Chapter 6

403 15 0
                                    

Napamulat ako ng maring yung cellphone ko.

Tumatawag sakin yung kaklase ko, bakit nanaman kaya?

"Hello?"

"Hello! Uy! Pumasok ka. Hinahanap ka ni maam, may kailangan ka poa daw ipasa para makuha card mo."

"Gege bye."

Binaba ko na agad yung tawag. Jusko! Pag ako nabwisit susunugin ko yang eskwelahan na yan! Hindi ba sila makaintindi na broken hearted ako!?

No choice ako kundi pumasok. Ok lang, last day naman na. Tyaka mahirap na baka hindi ko makuha yung card ko. Tatlong linggo na rin kasi yung nakalipas simula ng mapagdesisyunan kong wag ng pumasok.

Nag ayos na agad ako. Humarap muna ko sa salamin bago lumabas ng bahay. Ang lalim na ng mga mata ko, may mga pimples na rin ako sa noo! Mahalin ko kaya tong mga pimples ko? Diba ganun naman? Iniiwan tayo ng minamahal natin.

Nag pants lang ako dahil siguradong maaga rin kami papauwiin. Medyo nagpalate talaga ko dahil alam kong wala pang first subject nun.

Pagdating ko sa tapat ng school parang nagdadalawang isip pa ko kung papasok ako. Hay, makikita nanaman kita.

Kagaya nga ng sinabi ko, wala pang teacher. Nakipag ngitian lang ako sa mga kaklase kong bumabati sakin. Nagtatanong pa nga sila kung ano daw nangyari sakin, ang sabi ko nalang nagkasakit ako. Mga lima lang ata sa mga kaklase ko yung nakakaalam ng totoong nangyayari sakin.

Patuloy lang ako sa pakikipag kwentuhan sa mga kaklase ko. Mamimiss ko rin sila, desidido na talaga kasi ako na lilipat na ko next school year.

Nag short program lang kami sa room at maagang pinauwi kaya napag desisyunan naming gumala muna.

Ineenjoy ko talaga to habang kasama sila. Huli na to eh,

Nung makaramdam kami ng gutom kumain muna kami. Pagkatapos ay umupo nalang kami sa may bench dito sa tapat ng isang clothing line at nagkwentuhan ng puro kalokohan.

Napatigil ako sa pagtawa ng matanaw ko si Jay na naglalakad palapit sa lugar na kina-uupuan namin. Sigurado akong dito sya pupunta dahil sakin sya nakatingin. Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko, may kakaiba talaga syang epekto sakin.

"Uhh."

Yan lang agad yung nasabi nya pagdating nya sa harap ko.

Ano bang kailangan nya? Kailangan ba nya ng audience sa paglalandian nila ng girlfriend nya? Kailangan ba nya ba nya ng tagapalakpak? Taga hiyaw? Taga kanta? Taga sayaw? Sorry mahal na ang talent fee ko!

"Pwede ka bang makausap?"

Naluluha nanaman ako.

Tumingin muna ako sa mga kaklase ko. Tinanguannlang nila ako kaya tumayo na ko. Naunang naglakad sakim si Jay kaya naman nakasunod lang ako sa kanya.

Lumabas kami sa mall. Dinala nya ko sa may upuan dito sa labas, kami lang yun tao. Wala kang maririnig kundi yung mga ibon at yung lakas ng ihip ng hangin.

"A-ano ba yun Jay?"

Pagtatanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"H-ha? Wala."

Nakaramdam ako ng inis, at the same time naguguluhan ako sa kanya! Ano ba talaga kasing kailangan nya?

"Look Jay. Ano ba talagang kailangan mo?"

This time nakatingin na ako sa kanya. Ayaw parin magrelax ng puso ko. Pinipigilan kong maluha. Sa totoo lang namiss ko sya, miss na miss ko na sya.

"Sorry"

Tumulo na talaga yung luha ko dahil sa maikling salita na binitawan nya. Pakiramdam ko lumambot agad yung puso ko. Ito talaga yung problema kapag yung taong mahal mo, isang sorry lang lumalambot na agad yung puso natin.

Pero hindi ako pwedeng magpadala ngayon sa nararamdaman ko. Kailangan kong sabihin sa kanya lahat lahat ngayon.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko. Ayaw nilang magpaawat sa pagtulo. Pinipigilan kong mapahikbi dahil ayokong makita nyang umiiyak ako.

"Para san?"

Lakas ng loob kong tanong sa kanya. Alam ko naman kung para san yung sorry nya, pero gusto ko kasing marinig galing mismo sa kanya.

"P-para sa lahat. Alam kong nasaktan kita. Siraulo ako oo! P-pero naguguluhan ako sa sarili kong nararamdamn. Pero.. Pero pwede naman nating subukan"

Tss! Jerk! Ano bang akala nya!? Na maloloko nya ulit ako?! Una oalang dapat alam na nya kung ano yung nararamdaman nya!

"Subukan? Please Jay. Tama na. Wag mo ng ipilit pa yung sarili at puso mo sakin dahil alam kong simula palang.."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa ang hirap bigkasin ng sasabihin ko.

"Dahil alam kong simula palang, hindi na yan para sakin."

Napahikbi na talaga ako. Nanatili lang syang nakikinig sakin habang nakayuko.

"Tama na Jay. Tapos na. Kapag tapos na, wag na nating ipilit pa! Sabihin mo nga sakin? Pano pa ko magtitiwala sayo kung nung una palang pinaasa mo na ako!?"

Pinunasan kong muli yung mga luha ko. Hindi ko alam kung naiintindihan pa ba nya yung mga sinasabi ko dahil kada salitang sinasabi ko may kasama laging hikbi.

"Alam ko naman na kinakain ka lang ng konsensya mo. Pero tanggap ko naman na. Wag kang mag alala, wala akong balak na habulin ka pa. Ito lang talaga yung hinihintay ko, yung makausap ka. Ngayon, ngayon alam ko na"

Sa maikling sinabi nya kanina. Alam ko na agad. Minsan talaga nalilito tayo sa pinagkaiba ng love at infatuation.

Kita kong umiiyak narin sya kahit nakayuko. Bakit naman sya umiiyak? Naawa na ba sya sakin?

"Yun lang ba Jay?"

Hindi sya sumasagot. Nanatili lang syang nakayuko. Napailing nalang ako at mulin nagsalita.

"Isang tanong Jay, m-minahal mo ba ako?"

"H-hindi ko alam"

May biglang kumirot sa puso ko. Tss! 'Hindi ko alam', yan yung salitang sinasabi kapag ayaw nating diretsahin yung sagot natin sa isang tao lalo na kung alam nating makakasakit ito.

Lumunok ako ng mariin dahil hirap na kong magsalita.

"Salamat ha? Sana maging masaya ka. Babaunin ko hanggang sa poagtanda ko yung sakit at memories na ibinigay mo sakin. Siguro ito a yung huling pag-uusap natin"

Pinunasan kong muli yung mga luha ko.

"Ang sakit lang talaga. Sana kasi nung una palang hindi ka na nagpakita sakin ng kahit anong magiging dahilang para magustuhan kita. Masaya ka na ba? Na umiiyak ako ngayon sa harap mo? Well, congratulations! Ang tanga tanga ko! Pero salamat ha? Sana hindi mo na ulitin to sa ibang babaeng makikilala mo."

Hindi na ko makakita ng maayos kakaiyak. Pero ramdam kong medyo gumaan yung pakiramdam ko.

"I love you Jay. Goodbye."

Pagkatapos kong sabihin yun naglakad na ko palayo sa kanya. Palayo sa taong minahal at pinaasa lang ako.

May mga bagay talaga na kahit naiintindihan natin, hindi parin natin maiwasan na hindi masaktan.

Siguro hanggang ganito lang talaga kami.

Nakakatawa lang na ganito ako magreact eh hindi naman naging kami. Pero kahit sino naman ang nasa posisyon ko, malamang ganito rin ang mararamdaman nila

So I guess ito na talaga yung pinakahuling pag-uusap at pagkikita namin. Ngayo nakuha ko na yung closure na kinakailangan ko.

Dadating din yung panahon Jay na titignan kita sa paraang nakilala kita, at hindi sa paraang minahal kita ng sobra.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon