gaano ko ba talaga kakilala ang nobyo ko.
"Kain na, hijo't baka maya maya pa babalik si Warr---" Hindi na natapos pa ni Nay Sela ang sasabihin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Warren.
"Ay ayan na pala siya. Sige, kumain na kayo. Warren, samahan mo na si Don Rob at ikukuha ko siya nang gamot para sa sakit ng ulo." Wika sa amin ni Nay Sela at agad din umalis. Si Warren nama'y agad na umupo sa harap ko.
"Ok ka lang? Masakit daw ang ulo mo?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Agad din siyang lumapit sa akin at inilagay ang kamay niya sa noo at sa leeg ko.
"Wala ka namang lagnat." Dagdag niya pa.
"Ok lang ako. Marahil ay sa katagalan ng biyahe kanina at dahil sa gutom na rin kaya't sumakit ang ulo ko. Ikaw, alam kong gutom ka kaya kumain ka na." utos ko naman sa kanya na agad naman niyang sinunod. Agad kong nilagyan ang plato niya ng kanin at ulam at agad naman niya itong nilantakan.
"Gutom na gutom ah. Saan ka ba nanggaling?" pagmamaang maangang tanong ko. Nakita ko naman sa kanyang mukha ang pagkabigla ngunit agad naman itong napalitan ng pekeng ngiti.
"Ah. Diyan lang sa labas nagpahangin." Nakangiting sagot naman niya. Nagdududa man ay tumango nalang ako para paniwalaing naniniwala ako sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay agad naman akong tumayo para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo.Maya maya pa'y sumunod na rin siya sa akin. At dahil nakatalikod ako sa kanya ay agad niya akong niyapos at idiniin ang katawan niya sa akin.
"Rob. Masakit din ang ulo ko." Bulong niya sa akin. Agad naman akong naalarma sa kanyang sinabi pero akmang haharap na ako sa kanya ay mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin.
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomanceHow well do I know you? All rights reserved, 2021