XXVIII

175 11 0
                                    

Rob's POV//

"Oh,  ba't namutla ka?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nathan.

Hindi ako sumagot sa tanong niyang iyon bagkus ay binigay ko nalang ang cellphone ko sa kanya para ipakita ang video.

"Si Marcus yan ah, ang private investigator mo." sambit ni Ken nang makita nag video. Mababakas sa kanyang mukha ang gulat sa nakita.

"Sino ang nagpadala niyan?" tanong ni Ken sa akin.

"Unknown number eh." sagot ko na halos hindi na marinig sa sobrang hina. Hanggang ngayon ay malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita.

"Kausap ko  siya kanina, sabi niya pinapatrace niya na kung sino ang may pakana nito.  Maybe kilala niya na kung sino kaya siya dinakip." kwento ko sa kanila na pilit pinipigilan na tumulo ang aking luha.

"Well, that made sense." sagot naman ni Ken sa akin.

"By any chance,  is there a possibility na buhay pa si Marcus?" garagal na tanong ko sa kanila.  I can't help it.  Gusto kong umiyak. May nadamay nang tao dahil sa akin.

Marcus isn't just my private investigator,  naging kaibigan ko na rin siya dahil sa tagal ng paninilbihan niya sa akin. Isa siyang single dad na may isang anak na binibuhay.

"Marcus is one of the best  investigators and undercover agent sa buong bansa. Nakakapagtaka na tila naisahan siya ngayon." saad naman ni Nathan habang pinapanood ng video sa cellphone ko na tila nanlulumo.

"Base sa mga sugat niya sa video,  baka di na rin kayanin ng katawan niya pagnagkataon.  Maliban na lang kung matatakasan niya ito." sagot sa akin ni Nathan

"Don't worry, Rob. Marcus is Marcus. Magaling iyon. Kaya niya iyon. May mga tauhan na din ako na pinapagalaw. Kumalma ka muna." pag-aalo naman ni Ken sa akin sabay abot ng isnag basong tubig.

Nabalot ng katahimikan ang kwarto ni Ken.  Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Ilang minuto pa ang lumipas ng magvibrate ulit ang cellphone ko. 

from: Dad
Nasaan ka?  Umuwi ka. May pag-uusapan tayo ngayon. 

Agad kong pina alam sa kanila na hinahanap na ako ni Daddy kaya agad rin silang nag ayos para ihatid ako. Nagpumilit pa sana akong umuwi mag- isa ngunit tulad ng inaasahan ay hindi nila ako pinayagan.

"Hindi ba halata ang mga sugat ko?" tanong ko sa kanila habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay.

"Dude,  nagbibiro ka ba? syempre oo.  May sugat kapa sa kaliwang kilay at putok ang labi mo." sagot naman ni Ken sa akin.

"Yeah,  and make sure, wag ka munang mag labing labing kay pareng Warren kundi makikita niya ang pasa mo sa tiyan mo at braso." pagbibiro naman ni Nathan at nagtawanan silang dalawa ni Ken. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. hHalatang pinapagaan lang ni Nathan ang mood ko dahil sa nangyari kanina.

"Yeah,  very funny.  Very mature." sagot ko nalang sa kanila ng nakasimangot na muli ay tinawanan nila.

Nagpatuloy pa ang tawanan sa loob ng sasaktan ni Ken dahil sa mga nakakatawang topic namin na pinaguusapan namin. Idagdag mo pa ang mga waley na knock knock ni Nathan at mga hugot ni Ken.

Matapos ang ilang sandali ay humupa na ang tawanan at napansin kong  nag-iba ang ekspresyon ni Ken na tila hindi mapakali at pabalik balik ang tingin sa rearview mirror.

"Hey, Ken,  Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang,  hindi. May sumusunod kasi sa atin kanina pa." naaalarmang sambit ni Ken sa amin.

MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon