Chapter 13

353 14 3
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil sa maaga akong nakatulog! Dati kasi kahit mag-alarm ko natutulog ulit ako kaya anong oras na ko nagigising. Maaga akong nakatulog dahil sa pagod kakaiyak. Bigla nalang ako nakaramdaman ng sobrang pagkalungkot kagabi at umiyak ng umiyak.

Naglalakad ako ngayon papasok sa classroom. Pagdating ko sa may pintuan, nakaupo na si Jay sa upuan nya. May binabasa syang libro kaya hindi pa nya siguro alam na andito na ko. Kapag talaga nakikita ko sya may kakaiba akong nararamdaman.

Papalapit ako sa upuan ng may natanaw akong nakapatong sa desk ko. Para syang regalo pero nakabalot lang sya sa simpleng papel na blue green ang kulay. Favorite color ko to. Binuksan ko agad yun pag-upo ko.

May laman syang dalawang rosas, isang malaking cadburry chocolate at may nakadikit na note.

"I'm sorry
-JL"

My heart skip a beat nung mabasa ko yung note at lalong lalo na nung mabasa ko kung kanino galing. He still knows that I love chocolates and flowers so much. Napangiti ako sa loob loob ko. Alam parin nya yung mga paborito ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala sya pero agad din syang umiwas. Siguro tinitignan nya yung magiging reaksyon ko.

Actually hindi ko rin alam sa sarili ko kung ano dapat ang maging reaksyon ko. Gusto kong ngumiti at kiligin pero hindi pwede. Alam kong kapag nakita nya akong nakangiti he will assume that I still love him, which is true. Like I said before, ayoko lang talaga na malaman pa nya na hanggang ngayon may nararamdaman parin ako sa kanya.

Hindi ako makapag focus habang nagpapatuloy yung klase. Iniisip ko parin kasi kung bakit kailangan nyang mag-iwan na ganun sa lamesa ko. I know it was him, yun kasi yung tawag ko sa kanya dati JL.

Siguro kaya sya nag-iwan nun dahil gusto nyang malaman ko na sincere yung sorry nya. Naalala ko kasi bigla yung pag-uusap namin nung practice. Sinabi ko sa kanya na pwede syang mag sorry sakin ng ilang beses pero kung hindi naman nya maipapakita na sincere yun, hindi ko kailangan. Siguro sincere talaga sya kaya nya ginawa yun. Or another move nanaman ba nya to para paasahin ako? May plano nanaman syang ihulog ako sa bitag nya at hayaan nalang dun na maalis sa sarili kong paraan?

Ugh!! Naguguluhan ako! Hindi ko na alam! Lagi nalang nyang pinapagulo yung isip ko.

May mga ginagawa sya na maiisip ko na naging totoo lahat ng pinakita at pinaramdam nya sakin pero may mga ginagawa din sya ng maiisip ko na pinaasa at pinagtripan nya lang talaga ako. See? Naguguluhan ako sa sarili kong nararamdaman dahil na rin sa iba't-ibang mga pinapakita nya at ginagawa nya.

Hanggang sa pag-uwi yun parin yung iniisip ko. Actually sa tuwing matutulog at gigising ako sa araw-araw sya parin talaga yung iniisip ko.

I already told myself that I will not fall in love with him again, that I will never think about him again, never wish and imagine good things about us, but its 1 AM and all I think about is the things I promised that I shouldn't do. And I know, Im screwed!

Madaling araw na pala pero hindi parin ako makatulog. Nag-iimagine nalang ako ng mga bagay bagay. I try to remember the last time I talk to him, and most of that time was blurry memory, because at that time I had no idea it will be the last.

Yeah, I had no idea that it will be the last. Naalala ko pa yung ibang parte nung huli naming pag-uusap. I was smiling like an idiot! Feeling so happy and thinking that we would end up together! Thinking that everything he showed me was true! But this is the reality, na isa lang akong pampalipas oras, na kausap nya sa tuwing bored sya.

Fate is such a bitch! Kung kelan nagiging masaya ka na, nag-iisip ka ng mga magagandang pwedeng mangyari tyaka pa biglang may mangyayaring hindi mo inaasan na sisira sa lahat ng kasiyahan na yun.

Humiga lang ako sa kama ko. Hoping to fall asleep before I fall apart.

Kahit saglit lang, gusto kong matulog para kahit saglit din mapahinga ang utak ko sa kakaisip at hindi ko maramdaman yung lungkot at sakit kahit sa sandaling oras lang na yun.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon