Rob's POV//
"Rob! UMALIS KA DIYAAAAN!" sigaw sa akin ni Nathan na nagpahinto sa akin. Nang tumalikod ako ay nakita ko silang dalawa ni Ken na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Medyo malayo sila kaya hindi ko maintindihan ang kanilang sinisigaw. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na lumakad patungo sa kotse ko. Ilang saglit pa ay sumabog ito.
Sa lakas ng impact ay tumilapon ako sa kung saan at ganoon din sina Ken at Nathan. Pati ang mga kalapit na kotse ay napinsala rin dulot ng malakas na pagsabog.
Nang kumalma na ay agad tumakbo sina Ken at Nathan sa kinaroronan ko. Agad nila akong inalalayan ng mapansing nahihirapan akong makatayo. Medyo masama ang pagkakabagsak ko kaya nakaramdam ako ng pananakit ng aking katawan. May natamo din akong iilang mga sugat dahil sa mangilang ngilang debris at basag na mga salamin na tumama sa akin.
"Ok ka lang Rob?" tanong sa akin ni Nathan. Hindi ko na pinansin ang tanong niyang iyon dahil napukaw ang atensyon ko ng kasalukuyan kong nasusunog na sasakyan. Agad akong tumakbo tumakbo doon.
"Nooooo! " sigaw ko nalang at napaluhod. Hindi ko mapigilang mapaluha.
Yung porsche kasing 'yun is my dad's First ever gift to me when I graduated valedictorian in highschool. It was my first car. Hindi ako materialistic na tao- but I admit, sobrang ingat ko sa sasakyan kong ito.
"Sinong gumawa nito?!" halos pabulong kong tanong habang umiiyak na parang bata habang nakaluhod. Si Nathan naman ay tahimik na hinihimas ang likod ko.
"Ayun siya!" sabi ni Ken habang tinuturo ang lalaking nasa rooftop ng isang abandonadong building na di kalayuan. Naka itim ang damit nito at may takip ang mukha. Nang mapansin niya kami ay agad rin siyang tumakbo. Agad rin kumilos sina Ken at Nathan para sundan ang lalaki habang ako nama'y hirap na hirap sa pagtayo. Doon ko lang napansin na may malaking sugat pala ako sa likod. Marahil ay natamaan ito ng kung ano mang matalim na bagay dulot ng pagsabog.
Agad kong tinawagan si Dad para ipaalam ang nagyari at agad din siyang tumawag sa kumpare niyang pulis para rumesponde.
Ilang minuto ang nakalipas at nakita kong palapit sina Nathan at Ken sa kinaroroonan ko. Mapakunot ang noo ko ng makitang dumudugo ang tagiliran ni Ken habang inaalalayan siya ni Nathan na puro pasa ang mukha.
"Sht! anong nangyari sa inyo?!" nag alala kong tanong. Hindi ko maiwasang mapamura nang makita ko ang hitsura nila.
Kahit pilitin kong tulungan sila ay hindi rin ako makagalaw dulot ng sugat sa likod ko at sunog na parte nito."Ah.. wala to. Di namin inaasahan marami palang kasama ang mokong kaya ayun. Napasabak kami. Nasaksak ako sa tagiliran. " sagot ni Ken sa akin habang pinipilit na ngumisi. Alam ko namang masakit ang sugat niya pero di niya iyon ipinahalata sa akin.
Napansin kong nagtinginan sila ni Nathan ng makahulugan pero isinawalang bahala ko nalang ito.
"Tinawagan ko na si Dad. Marahil ay maya maya'y nandito na sila." paninigurado ko sa kanila na tinugunan naman nila ng tango. Agad silang umupong dalawa sa tabi ko habang naghihintay kami ng responde.
Ilang sandali pa'y natanaw na namin ang palapit na ambyulansya at bumbero. Kasama rin ang kotse ni Daddy at ni Warren.
Agad ding rumesponde ang mga bumbero sa nasusunog na mga kotse habang kami namang tatlo ay agad na ginawaran ng paunang lunas. Ilang saglit pa ay naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at marahang hinalikan ito.
"Ok ka lang?" tanong ni Warren sa akin habang patuloy pa rin kaming magkahawak ng kamay.
"Tado! Bakit mo ginawa yun? Baka makita tayo ni Daddy." Pabulong na usal ko sa kanya. Pero imbes na bitawan ay naramdaman ko mas humigpit pa ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/280594154-288-k61453.jpg)
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomanceHow well do I know you? All rights reserved, 2021