" Ano Melissa, nakita nyo ba si Jeca? tanong ni Kira sa mga kabanda niya.
"Hinde eh,,nagtanong kami kung may nakapansin sa kanya pero wala daw" sagot ni Melissa.
" Asar naman tong si Jec oh.." ani Kira.
" Malamang naglakad-lakad lang yun dahil andito ang bag niya eh..tsaka baka gusto niya lang talagang mapag-isa ngayon..ani Albert
"Si Babes Louise naman kasi pinaalala pa na aalis na si Erika" sisi ni Kira kay Louise tapos nangingiti siya dahil inaasar niya si Louise.
" Eh malay ko ba na di pa siya totally nakamoved- on!" sabay taas kilay ni Louise kay Kira..
" Tama na nga kayong dalawa diyan" bulyaw ni Melissa.
Bumalik ang magkakaibigan sa loob ng bar at kinuha na ang mga gamit nila para makauwi na Tumawag si Melissa sa bahay ni Jeca pero wala pa daw siya sabi ng katulong sa bahay. Napagpasyahan nila na pabayaan muna si Jeca dahil ganun naman talaga yun. Biglang mawawala kapag di siya okay pero susulpot na parang kabute pag okay na siya..
*********
Sa pagtatapos ng gabi at pagbukas ng bagong umaga, ang ulan ay patuloy na nakikisalo sa pagtulog ng mga tao..Lamig ang nararamdaman ni Emily kaya napayakap siya sa katabi niya na nag-aalab naman sa init. Sa hingbing ng tulog niya di niya namalayan na tao ang kayakap niya ngayon at hindi niya kilala!. Nawala na kasi yung unan sa pagitan nila ni Jeca..Inalis ito ni Jeca dahil sobrang init ang nararamdaman niya at nakakaragdag lang sa init yung unan na iyon.
Tama bang magyakapan ang dalawang tao na di naman magkakilala? Sa bagay maari naman dahil pareho silang walang malay sa ginagawa. Si Emily, ang akala niya ay unan ang kayakap dahil sanay niyang yakapin ang unan niya..Si Jeca naman ay dahil pa rin sa epekto ng alcohol ay wala rin siyang malay dito.
Sa pagdaan ng mga oras, ang ulan ay tumigil na. Tahimik dito sa buong condo unit ni Emily.
Walang anu-ano,,binasag ng tunog ng cellphone ang katahimikan.
Inabot ni Emily ang kanyang cellphone..kinapa ito dahil nakapikit ang mga mata niya. Madali siyang nakagalaw para makuha ang cellphone dahil di na sila magkayakap ni Jeca. Nakatalikod si Emily kay Jeca nang sagutin niya ang tawag.
" Hello" mahinang sagot ni Emily habang papikit-pikit pa ang mata..
"Good morning ma'am..remind ko lang po yung appointment ni Mr. Morales, Branch Manager ng Bank sa Baguio, 9 am po iyon" anang babae sa kabilang line.
" Ah sige Mel" sagot ni Emily at sabay tingin sa alarm clock niya at pasado ala-sais-imedya na.
" Darating ako 30 minutes before" ani Emily.
" Hmmm ok po ma'am"
Inend call na ni Emily ang tawag, napahikab pa siya habang nakasara ang mga mata at nag-unat ng mga kamay nang bigla niyang mabagsak ang kamay sa katawan ni Jeca..Napabukas ang mga mata sa pagkagulat at nang bigla niyang naalala ang nangyari kagabi na nag-uwi siya ng di niya kilala at pinatulog pa niya sa kama niya.
Naalala rin niya ang pasakit na dinanas niya dahil sa lasing na katabi niya ngayon.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pag titingnan niya ang mukha ni Jeca di na siya makaiwas..pero talagang naalala niya yung hirap niya kagabi kaya may namuong plano sa isip niya..napangiti siya..
Tumayo na siya at dumiretso sa CR..nang biglang sunod-sunod ang bahing niya..
" Ano ba yan magkakasipon pa ata ako.." aniya sa sarili.
Nanghilamos siya at tinungo ang kusina para maghanda ng agahan.
Nagising na si Jeca, pero papikit-pikit pa din ang mga mata niya. Nang tuluyan niyang mabuksan ang mga mata niya ay napaupo siya dahil iba ang kulay ng kisame na tumambad sa kanya..Sa kwarto niya kasi ay may malaking square na ilaw na kulay yellow-green.
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers (GlovesG)
RomanceNagmahal kana ba ng sabay sa dalawang tao? Hiniling mo ba na sana dalawa ang puso mo? Sino ang pipiliin mo? Ang bagong dating na minamahal ka at mahal mo rin o ang nang-iwan sayo pero nagbalik dahil mahal ka niya at sa palagay mo ay mahal mo pa?