Berto Jr's POV
Sa buhay natin ay mayroon talaga tayong kakaharaping pagsubok na susukat sa ating katatagan, bilang tao. Mga sikretong kailangang baunin hanggang hukay, desisyong kailangang isaalang-alang, at sakripisong kailangang gawin.
Ilang buwan matapos kong tanggapin sa trabaho si Warren dela Rosa ay alam kong parang may mal isa pagkatao nito. Pulido itong magtrabaho at matalino ngunit bakit ito nagtyagang mag-apply bilang assistant ko.
"Sir, heto na ang hinihingi mong detalye kay Warren dela Rosa." Wika sa akin ng aking private detective sabay abot sa akin ng hawak niyang brown envelope.
"Salamat." Wika ko nang maiabot niya akin ang naturang envelope.
"Makakaalis kana." Utos ko dito na agad naman niyang sinunod.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at binuksan ko na ang laman ng envelope. Sa totoo lang ay malakas na ang hinala ko sa totoong pagkatao nito ngunit nagulat pa rin ako ng mapatunayan kong totoo ito.
"Ano ba itong pinasok ko." Naibulong ko nalang sa akin sarili.
"No, we have this responsibility na kailangan nating gampanan sa kanya, knowing what we went through! We basically stole not just his childhood from him pero pati karapatan niyang magkaroon ng kumpletong pamilya!" wika ko sa asawa ko nung sabihin ko sa kanya ang nalaman ko patungkol sa bago kong assistant. Hindi siya pabor na manungkulan pa si Warren sa akin, kaya gusto niyang sisantehin ko ito.
"But considering his medical condition and Emil's involvement, napakadelikado niya sa'yo. Who knows bigla ka nalang niya patayin." Pagpoprotesta naman nito.
"No, alam kong hindi iyon magagawa ni Emil sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Also, I have great trust kay Warren. Alam kong maaalala niya lahat ng katotohanan. Afterall, nandoon din siya nung gabing iyon." Paliwanag ko naman dito. Nakita kong napatahimik ito tanda na kumbinsido siya sa nagging paliwanag ko.
"Then, what's your plan?" tanong naman nito sa akin. Alam kong sinuskat niya lang kung gaano ako kahanda sa mga balak ko.
"Para hindi kana mag-alala, I will hire a different bodyguard para sa safety ko. While si Warren naman ang ipagmamanage ko ng Negosyo natin sa probinsya. Alam kong kahit papaano ay may maaalala ito sa lugar na iyon." Lahad ko sa aking plano. Hindi na ito kumibo at tumago nalang ito kaya alam kong sang-ayon ito sa plano ko.
"But what if Emil finds out?" tanong naman nito sa akin.
"Then, we will make sure na nandoon tayo every step ng recovery ni Warren." Sagot ko naman sa kanya.
Iyon nga ang naging set-up, bumalik sa Warren sa probinsya namin para imanage ang negosyo ko. Ilang buwan din ang lumipas ng mapansin kong unti-unting bumalik ang ala-ala nito. Hindi kami umalis sa tabi niya at talagang sinigurado kong walang nakakaalam na bumalik na ang ala-ala nito.
Inamin niya sa akin ang nagging koneksyon niya sa kapatid kong si Emil. Umarte akong nagulat ako sa kanyang isiniwalat dahil ayokong malaman niya na pinabackground check ko siya.
"So, ano po ang plano natin? Kakalas na po ba ako doon?" tanong niya sa akin isang gabi habang nanonood kami ng balita. Headline kasi ng balita ang sindikato ni Emil. Potential na drug trade at human trafficking ata plano, ngunit narescue ng mga awtoridad ang dalawang biktima at bag nito na may lamang limang kilo ng hinihinalang shabu.
"No, stick to the plan, Warren. Just make sure na you'll come clean sa mga illegal transactions nila pero you need to stick to them para alamin ang mga hakbang nila." Sagot ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomanceHow well do I know you? All rights reserved, 2021