Chapter 8 ( Beginning of a Second Chance)

324 11 1
                                    

May nagbabasa pa po nito? Hmmm comment naman po kung meron..I just wanna hear your feedback guys..;D

I hope you enjoy this chapter..

EJ

Chapter 8

Jeca's POV

Kakapark ko lang sa car sa bandang likod ng school. Naglalakad ako patungong room ng first subject ko. Kumukuha ako ng kursong Business Administration, medyo nagugustuhan ko na rin ito kahit na pa si Mom and Dad yung pumili nito.

Dala-dala ko ang isang note ko..papasok na ako sa corridor ng building namin nang may tumawag sa akin.

" Jec!..jec!"

Liningon ko yung tawag na yun at si Kira pala.

" Jec, long time no see ha" aniya

" Hmmmppp,,namiss mo ako?" tanong ko sabay smile..

" Hahaha baliw ka na ngayon..mukhang ayos kana ha?"

"Ou naman" masigla kong sagot.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa room namin. Classmate ko si Kira.

" Saang lupalup ka ba ng dagat nagpunta?" tanong niya..

" Hmm bat sa dagat naman?" balik tanong ko.

" Eh hinanap ka namin sa lupa eh wala ka naman, kaya baka sakali na sa dagat ka''

" Hahaha..baliw ka Kira. Okay na ako noh" paniniguro ko sa kanya.

" Buti naman,,hmmm...praktis tayo mamaya ha para sa Friday"

" Ah sige" kako naman

"  Miss ka na ni Melissa at Albert"

Ngumiti na lang ako dun at pumasok na kami sa room ni Kira.

Inayos ko na yung sarili ko dahil mga five minutes lang andito ng yung prof. namin. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa harapan.

Doon nakaupo si Erika..Totoo nga wala na talaga siya.

Bumuntung hininga na lang ako..Ano nga bang magagawa ko kung ayaw na niya. Kung kaya niyang mag-move on, kaya ko din.

Nagsimula na ang klase namin. Ngayon, wala ng Erika ang magpapabuhay sa klase. Si Erika kasi marami siyang naishe-share sa mga topics. Dapat na akong masanay na di na si Erika ang kasabay ko kapag breaktime namin. Dapat ko na rin sanayin ang sarili ko na wala na akong makakasabay sa library. Eh si Kira ayaw naman sa library nun,,naaalibadbaran siya pag nandun siya.

Erika...iniwan mo na ako.kaya pwede bang iwanan mo na rin ang utak ko.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Akala ko okay na ko pero sa tuwing nakikita ko yung mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya,,naiisip ko pa rin siya.

Tapos na yung klase namin at break time na.

" Oh,,bat nakaupo ka pa riyan?" tanong ni Kira na nasa tabi ko na pala.

Dun lang ako nagising sa mga pag-iisip ko. Kinuha ko yung  notebook at tumayo na.

Pumunta na kami sa canteen at nadatnan namin dun si Melissa at Albert, nakabili na sila ng food.

" Ui sakto gutom na ako" sabay kuha ni Kira ng juice.

Umupo na rin ako sa mesa.

Kumuha lang ako ng juice at bread.

Pinag-usapan namin yung praktis namin mamaya sa music house.

Nagpaalam na kami ni Kira dahil may klase pa kami sa kabilang building na nasa labas ng campus.

Torn Between Two Lovers (GlovesG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon