Chapter 9

403 11 0
                                    

Pag-uwi ko dumiretso agad ako sa kwarto ko.

Nung nakaraan lang muli ng bumalik yung dating ako, yung masayahin, palangiti, palatawa, makulit. Pero ngayon parang bumalik nanaman ako sa pagiging malungkutin ko kagaya dati nung panahong nasasaktan ako ng sobra.

This the reason why I'm afraid to feel happy.. It never lasts.

Hindi ko nanaman alam yung gagawin ko. Pakiramdam ko kahit san ako pumunta hindi ko sya matatakasan. Masyado na kong nagpakatanga, masyadong ko ng ipinahiya yung sarili ko kaya wala na kong mukhang ihaharap pa sa kanya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nakakaramdam ako ng kaba dahil sa ideyang pagkikita namin araw-araw ni Jay, nakakaramdam din ako ng excitement dahil sa sayaw namin. Ugh! Parang masisira na ata yung ulo ko!

Pumunta muna ako sa may rooftop ng bahay namin, gusto ko lang magpahangin. Para kahit papano marelax naman ako.

Nakapikit lang ako, pinakikiramdaman ang paligid. Sumasabay yung buhok ko sa lakas ng hangin. Haay. Nakakarelax.

May naalala ako bigla, sabi sakin dati ni Jay wag daw akong magpapagupit ng buhok dahil mas bagay daw sakin ang mahaba, ang ganda din daw kasi ng pagkakabagsak ng buhok ko. Gusto daw nya na kapag nakapag usap na kami sa personal, malalaro nya yung buhok ko, maamoy at masusuklayan nya hanggang sa antukin ako. Mukhang bading pakinggan pero kapag naiimagine ko yun hindi ko maiwasang kiligin nung panahon na yun.

The thing about thoughts is that they can make you feel more alive but can also kill you inside!

Napangiti nalang ako ng mapakla. Ang galing talaga nya talagang mang g*go, at ako naman kilig na kilig na hindi ko manlang napapansin na ginag*go na nya ako.

He's not Cecilia but he's breaking my heart.

I thought I've already moved on, pero hindi pa pala. Maybe we were never get over some people, the new happenings in our lives make them fade into the background, so it makes us think that we've already move on.

Mga pa-fall talaga. Papakiligin ka, magpapakita ng motibo, ipaparamdam na espesyal ka, dadamayan ka sa lahat ng bagay, pero pagkatapos ng lahat ng yun bigla nalang mawawala sa di malamang dahilan.

Hindi ko na talaga alam. Itutulog ko nalang to.

Sana bukas pag gising ko ok na ang lahat, sana wala talaga sya, sana panaginip lang lahat to. Nakakapagod mag-isip kaya wala na kong ibang gustong gawin kundi matulog, magbakasakali na baka pag gising ko kinabukasan wala na to lahat, tapos na. Pero hindi yun mangyayari dahil ito ang katotohanan.

Papakita ko nalang sa kanya na masaya na ako. Na hindi na ko affected. Na ok na ko. Na naka move on na ako.

KInabukasan, wala akong gana sa lahat ng ginagawa ko. Parang ganitong ganito yung nangyayari sakin dati ng dahil sa kanya.

Pagdating ko sa room. Tawa agad ng isang babae yung narinig ko. Si Kyla, she's talking with Jay. May kumirot agad sa puso ko ng makita ko silang dalawa na nagtatawanan. They're so close with each other.

Yung mga tawa ni Jay. Ngayon ko nalang ulit narinig. Nung huling narinig ko yun eh ako pa yung dahilan, I guess? pero ngayon iba na. I should be in Kyla's place. Gosh! ito nanaman ako! hays.. could someone teach me on how to unlove him?

They kept laughing and laughing. Jay's laughing like he was an innocent and kind creature! He's laughing so hard that I can't see his eyes anymore.

Napairap nalang ako sa kawalan ng kurutin ni Jay yung pisngi ni Kyla. Kilig na kilig naman si Kyla! Kitang kita ko mula dito sa kinataatyuan ko na namula yung pisngi nya. Poor Kyla, I guess she's the new victim of Jay. Oh Kyla, reregaluhan kita ng isang kahon ng panyo at tissue sa christmas party!

Eto namang si Jay bagong pasok lang may kalandian na agad! Hindi ba pwedeng bukas nalang muna sya makipaglandian?

Ang galing talagang magpaikot ni Jay sa mga babae.

Umupo na ako sa upuan ko at pinilit wag pansinin yung dalawang naglalandian sa likod. Pwede naman nilang hinaan yung tawanan nila! Gee! Wala ba silang pambayad sa motel?

Habang hinihintay ko yung teacher namin nag earphones nalang ako para hindi mabored at hindi ko rin marinig yung paglalandian nila Jay. Plus, nakakaramdam kasi ako ng kasiyahan kapag nagpapatugtog ako.

Pero wrong move pa ata nung ini-shuffle mode ko yung nasa playlist ko. Out of my league yung tumugtog.

Ewan ko ba pero hindi ko magawang ilipat yung kanta. I remember this song, isa to sa kantang dedicated nya para sakin.

Nakikinig lang ako sa kanta, iniitindi bawat lyrics, inaalala lahat lahat simula sa umpisa.

Hanggang sa hindi ko na namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

" It's her hair and her eyes today, that just simply take me away and the feeling that I'm falling further in love makes me shiver but in a good way, all the times I have sat and stared as she thoughtfully thumbs through her hair and she purses her lips, bats her eyes as she plays with me sitting there slack jawed and nothing to say "

I love this part of the song everytime he sings this for me.

I kept wiping my tears, pero wala ring silbi. Andaming nagfaflashback sa utak ko na kahit pilitin kong mag-isip ng ibang bagay dun pa din napupunta. Nakakatawa na alam ko naman na lalo lang akong malulungkot dun sa kanta pero patuloy ko paring pinapakinggan.

" co'z I love her with all that I am and my voice shakes along with my hands cause it's frightening to be swimming in the strange sea but I rather be here than on lanf, yes she's all that I see and she's all that I need and I'm out of my league once again. "

Napakaganda ng lyrics ng kantang to pero nabahidan lang para sakin ng dahil sa kanya!

I broke my own heart by loving you.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon