XXXVII

127 5 8
                                    

/Berto Jr.'s POV//

Masyadong maraming sikreto ang pamilya namin na pilit binubura at pilit na binabaon sa hukay. Mga kalansay sa kloseta na pilit tinatago at pilit na pinapaliguan ng pabango para hindi umalingasaw. Isa na dito si Emil. Emilio Krisanto Hernandez, kapatid ko sa ama at anak na bunga ng pagkakasala ni Roberto Kristiano Hernandez Sr.

Alam kong darating din ang araw na 'to. Ito ang kinakatakutan ko sa lahat- ang pagtutuos. Simula pa lang nung unang nabaril si Rob sa parking lot ng kompaniya ay alam kong higit pa ito sa politika. Kilala ko ang mga kalaban ko at nung una pa lang ay alam ko na ang patutunguhan nito.

Masyadong magulo ang mga nakaraang buwan. Ginawa ko ang lahat para matigil ito. Ngunit katulad ko, taon din ang ginugol ng kapatid ko para magpalakas. Alam niya ang kahinaan ko ito ang ginamit niyang sandata para unti-unting matibag ang matatag na pader na ginawa ko.

"Hayop ka, Warren." Iyon nalang ang nasabi ko nung ipakita ni Nathan at Ken sa akin ang iba't ibang larawan at footages na magkasama at nag-uusap si Emilio at Warren.

Simula nung umalis si Rob sa mansion patungong probinsya ay alam kong papalapit siya mismo sa panganib. May tiwala ako sa anak ko. Alam kong matalino ito, ngunit iba ang diskarte nito- na natutunan niya mismo sa kanyang tiyo.

"Pasensya na po, tito. Hindi din po namin napansin si Warren. Buong akala po namin ay mapagkakatiwalaan siya." Paghingi ng pasensya si Nathan sa akin nakita kong maging si Ken ay ganoon din ang gusting ipaabot.

Kilala ko ang dalawang 'to. Malaki ang tiwala ko sa kanilang hindi nila pababayaan si Rob. At hindi nila ako binigo, alam nila ang sitwasyon dahil matagal ko na ding ipinaalam sa kanila ang peligro na kaakibat ng pakikipagkaibigan nila sa anak ko, ngunit buong puso nila itong tinaggap.

Alam nila ang kundisyon ni Rob, at alam din nila kung gaano ka delikado ang kapatid ko.

"Salamat. Hanggang dito ay hindi niyo pa din iniiwan si Rob." Yun nalang ang nasabi ko sa kanila.

"Wala 'yun, Tito. Alam naman naming na ganito din ang gagawin ni Rob kapag isa sa amin ni Nathan ang humantong sa sitwasyong gaya nito." Sagot naman ni Ken.

Pagkatapos 'nun ay nabalot nanaman kami ulit ng katahimikan. Si Nathan ay abala sa pagdadrive habang si Ken naman ay napansin kong may tinatawagan din.

Agad kong kinuha ang telepono ko at hindi tinawagan ang kumapre ko sa AFP. "Kumapre, nasend ko na ang coordinates ng lokasyon. Ikaw na ang bahala. Papunta na rin ako at ang iba ko pang mga tauhan."

"Roger, kumpare. Nakipag coordinate na din ako sa mga personnel near the area. Nirelay ko na din ang mga instructions mo. Will be there at exactly 1300." Sagot naman niya at ibinaba ang telepono.

Sa totoo lang ay kampante akong madidiskartehan ito ni Rob, ngunit kailangan niya pa din ang tulong namin. Napakadelikadong tao ng tiyuhin niya at kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin.

Ilang beses kong pinanood ang mga videos galing kina Nathan at Ken at alam kong marami pa siyang kayang gawin.

Sa loob ng ilang taon ay nakapagtatag siya ng isang sindikato na nag-iimport ng illegal na droga at human trafficking sa bansa. Protektado din siya ng ilang bigating politiko na kasosoyo niya sa illegal na gawain pati na din ang koneksyon niya sa ilang teroristang grupo sa labas ng bansa.

"Matanong ko lang pala, bakit hindi niyo pinagdudahan si Warren. Dahil jowa siya ng anak ko." Kaswal na tanong ko sa dalawang kaibigan ng anak ko. Tatlo lang naman kami sa kotse kaya hindi na ako nagdalawang isip na itanong iyon sa kanila.

Nakita kong nagkatinginan ang dalawa at halata sa kanila na hindi nila alam ang isasagot sa aking tanong. Napansin ko ding nagtuturuan sila kung sino ang sasagot sa akin habang ako nama'y palipat lipat lang ang tingin sa kanila.

MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon