First time ng POV ni Erika so I think it's better to start when she appeared dun sa flashback ni Jec.First part of this chapter is mostly flashback.
Enjoy Reading..
-Ejathor
Erika's POV
" A girl is for boy Jeca!"
Pasigaw kong nasambit kay Jeca ang mga salitang yun. Nagawa ko yun dahil ayoko na mangulit pa siya. Naalala ko pa rin ang mukha niya nung mga oras na yun. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.
" I can only love you as a friend and not more than that" mahinahon kong sabi.
Sa mga salitang binitawan kong yun, taliwas yun sa sinasabi ng puso ko.
" So, what is the meaning of that kiss? " tanong ni Jeca sa akin. Ang boses niya'y puno ng pagmamakaawa, naghihintay ng sagot na magbibigay ng pag-asa sa kanya.
Ayoko man sabihin pero...
" It's nothing"
Yan ang lumabas sa bibig ko. Halos sumabog ang puso ko sa sakit na i-deny ang nararamdaman ko para sa kanya.
Mabilis akong tumalikod at dali-daling naglakad, kasabay nun ang pagbagsak sa luhang kanina ko pa pinipigilan.
-------------------
"Erika, let's go" tawag ni Dad sa akin pagkagaling namin sa registrar ng school namin nina Jeca.
Palinga-linga ako sa paligid nagbabakasakali na mapagmasdan man lang mukha ng taong pinakamamahal ko.Pero kailangan ko siyang iwan dahil sa kagustuhan ng mga parents ko na magkakasama na kaming tumira sa Paris at mailayo ako kay Jeca. Two weeks ago nang makita ni mommy yung video na ginawa ni Jeca kung saan umamin siya sa akin na mahal niya ako. Kumanta pa nga siya dun..Pinaamin nila ako if I have feelings for Jeca, I denied it but may mga nakitang text messages si mommy sa phone ko at ikinagalit nila yung pagsisinungaling ko.
Ou duwag ako at di ko kayang ipaglaban si Jeca pero ano bang magagawa ko? Umaasa pa rin ako sa mga parents ko kahit papaano at ayaw ko din sila masaktan at kung lalaban man kami ni Jeca, mas masasaktan ko siya..
Naluluha ako dahil sa kailangan kong isakripisyo ang pag-ibig na nararamdaman ko para kay Jeca...
Dadaan muna kami kay Tita Victoria dito sa admin office ng school. Magkapatid sila ni Dad at may shares si kami dito sa school. Magpapaalam lang si Dad sana saglit kaya kinuha ko yung opportunidad na yun para makita si Jeca.
" Dad pwede po ba akong mag-CR muna?"paalam ko.
" Sa office na lang ng Tita Victoria mo" ani Dad habang naglalakad kami.
" Pero dad ayan na po yung CR" kako sabay turo sa Cr na nasa bandang corner.
" Okay sige, pumunta ka agad sa office ni Tita Victoria mo para makapagpaalam ka din" aniya at nagpatuloy na siya sa paglalakad at ako naman ay pumasok sa Cr pero kaagad din akong sumilip kung nakatingin si dad, patuloy naman siya sa paglalakad kaya mabilis akong lumabas ng Cr at lumiko ng lakad dito sa corner ng hallway. Pupunta lang ako sa room naming at sisilipin si Jec. Nang malapit na ako sa room namin namataan ako ni Louise.
" Erika!..kala ko nakaalis kana" si Louise na friend ko.
" Ah mamaya na yung flight namin. Nakita mo ba si Jeca?" mabilis kong tanong.
Luminga-linga sa paligid si Louise..." Hmm ayun siya oh" sabay turo sa nakatalikod na pasakay ng kotse. Familiar yung kotse at kay Kira yun, friend ni Jeca.
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers (GlovesG)
RomanceNagmahal kana ba ng sabay sa dalawang tao? Hiniling mo ba na sana dalawa ang puso mo? Sino ang pipiliin mo? Ang bagong dating na minamahal ka at mahal mo rin o ang nang-iwan sayo pero nagbalik dahil mahal ka niya at sa palagay mo ay mahal mo pa?