XXVII

191 7 2
                                    

/Rob's POV//

"Sandali! Si Yllios at Ace ay iisa? Eh sino iyan?" tanong ni Ken sabay turo sa katabi ni Yllios na kani kanina lang kay kaengkwentro namin.

"Jer----" hindi ko na natapos nung sumabat si Yllios.

"Ah, eto? Si Deven, bestfriend ko." sabi ni Yllios at nakipag apir pa kay Deven.

Halos mapantog ang tenga ko nung marinig ko ang totoong pangalan ni Jerome.
Hindi maaari. Imposible...

"Nice to meet you, mga pare. Pasensya na at mukhang napuruhan kayo." paghingi sa amin ng dispensa ni Deven. Tumango naman ang dalawa habang ako'y tahimik lang sa tabi. Hanggang ngayon ay iniinda ko pa din ang sakit na dulot ng sagupaan namin kanina.

"So bale ikaw talaga ang nagpapadala ng mga babala sa akin?" tanong ko kay Yllios na agad naman niyang tinanguan.

"Ayoko sanang malaman mo na ako ang nagpapadala ng mga babala sa iyo upang sa ganoon ay mas magiging madala sa ating lahat ang protektahan ang siguridad ng bawat isa." pagpapaliwanag niya.

"Ang mga kalaban ay mas malapit kaysa iyong inaasahan, Rob. Sana ay may maging mapagmatyag ka sa mga taong nakapalibot sa iyo. Sa ngayon ay sina Nathan at Ken lang muna ang pagkatiwalaan mo. Huwag na huwag kayong magpadalos dalos sa inyong mga desisyon." makahulugang saad pa niya.

"Ang mga kalaban ay mas malapit kaysa sa aking inaasahan?  Anong ibig mong sabihin? Kilala ko ang taong puno't dulo ng lahat ng ito? " tanong ko sa kanya.

"Oo at hindi. Marahil ay kilala mo siya Rob, oo, pero hindi lahat ng pinapakita't sinasabi niya sa'yo ay totoo. Alamin mo kung ano ang peke sa hindi at makikita mo kung sino totoong kalaban." sagot naman niya doon ay napaisip ako.

"Masyado na akong madaldal. O, siya at aalis na kami. Mag iingat kayo. Ang kalaban ay nandiyan lang sa tabi tabi." pamamaalam niya sa amin. Agad silang tumalikod at nagsimulang maglakad. Pero bago pa sila makalayo ay muling huminto si Yllios.

"Rob..." tawag niya sabay lingon sa aking pwesto.

"Asahan mo, kakampi mo ako." sabi niya sa akin at nagsimulang maglakad ulit hanggang sa sumakay sila sa isang motor sa di kalayuan at humarurot palabas ng subdivision. Kami nama'y agad ding sumakay sa sasakyan ni Ken at tumuloy na papunta sa kanilang bahay.

Doon ko nalang din lilinisin ang mga sugat ko at bibigyan ng paunang lunas. Ayoko na kasing pumasok pa sa bahay. Mahirap na't baka makita pa ng mga katulong ang lagay ko at isumbong pa nila ako sa mga magulang ko, or worse, ikwento pa nila kay Warren.

. . .
"Ok, masagot na ang katanungan natin kay Alas na iyon at kay Yllios."  panimulang saad ni Nathan sa amin habang prenteng nakaupo sa kama ni Ken. Nang makarating kami sa bahay ni Ken ay agad king dumiretso sa kaniyang kwarto upang pag-usapan ang aming natuklasan at ang aming susunod na hakbang.

"Still, marami pa ring palaisipan sa mga sinabi ni Yllios." ani ni Ken na tila may iniisip.

"Teka, Rob, paano mo pala napagtanto na si Yllios mismo yung alas at hindi si Deven, at saan mo nakuha nag id niya?" nagtatakang tanong ni Ken sa akin.

"Nakonekta ko lang iyon nung sinabi niyong magkasabwat si Yllios at yung inaakala niyong alas. Alam ko din kasing Ace ang second name ni Yllios dahil na rin sa pinatago niya ang school ID niya sa akin nung minsan ay gumala kami.

Tsaka, naalala ko na minsan ay nagkasagutan si Warren at Yllios tungkol sa akin ay tila marami itong alam na labis kong ipinagtaka knowing na first meeting palang namin iyon. Kaya doon ko napagtanto lahat.

Si Deven naman ay malakas ang kutob ko na kilala ko na ito noon pa man. Hindi ko lang matukoy ang pahkatao talaga nito." mahabang paliwanag ko naman sa dalawa na tahimik na nakikinig sa akin.

MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon