XXXIX

112 7 17
                                    

/Ken's POV//



"So ano na ang plano?" bungad ni Yllios pagpasok palang ng trailer.

Maging ako at si Ian ay napatingin din sa gawi ni Nathan, habang si Deven naman ay hindi na pumasok sa loob Sabi niya mag-papaiwan nalang daw siya sa labas para magbantay. 

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakahalata pero talagang balisa ngayon si Deven at tila wala sa sarili. Malaking palaisipan din sa akin ang sinabi niya kanina habang papalapit sa mansion na kung ano daw ang makita o marinig ko din ay ipapaliwanag niya sa amin.

Alam kong mapagkakatiwalaan namin si Deven. Ilang beses niya na din kaming iniligtas sa kapahamakan. Ngunit, bukod doon ay wala na kaming alam sa kanya.

Binalik ko ang tingin ko kay Nathan ngunit nakita kong tahimik pa din siya. Alam kong iniisip na din ang susunod naming hakbang. Maging si Yllios ay tahimik ding nag-iisip habang si Ian naman ay nasa control room para magmaniubra ng mga gadgets niya.

Natigil lang ang katahimikan ng biglang magsalita si Tito Bert.

"Eto ang sketch ng buong mansion, kasama na ang mga rooms at verandas. Yung broken lines ay ang fence at placements ng mga area na pwede niyong taguan. Pwedeng pwede kayong dumaan sa likod ngunit nakita ko sa CCTV ay may mga tao doon. Gumawa nalang kayo ng ingay, para makapenetrate kayo sa loob. Pwede kayong dumaan sa cellar at may dumbwaiter doon na pwede niyong sakyan hanggang taas. Sa second floor ang control room at katabi lang nito ang dumbwaiter kaya mas madali sa inyo 'yan." paliwanag ni Tito sa amin.

Agad namang tumango kaming tatlo para sumang ayon. 

"Pwede din, tito, pero kailangan din nating isa-alang alang na hawak din nilang hostage ang mga tauhan niyo sa mansion." Pagreremind naman ni Ian sa kanya na kasalukuyang palabas ng kanyang control area.

"Kapag gumawa tayo ng distraction ay baka masaktan nila yung mga inosente doon." Dagdag niya pa.

"Diskatarte niya na iyan, malaki ang tiwala ko sa inyo. Basta mag-iingat kayo." sabi nalang ni Tito at kaagad na pumasok sa control room. Siya kasi ang magmomonitor doon habang kaming nag-uusap kaming apat.

"No, huwang kayong mag-alala ako na bahala doon." Makahulugang sambit naman ni Yllios.

"Sige, ikaw na ang bahala doon Yllios. Make sure lang na ligtas ang mga hostages nila." Sagot ni Nathan habang si Yllios naman ay nakangising aso.

"Nice, bro. Tawagan mo ang SWAT after this para makip-usap sa akin." Dagdag na paki-usap ni Yllios na tinanguan ni Nate.

"Basta yung goal natin ngayon ay ang mabawasan ang mga kalaban at makuha ang mansion." Pag-uulit ni Nathan sa plano habang palipat lipat ang tingin sa amin.

"At pag naging successful yun, ay mapapadali ang rescue natin kay Rob." Dagdag pa ni Nathan na sinang ayunan naman namin.

"Nate, I think ikaw muna ang magmanman sa mga activites doon sa lumang bahay para maabisuhan mo kami sa sitwasyon ni Rob." Utos ni Ian kay Nate.

"Ikaw naman pare, may tiwala ko sa'yo pero make sure to make it subtle as possible. Tandaan mo, ayaw din anting mapahamak ang SWAT at military sa operation na 'to." Nagreremind naman ni Ian kay Yllios.

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Yllios at napatango ito.

"I will pare. Salamat sa reminder." Sinserong saang naman ni Yllios at tinapik lang ito ni Ian sa braso.

"Ikaw Ken, ikaw ang sumama ka kay Deven. Kayo na ang bahala sa control room. May tiwala ako sa team up niyo." Pag-uutos sa akin ni Yllios. Nakita kong tumango din sina Ian at Nathan bilang pagsang-ayon. Ako naman ay patay malisya lang na um-oo, pero sa loob loob ko ay nakangisi na ako.

MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon