Emily's POV
"Ma'am Emily lunch na po tayo" pag-aya sa akin ni Ate Berna,sekretarya ko.
" Ah sige Ate Berna, antayin ko pa kasi si Jec" sagot ko habang nakatingin sa laptop at nirereview ang napagmeetingan kanina with Australian Investors na gustong magtayo ng branch ng banko sa Cebu.
Palabas na si Ate Berna pero tinawag ko siya..
" Ate Berna, pag tayong dalawa na lang..Emily na lang po" kako sabay ngiti..a
Tumango naman siya at ngumiti.
Lumipas ang ilang minuto....15...20..25...30..
Natapos ko na yung pagreview at napadako ako sa wrist watch ko, 12: 40 na.
Tumayo ako at tumingin sa may glass window ng office ko sakto naman nagpark ang pamilyar na kotse at lumabas mula sa looban ang Bhie ko na kanina ko pa hinihintay.
Napangiti ako dahil paglabas pa lang niya ng kotse dito na agad sa window ko nakatingin, excited lang siya na makita ako eh noh..:D.. Nginitian niya rin ako at para naman akong teenager na natunaw sa pagngiti ng super crush ko.
Nag-ayos ako at kinuha yung bag ko para lumabas pero ..."Ting" sabi ng utak ko.
Nagtungo ako sa likuran ng pinto ng office ko, para pagbukas niya. Alam niyo na hehe..Alam ko didiretso siya dito at di ako nagkamali dahil kumakatok na siya.
" Tok..tok..tok"..
Di ako sasagot kaya pipihitin niya ang door knob at papasok siya.
Ganun nga ang nangyari.
" Bhie?...Bhie?" tawag niya habang palakad.
Aba at may roses pang dala-dala sa likuran niya ha..sigurado ako piñatas niya yun sa garden nila.
Lumakad ako ng mabilis na tinakip ang mata niya mula sa likuran.
" Hmm Bhie?" aniya sabay hawak sa mga kamay ko na nakatakip sa mga mata niya.
Ako ang nagulat sa sunod niya ginawa.
"Ay!" kako at napa-alis ang mga kamay ko sa mga mata niya.
Hawakan ba naman niya ako sa puwet at pinisil pa ..hmp..ako tuloy nagulat imbes na siya..
" Ikaw ha! Kung di lang kita mahal kinasuhan na kita ng harassment" kako saka nagtampo effect face ako..
Ngumiti lang siya.." Roses for you" sabay abot sa mga red roses na dala niya at kinuha ko naman mga yun.
" Bakit lima?"
Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito..
" Because,, I,miss, you ,so, bad," aniya sabay ngiti.
" Hmp..ang corny mo talaga Bhie..O siya tara na..gutom nako, late ka." kako.
Nilagay ko muna sa vase yung mga roses at kinuha naman ni Jec yung bag ko..haha ang cute niya tingnan.
Naka white t-shirt siya na may print at skinny jeans at sneakers na regalo ko sa kanya tapos suot niya yung bag ko na chanel..
" Bakit?" tanong niya habang nasa elevator kami..
" Wala naman, you just look cute" kako.
Hinawi niya yung mangilang buhok niya at isinukbit sa tenga niya tapos nag-beautiful eyes pa siya,mas lalo akong natawa sa ginawa niya..
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Lovers (GlovesG)
RomanceNagmahal kana ba ng sabay sa dalawang tao? Hiniling mo ba na sana dalawa ang puso mo? Sino ang pipiliin mo? Ang bagong dating na minamahal ka at mahal mo rin o ang nang-iwan sayo pero nagbalik dahil mahal ka niya at sa palagay mo ay mahal mo pa?