Chapter 2 ( A Life Saver?)

371 13 0
                                    

Madilim ang kalangitan at nagbabadya ang malakas na ulan. Ang mga bituin na nais makita ni Jeca ay imposibleng masilayan gaya ng kaimposibleng mahalin siya ni Erika.

Pagkalabas ni Jeca mula sa exit ng bar ay naglakad siya. Pagewang-gewang nag lakad ang mga paa niya at di niya alam kung saan nga ba patungo..Nakasuot siya ng jacket na may hood kaya hindi siya napansin nga mga tao sa labas ng bar na siya yung vocalist ng bandang pinag-uusapan nila.

Magaalas-dose na ng gabi at eto siya patungo sa waiting shed ng bus. Nakaupo lang siya ay nakapikit ang mata..May ilang sandali ang nakaraan ay tumigil ang isang bus sa harapan niya..Pinilit niyang tumayo at sumakay. Wala ng masyadong pasahero ang bus. Naupo si Jeca sa bakanteng upuan sa likod. Kaninang papasok siya ng bus at lumakad patungong likod ay muntik na siyang masubsob sa isang babae buti na lang ay nakahawak siya sa sandalan ng upuan. Naupo si Jeca sa tabi ng bintana. Kasabay ng pag-iyak ng puso niya ang pagbuhos ng malakas na ulan..

Nang-aasar talaga ang ulan...Parang bulong ng madilim na langit kanina ' Iiyak na yan!..iiyak na yan!"

Kanina kasi pinipigilan pa ni Jeca ang umiyak pero di na niya kaya.

Napahiga siya sa upuan.

Napapatingin yung babae sa tapat ni Jeca..naririnig niya kasi ang iyak ni Jeca..

" Hay...mga kabataan talaga,,sa alak dinadaan ang problema.." anang babae sa isip niya.

Umusog yung babae palayo sa bintana ng bus..dama niya kasi ang lamig na nagmumula sa lakas ng ulan. Sa pagkausog niya ay napalapit siya kay Jeca at napagmasdan ang mukha ng kawawang lasing na si Jeca.

May isang minute na ata siyang nakatingin sa mukha ni Jeca..ewan niya pero di niya maalis ang tingin niya sa bangag na batang to.

" Ano bang problema nito at naglasing siya ng ganito" tanong ng babae sa isip niya.

Naputol ang pag-iisip niya ng makita niyang papalapit ang konduktor. Umusog siya ng kaunti.

" Miss..miss" tawag ng konduktor kay Jeca.

" Hay naman..lasing to ah.." tantiya ng konduktor.

Nagising si Jeca dahil sa pagyugyog ng konduktor sa balikat niya.

Umupo si Jeca.. " Magkano ho?" tanong niya.

"25 pesos" sagot ni mamang konduktor.

Dumukot ng pera sa bulsa si Jeca pero wala siyang nakapa..ngayon nya rin namalayan na wala ang cellphone niya.

Tumitig si Jeca sa konduktor at inayos ang mata para maawa ito sa kanya..

Nga nga lang eh..walang pera si Jeca. Yung bag niya ay dala nina Mellisa at nandun ang wallet niya..yung cellphone niya di nya rin alam kung nasaan.

" Haha...luma na yang modus mo bata" anang konduktor. " Magbayad ka na!" sigaw ng mama.

Hindi na mapakali si Emily sa naririnig..

Si Emily yung babae na kanina ay muntikan na masubsob si Jeca sa kanya..at siya rin yung babae na kanina pa napapatingin kay Jeca.

" AY manong..eto na po ang bayad" sabay abot ni Emily sa  mama.

" Kaibigan mo ba ito?" tanong ng konduktor..

Tumaas ang kilay ni Emily..

" Wala akong kaibigang lasinggera  noh" mariin na pagtanggi niya.

Nagkibit balikat lang ang konduktor at sabay sabi.." Tingnan mo kaibigan mo, gabi na baka ano pang mangyari dyan" Umalis na ang konduktor. Napatingin uli si Emily sa mukha ni Jeca. Hindi maintindihan ni Emily ang sarili kung bakit ba ang bait at maawain niya. Kaya madalas siyang naloloko lalo na sa pag-ibig..kaka break niya lang sa Bf niya dahil nahuli niya ito na may iba. Naubos na pasensya kaya ngayon ay miyembro na siya ng mga manhater Org..:D

Ilang sandali lang ay nag-para si Emily..pagbaba niya, sinindi ang dalang payong. Buti na lang may dala siyang payong deserve niya talaga ang Girl Scout of the Year nung high-school siya.  Tinawag siya bigla ng konduktor.

"Miss..yung kasama mo..hintayin mo" sigaw ni manong.

Lumingon si Emily sa likod at nakita na nga niyang pababa si Jeca.

Hindi na niya pinansin at lumakad na siya pero parang may pumipigil sa kanya...minsan pa siyang lumingon at nakita niya si Jeca na nakahandusay na sa daan at basang-basa.

Tumakbo palapit si Emily at sinubukang itayo ang kawawang lasing...binitawan na niya ang payong at tuluyan na rin siyang nabasa.

Kailangan makalipat si Emily sa kabilang daan dahil sa hanay na yun ang condo niya.

Kanina..sinubukan niyang kapain ang mga bulsa ni Jeca para makahanap ng contacts na pwedeng tawagan..(Oh kala nyo, robbery noh? Haha) pero nabigo siya..walang laman ang mga bulsa ni Jeca..

"Nasabi tuloy ni Emily sa sarili. "Lasinggera na, wala pang pera"

Nag-decide si Emily na iuwi muna si Jeca sa condo niya dahil..gusto na rin niyang umuwi at magpahinga.

Pagpasok ni Emily sa lobby ng building ng condo niya, sinalubong siya ng security guard.

"Good morning po maam" bati ng security..

Tumingin si Emily sa wall clock sa lobby at 1:00 am na nga.

" Patulong naman dito." ani Emily sa guard.

 Inakay nilang dalawa si Jeca papunta sa Condo unit.

Pagdating sa harap ng room..

" Sige dito na lang..salamat..Mang Ricky" ani Emily

" Sige po maam..walang anuman" nakatingin pa rin si Mang Ricky sa dalawa dahil mukha na talaga silang basang sisiw.

Pinindot na ni Emily ang code ng room niya at dumiretso sa CR na akay-akay si Jeca.Walang anu-ano ay biglang nagsuka si Jeca.." Shit naman!" ani Emily sa pagkagulat niya. Pina upo niya si Jeca sa upuan.Kumuha siya ng towel at nagpunas ng sarili..tsaka pinunasan si Jeca

Pinagmasdan niya si Jeca..at sabing " Walang hiya ka pinagod moko"

"Una pinagbayad kita sa bus, tapos eto inuwi kita sa condo ko at ngayon papaglinisin mo pa ako ng sama mo ng loob..." reklamo ni Emily habang nakapameywang.

Wala ng nagawa si Emily kung hindi linisin ang basa at lasing na si Jeca.

Pinaupo niya ito sa bathtub at sinimulan hubarin ang mga basang damit ni Jeca..

Ayaw niya sanang tumingin pero " Naku naman oh..paano ko malilinis to kung nakasara ang mga mata ko" aniya sa sarili. Kaya binuksan na ang mata niya at hinubad ang jacket at t-shirt ni Jeca..sinunod ang sapatos, medyas at pants..

Nakaunderwear na lang si Jeca..sinasabon siya ni Emily nang bumulong si Jeca at sambitin ang pangalan ni Erika..

Di na pinansin ni Emily yun..kumuha siya ng bath robe..at pinasuot kay Jeca. Itinayo niya muna si Jeca para maalis na tuluyan ang underwear nito. Inalalayan ni Emily si Jeca sa kama niya at doon na pinahiga.." Teka sa sofa na lang kaya?" aniya sa sarili..

" Hay diyan ka na lang, pagod na ako sa kakabuhat sayo.

Naglinis na rin ng katawan si Emily at nagsuot na ng nighties at humiga na rin sa kama.

Tumingin siya sa orasan at pasado alas dos na..Madali siyang nakatulog dahil sa pagod..pero bago tuluyang matulog ay naglagay siya ng unan sa pagitan nila ni Jeca..

Torn Between Two Lovers (GlovesG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon