/Rob's POV//
"Ready na ba lahat ng gamit na dadalhin niyo?" tanong ni Daddy sa amin habang pinagmamasdan kami ni Warren na naglalagay ng aming mga bag sa kotse.
"Yes, dad." sagot ko naman sa kanya.
"Medyo dinamihan na din namin amg dalang damit." dagdag ko pa sa kanya habang abala pa din sa pagpapakasya ng iba pa naming mga gamit.
"Tamang tama sakop pa natin ang tabing dagat doon kaya pwede kang magswimming 'dun." sagot naman ni Dad sa akin.
"Warren, mag-iingat kayo dun, ha. Alagaan mo 'tong anak ko." bilin naman ni Dad kay Warren. Nakita kong napatulala si Warren sa sinabi ni Dad. Kahit ako rin. Parang may ibang ibig sabihin kasi ang paraan ng pagbigkas ni Dad sa kanyang sinabi.
Napailing nalang ako at natawa sa aking naisip.
"Ah..Eh... Syempre naman po. Aalagaan ko po si Rob-- este si Sir Rob." nauutal sa sagot ni Warren kay Dad na ikinatawa namin.
"O, siya. Mag-iingat kayo ha. Rob, anak, wala si mama dun. Behave ha. Be a good boy. Don't give Warren a hard time, ok?" bilin sa akin ni Mommy habang sinasakal ako ng mahigpit na yakap.
"Mom!" reklamo ko naman sa kanya habang pinipilit na makawala sa kanya.
"I'm not a kid anymore." asar na dagdag ko sa kanya habang hinahabol ang paghinga ko.
"But you'll always be my baby no matter what. Now, promise me na magpapakabait ka doon." utos ni Mommy habang kinukurot ang pisngi ko.
"Moooom!---"
"Araaaaay!" reklamo ko nung mas diniin niya pa ang pagkurot ng pisngi ko.
"Fine, mom. I promise." pagsuko ko sa kanya. Baka kasi mas lalo niya pang diinan ang pagkurot sa pisngi ko na kasalukuya nang namumula dahil sa kagagawa niya. Isa pa, alam ko nman kasi na kapag nagmatigas pa ako ay pipilitin niya pa rin akong mangako sa kanya.
"Yan, that's my baby boy." tuwang tuwa na sabi ni Mommy sa akin sabay gulo ng buhok ko.
Napailing nalang ako sa labis na kakulitan ng aking ina.
"Sige na, humayo na kayo at baka magabihan pa kayo sa daan." Sabi ni Mommy na biglang sumeryoso.
"Ano ka ba mahal. Anim na oras lang naman ang travel time papuntang Bicol, malamang mamayang alas singko ng hapon ay nakarating na sila doon sa resthouse." Pagbasag naman ni Dad kay Mommy na ikinanguwi naman ng isa. Natawa nalang kami ni Warren sa kakulitan nilang dalawa.
"Heh, wag ka ngang makialam diyan, Berto. Linya 'yan ng mga ulirang ina na napapanood ko saga teleserye at pelikula." sagot naman ni Mommy kay Daddy.
"Kaya simula ngayon ay hindi kana pwedeng manuod ng TV. Kung ano ano ang nalang ang natututunan mong kagaguhan." pabirpng suway naman ni Dad sa kanya na talagang ikinainit ng ulo niya.
"Naku! Huwag niyo nang pansinin 'tong isang 'to. Di ata nakainom ng gamot. O, siya humayo na kayo. Mag-i-ingat kayo 'dun. Warren, Rob." Baling ni Dad sa amin. Napailing nalang kami sa kanilang dalawa at kaagad na sumakay na sa sasakyan at tuluyang nang nilisan ang bahay.
"Bakit ikaw ang pinasama ni Dad sa akin? Alam mo ba ang daan patungo doon?" pagsisimula ko ng usapan. Medyo nakalayo na din naman kami ni Warren mula sa bahay at medyo nababagot na din ako.
"Ah, Oo. Nakapunta na ako dun kasama ang dad mo last year." sagot naman niya habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.
"Mabuti ka pa. Ako nga hindi ko alam na may plantasyon pala kami sa Bicol. Nagulat lang nga ako na inutusan niya akong ayusin doon ang kanyang negosyo." sagot ko naman na ikanakunot ng noo niya.
BINABASA MO ANG
MDA II: The Lost Midnight [boyxboy]
RomansaHow well do I know you? All rights reserved, 2021