/Rob's POV//
Isang linggo na din mula nang insidenteng iyon ngunit hindi pa rin nahuhuli si Tiyo Emil. Patuloy pa rin itong pinaghahanap ng mga otoridad at mga private investigators ni Daddy ngunit wala pa rin itong lead kung saan ito matutunton.
Bumalik na din ako sa Maynila kasama si Kuya Deven at ang tropa habang si Daddy naman ay napagdesisyunan magpaiwan muna sa mansion sa probinsya para asikasuhin ang mansion pati na rin ang negosyong malubhang naapektuhan dala ng nangyari.
"Bakit ba tayo pinapapunta ni Daddy sa mansion ngayon? Disoras na ng gabi ah." nagtatakang tanong ko kay Kuya Deven habang kasalukuyan naming pinabagtas ang SLEX.
Kaninang alas onse ay ginising niya ako na nagtext daw si Daddy sa kanya na pumunta kami sa mansion sa probinsiya kaya eto, ala una na ng madaling araw ay nasa kalsada pa rin kaming dalawa.
"Hindi ko alam. Baka naman kailangan niya langng katulong dahil na rin siya lang mag-isa sa bahay?" sagot naman niya sa akin.
May punto naman si Kuya Deven. Pagkatapos kasi ng insidenteng iyon ay binigyan ni Daddy ng two-week paid vacation lahat ng mga tauhan namin sa bahay para mapagbakasyon, at makarecover sa trauma buhat ng insidenteng iyon.
"Baka nga." Naisambit ko nalang kay Kuya Deven na hanggang ngayon ay seryoso pa rin sa pagdadrive.
Sinandal ko nalang ulo ko sa bintana ng kotse at tahimik na pinagmasdan ang mga streetlights na dinadaanan namin. Ilang beses ko na rin namang tinangkang matulog mula pa kanina ngunit hindi ko magawa. Pilit ko mang iwinawaksi sa isip ko ay alam kong may mali talaga sa sitwasyon.
"Look, I know what you are thinking. Pero, let's hope for the best nalang, Rob." Pagpapalakaas ng loob ni Kuya Deven sa akin. Ako naman ay napatango nalang ako para ipahiwatig na ok lang ako at hindi niya na ako kailangan pang alalahanin.
Alas kwatro na ng makadating kami sa probinsya. Ilang kilometro pa ang binagtas namin hanggang sa tuluyan na nga naming matanaw ang mansion. Pagkadating naming ay kaagad naming natanaw ang nakabukas na gate, na tila hinihintay talaga ang pagdating namin.
Nagtataka man, ay hindi na kami bumaba para tignan ito, bagkus ay dumiretso na kami sa harap mismo ng masion para doon nalang pumarking.
"Rob, incase." Sabi ni Kuya Deven sabay abot ng calibre 45 na baril sa akin na kaagad ko namang tinanggap.
Tinignan ko ulit si Deven na kasalukuyang naghahandang bumaba. Buong akala ko ay wala lang ito sa kanya, ngunit mali pala ako. Pareho pala kami ng iniisip. Ang pagkakaiba lang ay hindi niya ito pinahalata.
Nakita kong ipit niya ang baril niya sa bewang niya at tinakpan ng suot niyang t-shirt kaya naman itinago ko rin ang baril ko sa gun concealment pocket ng suot kong leather jacket.
"Tara na." aya sa akin ni Kuya Deven pagkababa ko at kaagad din kaming pamanhik paakyat ng mansion.
"Dad?" tawag ni Deven habang marahas na kinakatok ang pinto. Ilang segundo din kaming naghintay ngunit walang sumagot.
Dahil sa pagkainip ay sinubukan kong buksan ang pinto, laking gulat ko ng hindi ito lock. Agad kong kinapa ang switch ng ilaw na nasa tabi ng pinto at in-on ito.
"Ba't parang may mali." nasambit nalang ni Kuya Deven ng tumambad sa amin ang maaliwalas naming sala. Lahat ng gamit ay nakayos pa rin, at walang bakas ng pweshahang pagpasok o kahit na kaguluhan man lang.
"Dad!" tawag ko ulit kay Daddy ngunit katulad kanina ay wala kaming sagot na natanggap.
"Shit! Nasaan ka, Dad?" napabulong nalang ako saking sarili.
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomanceHow well do I know you? All rights reserved, 2021