Chapter 4

573 25 10
                                    

Pakiramdam ko ang tagal matapos ng araw. Buong linggo kitang nakikita! Alam kong hindi dapat ako nag iisip masyado pero hindi ko talaga maiwasan.

Ang dami kong pinag sisihan ngayon. Sana kasi kung hindi ko sya nireplyan nun walang mangyayaring ganito.

I should have always remember the two ways to be happy. First, improve your reality, and second, lower your expectations. Sana lang lagi ko yang maalala. Nagsisimula na kasi akong mag move on. Actually kaya ko naman talaga eh, ayoko lang.

Nakakapagod na rin kasi maghintay sa taong wala namang kasiguraduhan kung dadating pa ba. Naghihintay lang ako sa wala.

Masakit lang talaga kasi na may mga taong nagsasabing mahal ka nila pero niloloko ka lang pala. Tapos papakiligin ka tapos ano? Ayun, wala na. Pagkatapos nun, hindi na ulit kami magkakilala.

Masakit talagang manampal si katotohanan.

Haay.. Ang lalim nanaman ng iniisip. Sobrang stress and frustrated talaga ko lately.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep nadaanan ko yung binibilhan namin ng bigas ni mama. Nagmahal nanaman yung bigas!

Buti pa yung bigas, nagmamahal sya hindi. Ay mali, nagmamahal pala sya, sa ibang tao nga lang.

Ugh! Nagmomove on nga ako diba? Ugh!

Nalate ako ngayon dahil ang traffic.

Magkakaron kami ng film showing this wednesday. Nagbayad agad ako para wala na kong poproblemahin sa susunod.

Nakaupo lang ako sa tapat ng room namin ng biglang may lalaking tumigil sa harap ko. Pag angat ko ng ulo ko, hindi ko alam yung irereact ko.

" May film showing daw diba? Sabay tayo manuod antayin mo ko sa tapat ng sinehan."

Tumango lang ako sa kanya dahil sa hindi ko na talaga maintindihan yung ugali nya. Pero may part sakin na nagsasabing sabayan ko sya sa panunuod at may part rin sakin na wag na.

There's just something in him na hindi ko matanggihan. He makes me go insane. Bakit ba kung kailang handa na kong mag move on tyaka pa sya ulit magpaparamdam sakin? Hindi ba dapat tumigil na sya dahil may girlfriend na sya?  Hindi pa ba sya kuntento?

Pero sasamahan ko parin sya. Baka kasi narealize nya na ako pala talaga ang mahal nya. Tss! Isa nanamang katangahan.

Move on daw, ang hirap kasi. Kahit na ilang beses kong ipasok sa kokote ko yung salitang yan ang hirap gawin.

Lumipas lang yung mga araw na yun parin ang usual routine ko. Ngayon na yung araw ng film showing.

Nakatayo lang ako dito sa tapat ng sinehan. Iniwan ko yung kaklase ko, sinabi ko lang na sasabay ako sa kaibigan ko na taga ibang section.

Isang oras mahigit na kong naghihintay dito. Dadating pa kaya yun?

Napahinga ako ng maluwag ng matanaw ko sya. Napangiti agad ako.

Pero agad ring napawi yung mga ngiti ko ng makitang may babaeng nakakapit sa braso nya. Hindi ko kilala yung babae, hindi na si Marielle.

Akala ko lalapit sya sakin pero nilagpasan nya lang ako. Hindi manlang nya ko tinignan para ngitian manlang o tanguan.

Dinaan nya lang ako na parang wala kaming usapan.

Dinaan nya lang ako na parang hindi nya ko kilala.

Hindi ko na alam yung dapat kong maramdaman sa mga oras na to. I feel so stupid!

Paulit-ulit nalang nya kong sinasaktan. Gusto ko ng makalimot pero sya parin yung nagbibigay ng dahilan para muli kong maalala lahat ng nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko alam kung aalis na ba ako o susundan sya. Nakatayo lang ako dito habang umiiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako.

I'm hurt. I need to cry. Kailangan kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Ang hirap talaga ng proseso sa pag momove on.

Sana kasi hinayaan nalang nya ako at hindi na pinansin pa. Hindi ko alam kung anong dahilan nya, pero ako? Pagod na pagod na!

I just need time to forget. To forget my feelings for him.

Sana kasi may delete button ang puso ko, para isang click ko lang mabubura na lahat ng nararamdaman ko sa kanya.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon