XXXVIII

131 4 23
                                    


/Nathan's POV//


"Nablow ang cover natin! Kailangan na nating kumilos!" narinig kong sigaw ni Ian sa kabilang linya.


"Ken, ayos ka lang?" agad kong usisa kay Ken na kani-kanina lang ay nasa bingit ng kamatayan.

"Ken, umalis kana d'yan. Bilis!" Utos ni Ian sa kabilang linya. Medyo malapit kasi sa pwesto ni Ken ang nangyaring pagsabog. Malamang ay maraming kalaban ang pupunta doon para magimbestiga.


"Ken, sa kaliwa mo!" tawag ko sa kanya gamit ang earpiece ko. Nakita kong napalingon siya sa direksyon ko at kaagad na tumakbo papunta sa akin.


"Ano 'yun?" tanong niya sa akin na puno ng pagtataka.


"Hindi ko din alam. Sigurado akong hindi din si Ian ang may pakana nito." Sagot ko naman sa kanya.


"The fvck was that, dude?!" pagalit na tanong ni Ian sa kabilang linya. Nagtaka naman kami kasi sigurado kami na hindi kami ang kausap niya.


"Kalma lang tayo, pre." Simple ng sagot ng tao na nasa kabilang linya din.


Si Yllios.


Hindi na ako nagtaka. Mahilig pa naman sa grand entrance at pasabog ang isang 'to. Nakita kong maging si Ken ay napailing na lang din. Ilang buwan na din naming kilala si Yllios ay alam na naming kung papaano ito makipaglaban.


"You blew our cover, we are outnumbered. Papaano na tayo nito?!" galit pa rin si Ian. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Yllios.


"Pare, kalma. Magkakampi tayo. Watch and learn." Simpleng sagot ni Yllios.


Maya maya pa'y sumigaw ang isa sa mga kalaban.


"False alarm! May nakaiwan ng ating granada sa area kaya ito sumabog! Back to your stations!" sigaw nito at kaagad ding nawala ang kumpulan sa lugar na iyon at isa isang bumalik sa kanilang mga pwesto.


"One way to cover up, copy them." Simpleng sagot ni Yllios.


"Paano? Saan ka nakakuha ng pampasabog na katulad sa kanila?" tanong ni Ken. As if I know, intresado lang ito sa kung ano ang components ng pampasabog. Napansin kong mahilig ito sa weaponry mula pa noon ngunit ngayon lang ito naging vocal sa kanyang interes.


"Connections, Ken, Connections." Makahulugang sagot ni Yllios at tumawa ng nakakaloko.


"Ian, pare, cover my area. May gagawin lang ako." Tawag ko kay Ian at kaagad naman na napatingin sa akin si Ken nap uno ng pagtataka.


"Clear, pre." Dinig kong sabi ni Ian sa earpiece kaya agad akong kumilos.


"Dito ka lang." Bilin ko kay Ken at kaagad na tumakbo patungo sa parang bahay na nakita ko sa hindi kalayuan. Maingat na maingat ako sa aking galaw para hindi mapaghahalataan. Napansin kong may CCTV din sa bakod ng mansion kaya hindi din ako pwedeng masyadong lumapit doon at baka mahuli ako.

MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon