Chapter 11 ( Trip to Happiness)

847 13 2
                                    

Emily's POV

Nagising ako sa mala-anghel na tawag ni Jec sa pangalan ko..

"Emily..." tawag niya uli sa akin.

Napangiti ako pagkadilat ng mga mata ko. Ang ganda kasi ng view eh..

Pag nakikita ko si Jec parang gumaganda at nagkakakulay  ang paligid.

" Hmm masarap ba tulog mo?" tanong niya sa akin habang nakaupo siya sa kama at nakatitig sa akin.Mukhang kanina pa siya gising..

Nagpasama siya dito sa bahay kasi mag-isa lang siya ngayon.

Haizt!!!papagday-off ba naman lahat ng kasama niya sa bahay..

Habang nakatitig ako sa kanya, may ngiti sa aking  mga labi, kaya sa tingin ko alam na niya ang sagot sa tanong niya. Naalala ko yung kagabi, kitang-kita sa mukha niya na nagugulat siya na pasimple ko siyang ninanakawan ng halik habang kumakain kami ng beef mami pero di naman niya ako sinasaway kaya alam kong gusto niya rin yun. ^_^

"Emily??" tawag niya uli.

" Hmmm?" sagot ko naman habang ako feel na feel pa ang kama niyang malambot.

" Bangon ka na,,,mag-breakfast na tayo" pag-aya niya na parang isang bata habang hinihilahila yung kumot na nakabalot sa sa akin.

Ako na yung nagsuggest na magtabi na lang kaming matulog. Napapangiti ako ng palihim..kasi ba naman kagabi parang takot siya..

(Last Night)

"Jec, tabi na lang tayong matulog ha." Kako sa kanya habang binibigay niya yung damit na isusuot kong pantulog.Andito kami sa kanyang kwarto ngayon.

Hindi na ako umuwi ng condo kagabi kaya wala akong dalang damit.

" Ui!,,sabi ko tabi na lang tayong matulog" pag-uulit ko..

Ang tagal bago siya makasagot at nauutal pa siya..

" Ahh...Sige....." sagot niya.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.. "Wala ka namang balak sa akin diba?"

Ngumiti ako sa kanya pagkabulong ko nun at nagtungo sa CR para magpalit. Naiwan siya na tulala ata..

Pagkalabas ko ng CR, naabutan ko siya na nagbabasa ng libro.

"Uhmm nagbabasa ka pa?..Long weekend naman,,have a break.."   kako sabay lapit sa kanya habang pinapatuyo ko yung buhok ko.

" Ah,,wala naalala ko lang yung lesson namin kanina, may nakalimutan ako kaya tiningnan ko uli"  sagot niya at sinara na niya yung libro at nilagay sa study table niya.

" Masipag ka din palang mag-aral tulad ko" sabi ko at ngumiti ako.

Matamis na ngiti ang sagot niya sa akin..sa totoo lang kung ang mga ngiti namin ay naglalabas ng sako-sakong asukal malamang natabunan na kaming dalawa..:)

Sandaling nanahimik ang buong kwarto..kaya binasag ko yun..

"Sige maligo kana..." kako sa kanya dahil napansin kong nag-iiba na yung titig niya sa akin. Pasuot ba sa akin ang isang white silky nighties kaya ayan big turn on tuloy ang looks ko..safe naman ako kasi nangako siya na di siya gagawa ng moves ng wala akong permission..:D

Sumunod naman siya sa akin at pumasok na sa CR. Pakatapos niya, naabutan niya akong nakahiga na. Naghalf-bath lang siya pero kahit di naman maligo si Jec ang bango pa rin niya..nakakatuliro yung pabango niya..mas naamoy ko yun nang bigla ko siyang yakapin sa bandang likuran niya  kaninang nasa park kami dahil gusto kong magpapasan pero nahawakan ba naman yung puwet ko...

Torn Between Two Lovers (GlovesG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon