/Rob's POV//
Mayroong talagang pagkakataon sa atin buhay na hindi natin maintindihan kung talagang sinuswerte lang ba talaga tayo o may mas malalim na dahilan pa ang lahat.
Katulad ng nangyari sa akin kanina. Isang kalabit nalang ng gatilyo ni Tiyo Emil ay magwawakas na ang buhay ko. Hindi ko alam kung sinuwerte lang ba talaga ako na tamang tama ang timing sa pagpapasabog sa mansion o kung talagang hindi ko pa oras na lumisan sa mundo, at may misyon pa ako.
Gusto ko mang malaman ang sagot, ay alam kong malabo ko ding makuha ang sagot.
"Shit! Sinasagad talaga nila ang pasensya ko ah." Iyon nalang ang nasabi ni Tiyo Emil bago ito lumabas sa silid.
Agad din siyang sinundan ni Warren kaya't naiwan nanaman akong mag-isa sa aking silid.
"Kung sinuswerte ka nga naman." Nasambit ko nalang sa aking sarili. Agad kong isinagawa ang aking plano. Kaagad kong kinapkap ang kwintas na may krus sa akin kinauupuan gamit ang aking kamay. Mabuti nalang at maluwag ang posas kaya kahit papaano ay malaya ang aking kamay na gumalaw.
Natawa nalang ako ng maalala ko nanaman ang aking naging diskarte. Marahil ay malakas pa rin ang dating ko kay Warren kaya hindi niya napansin na nakuha ko na pala ang kwintas nito sa kanyang leeg habang niyayakap ko siya kanina.
Tinignan ko ang hawak ko. Isang gold crucifix pendant na iniregalo ko sa kanya noong huling monthsary namin.
"Konti nalang, Rob, kaya mo 'yan." Pag-eenganyo ko sa sarili ko nang maramdaman kong malapit na akong makawala.
"Yes! Tangina." Nasabi ko nalang nang tuluyan na akong makawala sa aking pagkakaposas.
Akmang kakalikutin ko na sana ang posas na nasa aking dalawang paa nung may narinig akong yapak na tila nagmamadali papunta sa aking silid. Agad akong pumwesto sa corner ng silid para hindi nito mapansing nakawala na ako sa pagkakagapos.
"Rob, Rob, nakuha ko ang susi. Bilis kakalagan kita." Si Warren na nagmamadaling lumapit sa akin para kalagang ang mga paa ko. Buong pagmamalaki niya pang ipinakita sa akin ang susi at kaagad itong lumuhod sa harapan ko.
"Ayan yung kam---" hindi ko na siya pinatapos ng bigla kong tadyakan ang kanyang mukha na dahilan ng kanyang pagkaout balance.
Agad kong kuha sa kanya ang susi at ako na mismo ang kumalag sa sarili ko.
"Kaya kong kalagan ang sarili ko, Ren. Baka nakakalimutan mo, Si Roberto Hernandez III ang kaharap mo." Sabi ko sa kanya sabay tayo.
"Rob, Mahal. Hayaan mo akong magpaliwanag."sabi niya habang gumagapang papunta sa mga paa ko. Kitang kita sa mata niya ang sobrang sakit at kalungkutan.
Napangiti ako.
"At bakit naman kita pakikinggan, ha, Ren?" galit na tanong ko sa kanya. Nakita kong napayuko nalang ito at hindi makaimik. Tila napahiya ito sa aking tagging tanong.
"Ren, pinagkatiwalaan kita. Pinagkatiwalaan ka ng mga magulang ko. Ng mga tropa ko." Buong pasaring ko wika sa kanya. Sobrang bigat ng dibdib ko na parang sasabog na ito sa sobrang galit.
"Ren, ano ba ang ginawa kong mali?" segunad ko pang tanong sa kanya. Hindi ko na din mapigilan ang paglandas ng mga luha mula sa aking mga mata.
"Ay huwag nalang pala. Baka mapaikot mo nanaman ako. Ang tulad mong manloloko ay hindi na dapat pinapakinggan." Dagdag ko pa na mas lalong ikinalungkot niya.
"Pakinggan mo ako, Rob. Ikaw isang minuto lang. Pakinggan mo ako ng walang hinanakit sa puso mo." Sagot naman niya sa akin. Mahihimigan mo ang pagsusumamo sa boses nito.
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomanceHow well do I know you? All rights reserved, 2021