/Nathan's POV//
"Any clues yet?" tanong ko kay Ken habang nakatingin sa aking laptop.
Nandito ako ngayon sa kanilang bahay at gumahawa din ng aming sariling imbestigasyon sa mga nangyayari sa aming kaibigan na si Rob.
"Nope. Wala pa. Kahit yung record sa mall ay nawala na din." sagot naman ni Ken na akin na tila nanlulumo.
"Eh yung record sa school?" tanong ko ulit habang nakatutok pa rin sa aking laptop.
"Nadelete na daw eh. Sabi ng mga tauhan ko ay hindi din alam ng mga guwardiya ng school kung papaano iyon nangyari."
"Hindi na ba pwedeng i-retrieve?" this time ay napalingon na ako sa kanya. Nakita ko na nakakatutok din siya sa phone niya at busy kakatipa.
"Ewan. Hindi ko din alam eh. Ikaw baka may kakilala ka?" sagot naman niya.
"Sandali. Kilala ko na kung sino ang pwede nating lapitan." naibulalas niya at agad na nagdial ng numero sa kanyang cellphone. Nang may sumagot ay kaagad din itong lumayo sa akin.
Ilang minuto din ang itinagal ng usapan nila bago ito tuluyang mamaalam sa kausap niya.
"Sige, dude. You know the address naman. Hintayin ka namin." huling turan ni Ken sa kausap bago niya tuluyang ibaba ang tawag.
"Sino yun?" tanong ko naman habang busy pa rin sa laptop ko. Tinatry ko kasing ihack yung system ng school namin para ma- access ang footages ng cctv namin.
"Basta. Kakilala ko. Malaki ang maitutulong 'nun sa'tin." nakangising sagot naman ni Ken habang ino-on ang laptop niya.
"Pinapunta mo dito?" takang tanong ko naman sa kanya sa tinanguan niya.
Sa totoo lang ay medyo nagulat ako sa ginawa niya. Ken is a very private person at pili lang talaga ang nakakapasok sa bahay nila. Even some.of his close friends ay hindi alam ang bahay niya o di kaya'y hindi pa nakakapasok dito. Swerte lang kami ni Rob at hinayaan niya kaming pumasok dito at tumambay kung kailan namin gusto kaya ganoon nalang ang pagtataka ko kung bakit parang komportable siyang papuntahin dito ang kausap niya gayong alam ko namang hindi 'yun si Rob.
"Hey! Nate! Punta ka dito." tawag sa akin ni Ken. Kaagad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Doon ay bumungad sa akin ang mapa ng aming lugar na nakaflash sa monitor ng laptop niya.
"What if puntahan natin ang lugar na'to sakaling may cctv sila sa labas ng gate nila. Malamang ay makikita mo kung sino talaga ang tao sa sirang building na 'yun na nag-attempt na barilin si Rob." paliwanag niya sa akin sabay turo sa parang isang mini-mart sa likod ng aming school. Nung hinabol kasi namin yung lalaki ay doon siya dumaan.
Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na namin siya nahabol nung araw na iyon ay dahil may humarang sa aming mga kalalakihan na sa tingin ko ay kasamahan niya din.
"Pwede din mamaya. Maghanap pa muna tayo ng iba pang pwedeng maging lead para isang labasan nalang. Mas delikado kasi at baka masundan pa tayo dito ng mga kalaban." paliwanag niya na sinang- ayunan ko naman. Mas mainam na maliban sa mga tauhan ni Tito Bert at mga otoridad ay gumalaw din kami para sa tropa namin. Pero kailangan naming gumalaw ng patago para hindi sila maghinala at para proteksyunan din namin ang aming mga sarili.
Pinagpatuloy pa namin ni Ken ang aming ginagawa ng narinig ning tinawag siya ni Manang Yolly, ang kasambahay nila Ken sabay katok ng pinto.
"Ken, may naghahanap sa'yo." bungad ni Manang Yolly nang binuksan ni Ken ang pintuan.
"Tirik na tirik ang araw kaya pinapasok ko nalang." paliwanag ni Manang Yolly.
Dahil busy ako kakakalkal ng mga dokumento ay hindi ko na pinansin sila sa pintuan sa halip ang itinuon ko nalang ang aking atensyon sa aking ginagawa.
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomanceHow well do I know you? All rights reserved, 2021