"Hello? Jeca? san kana ?" tanong ng nasa kabilang linya.
" Papunta na ako" tipid na sagot ni Jeca.
"Ok sige hintay kana namin dito sa bar. Start na tayo in an hour" sabi uli ng nasa phone.
"OK" at binaba nani Jeca ang phone niya saka ibinulsa.
Nakasakay sa taxi si Jeca papunta sa bar. Madilim ang kalangitan nang mapasilip siya sa bintana ng taxi..Gusto niya sanang makakita ng bituin. Sa tuwing nakakakita kasi siya non ay narerelax siya. Kailangan niyang maging relax dahil mamaya ang unang pagtugtog ng banda niya sa bar na yun.
Jeca's family is rich. Nakatira sila sa isang sikat na subdivision pero three years ago naiwan na siyang mag-isa dun at mga katulong na lang ang kasama niya. Yung family niya ay nag-stay na USA dahil lahat ng mga negosyo nila ay naroon. It's her choice to stay here in the Philippines. Marami siyang reason pero ang pinaka reason niya ay di daw siya sasaya dun.
Jeca has passion in singing ay yung ang dahilan kaya pumayag siyang tumugtog sila ng banda niya sa bar every Friday. Isa kasi sa mga member niya ay nawalan ng support sa studies kaya napagkasunduan nilang tutugtog ang grupo. Jeca is their vocalist at mga alternative songs ang mga tinutugtog nila..
After 30 minutes na biyahe nakarating din si Jeca sa bar. Kahit medyo maaga pa marami ng tao sa bar. Palakad na si Jeca papasok sa bar nang may tumawag sa kanya..
"Hi Jec" bati ng isang babae sabay akbay sa kanya.
"Good luck sa first night" sabi nung babae na sobrang lapit ng mukha kung makipag-usap kay Jeca.
Well siya lang naman si Loraine,Ka-department niya sa school,B. A Department sila. Si Loraine na matagal ng crush si Jeca pero ayaw ni Jeca sa kanya dahil sobrang maharot :D
"Thanks" tipid na sagot ni Jeca.
Jeca is Bi pero never pang nagka-girlfriend. Ang type niya is yung mga mala- Maria Clarang babae. Biniro siya ng mga kabanda niya nun na tatanda na siya at mangungulubot mawawalan ng ngipin ay di pa niya mahahanap ang dream girl niya dahil walang Maria Clarang pumapatol sa babae din. Tinawanan lang ni Jeca yun nun. Nakita na niya ang Maria Clarang hinahanap niya but ang masakit wala ngang MC na pumapatol sa kapwa babae.
Pumasok na Jeca sa bar kasama si Loraine.
"Ah excuse me Loraine, kailangan ko ng pumunta sa backstage" ani Jeca
" Ah sige..kaya mo yan babes" sabi naman ni Loraine
Ngumiti lang si Jeca sabay sabing " Thanks Loraine"
Pagpasok ni Jeca sa backstage......." Hey Jec, andito na pala si Shining Star naten eh" biro ni Kira.
" Haha..sira!" ani Jeca.
May three members pa ang banda ni Jeca. Kasama niya si Kira at Mellisa as guitarist at Albert as drummer. Babae ang mga guitarist ng banda and that makes their band quite unique and popular in their school. Dati kasi puro acoustic lang ang kanta nina Jeca, Kira at Melissa pero nung naging mag-on sina Melissa at Albert ay gumamit na sila ng drum in their singing.
" Be ready, you are on in 10 minutes" sabi nung manager nung bar.
"Ok, let's Go" ani Kira.
Naghawak-hawak kamay ang apat..sabay sigaw " Make the audience fall inlove!"
Lumabas na sila sa stage at kinuha na ang instruments nila na kanina pa inayos.
Sabay hiyaw ng mga tao na nasa bar. Samut-sari ang mga audience pero halos ay mga teenager.
" I love you Jeca" sigaw ng isang babae sa harapan.
Napangiti tuloy si Jeca.
"I Love you too babes" sagot ni Kira ng may pagkalandi...Kira is bi also at sobrang babaero..
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers (GlovesG)
RomanceNagmahal kana ba ng sabay sa dalawang tao? Hiniling mo ba na sana dalawa ang puso mo? Sino ang pipiliin mo? Ang bagong dating na minamahal ka at mahal mo rin o ang nang-iwan sayo pero nagbalik dahil mahal ka niya at sa palagay mo ay mahal mo pa?