Hello Readers..
Napagpasyahan ko po na oras na para magka-POV ang isa sa mga character kaya eto na po ang POV ni Emily..
Enjoy! :D
Maloloka ako sa Jec nato..ang bilis naman niyang magpakita uli. Sa lahat ng may utang siya ang ganun eh di ba pag may utang hirap hagilapin?. >.<
Napabuntung hininga ako nung pabalik na ako sa kinaroroonan ni Lian at Jec at sigurado ako na kukulitin talaga ako ni Zena tungkol kay Jec. Ay! ano nga ba talaga Jec or Jeca...Jec na nga lang para one syllable na lang pag tinawag. :D
" Hmmm nga pala Jec, eto si Lian at yun naman si Zena" pakilala ko,at ayun!, si Zena nakatayo pa rin sa lugar kung saan niya ako hinila at mukhang bumubuo na siya ng hinuha niya..sigurado ako madumi isip nito sa amin ni Jec..Kainis!
Iniabot ni Jec ang kamay niya kay Lian.." My name is Jec" sabay ngiti kay Lian..
Nagkamayan ang dalawa at sa isang iglap nasa tabi na namin si Zena..
" I am Zena" sabay alis sa kamay ni Lian at ang kanyang kamay ang iniabot kay Jec..
Maloko talaga tong Zena na nato kako sa isip ko..
" Ok, since magkakakilala na pwede naba tayong umakyat sa taas?" tanong ko sa kanila.
" Ok" pagsang-ayon ni Zena at sabay pindot sa elevator. Pagkapasok pinindot ni Zena ang 18th floor. Hanggang 20 floors ang building kung saan ang condo ko..Nabili ko ito dahil na rin sa tulong ni mama at dahil din sa pagsisikap ko syempre.
Nakarating na kami sa 18th floor at pinindot ko na ang code para makapasok na kami.
Umupo muna sina Lian at Zena sa sofa. Pina-upo ko na rin si Jec dun at iniwan silang tatlo para tumungo sa laundry room ko at kunin yung mga damit ni Jec na isinampay ko dun.
Nilagay ko sa paper bag yung mga damit niya at lumabas na ako para bumalik kung saan yung tatlo. Pagbalik ko ay nagulat ako sa nakita ko..o___o
Nakakuha na agad ng drinks..at ang Girls Night Out wine ko pa talaga ang kinuha nila para tirahin...Asar!!! Ang hirap kaya maghanap ng brand na yun dito...grrrrr!
Naglabas na ng apat na glass wine si Zena at isa-isa niya itong nilalagyan..Akmang ibibigay na niya kay Jec ang glasswine na may laman..nagsalita ako..
" Hep..hep..hep.....Zena di yan pwede!" pagpigil ko sa pag-alok ni Zena kay Jec
Nagsalita si Jec, " Ahhhmmm, sorry di ako pwede" pagtanggi ni Jec habang nakataas ng kaunti yung mga kamay niya at ipinapaspas both side..
" Oh narinig mo yun!" kako kay Zena...
Pero makulit talaga tog Zena na to..
" Hay,,wag ka kj..isa lang naman eh" pamimilit pa rin ni Zena kay Jec
" Bakit hindi ka pwede? " tanong ni Lian
Sumagot si Jec " Eh kasi may pasok sa Monday" sabay kunot noo parang di nasiyahan sa dahilan niya.
" Anu ka ba Sunday pa lang bukas noh, kaya eto na,,try mo ito,,masarap itong wine na to at bihirang makita sa Pinas"pangungumbinsi ni Zena at bumaling sa akin..
" Hindi ba best masarap ito?.." sabay ngiting mapang-asar ni Zena..
" Tadyakan kaya kita dyan!"
"Oh relax ka lang best..bibili na lang kita uli nito..pero sa ngayon ipatikim muna natin sa bisita natin diba.."
Maloko talaga tong bestfriend ko..minsan gusto ko kalimutan isang araw na bestfriend ko siya dahil sobrang mapang-asar..tsk
Hayyyy...
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers (GlovesG)
RomanceNagmahal kana ba ng sabay sa dalawang tao? Hiniling mo ba na sana dalawa ang puso mo? Sino ang pipiliin mo? Ang bagong dating na minamahal ka at mahal mo rin o ang nang-iwan sayo pero nagbalik dahil mahal ka niya at sa palagay mo ay mahal mo pa?