Jec's POV
Si Erika ang surprise ni mom para sa akin and I guess dun sa mga sinabi niya na mag-move on na daw at kalimutan ang nakaraan, malamang alam na niya yung nakalipas sa amin ni Erika and is she in favor of it?. Wala akong masabi kaya tumatango na lang ako at ngumingiti. Right now na kaharap ko si Erika, I just can't believe that this is happening. I should be mad at her dahil iniwan niya ako but why did I have to hug her back kanina?
Kung pwede lang hampasin ang sarili ko kanina ko pa ginawa but I can't resist Erika's lonely face, lalo na nung marinig ko yung iyak niya bigla akong nakadama ng urge para i-comfort siya.
Naramdaman kong humawak sa kamay ko si Erika habang pababa kami ng hagdan para mag-almusal. Anong magagawa ko? " ala namang sabihin ko " Wag mo ko hawakan" o magpumiglas sa pag-hawak niya. Kadarating lang ni mom ay ayaw ko na may mapuna siyang di niya magugustuhan.
Dito kami sa garden kumain ng breakfast at natapos na din kami.
Nagkwento si mama tungkol sa pagkikita nila ni Erika sa Paris at paanong naging part siya ng company namin sa New York.
Aaminin ko I was amazed by the courage of Erika na humiwalay sa parents niya at mamuhay mag-isa sa abroad pero sana dati pa siya naging matapang at inamin niyang yung kiss namin noon ay tanda ng pagmamahal niya sa akin.
" How about you anak, anything new na ikukwento mo sa akin, sa amin ni Erika?" biglang tanong ng mom ko sa akin.
" Ahh..besides of finishing another year of my course..ahmm, everything the same mom. " kako sabay ngiti na medyo lang.
Tumangu-tango ang mom ko.
" Anyway, Erika will be helping me for the coming fashion show here in Manila but she will not work most of the time . I want you to accompany her kapag off niya from work. We will be staying here for a month. Okay ba iyon hija?. ( sabay tingin sa akin na nagtatanong) Tutal bakasyon naman, tsaka it's the right time for both of you na mag-bonding uli." mahabang sabi ng mom ko at nakangiti.
Nakatitig ako ng medyo matagal sa mom ko.
" Jeca anak?" si mom.
'Ahmm..yeah sure po" medyo mahina ngunit mabilis kong sagot.
Kinuha ko yung inumin ko tsaka uminom, kailangan eh.
Napagawi ang tingin ko kay Erika tapos nginitian niya ako.
Napatitig pa ako sa kanya kung di pa tumunog ang phone ni mom, para na akong na-hypnotized sa tingin ni Erika sa akin.
Mom answers the phone call, tumayo siya at mukhang business yun.
" Ahmm, Jeca kung may mga plano ka ngayong bakasyon, okay lang naman kasi pwede naman ako magpasama kay Louise" medyo pabulong na sabi ni Erika.
Napansin niya siguro na medyo ilang ako sa mga sagot ko sa mga gustong mangyari ni mom.
" Hmm it's okay, wala naman masyadong plano this summer" kako na lang.
Medyo napabuntung hininga ako. I feel inside of me, gusto ko malaman kung bakit ba talaga siya umalis.
" Ahm, girls I have to leave for a while, I have to meet the organizers of the fashion show" ani mom.
" Tita baka kailangan ko po sumama?" tanong ni Erika.
" it's okay Erika, dyan ka muna at usap muna kayo ni Jeca" sagot ni mom.
Dahil sa nakabihis naman si mom, kinuha niya lang yung bag niya at umalis na siya.
Lumabas naman si Ate Leticia.
" Ma'am Jeca.okay na po yung magiging kwarto ni Ms. Erika"
" Ahh sige, thank you Ate Leticia" kako.
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers (GlovesG)
DragosteNagmahal kana ba ng sabay sa dalawang tao? Hiniling mo ba na sana dalawa ang puso mo? Sino ang pipiliin mo? Ang bagong dating na minamahal ka at mahal mo rin o ang nang-iwan sayo pero nagbalik dahil mahal ka niya at sa palagay mo ay mahal mo pa?