Chapter 16

264 12 3
                                    

"Kaya ko na pala"

Sabi ko nalang at ngumiti ng tipid. Namimilit pa nga sila pero sinabi kong kaya ko na mag-isa.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nagpakahirap umakyat pero hindi ko magawa, buti na nga lang binalikan ako ni Clyde at tinulungan akong umakyat. Tatawa tawa pa nga sya eh, kesyo dalawa na nga daw silang tutulong sakin nag-iinarte pa raw ako.

Tinawanan ko lang sya ng pang-asar at sinikmuraan sya! Badtrip. Nakakahiya.

Buong araw ng outing namin sobrang saya. Madalas kong kasama si Clyde, si Jay kasi nahihiya daw sya dahil kay Clyde. Tumawag pa nga sakin si Jay eh nag sosorry sya ulit sakin, gusto daw nyang itama lahat, ituloy yung naudlot namin dati, pero kailangan ko daw sya bigyan ng pagkakataon para mapatunayan nya sakin. Napangiti agad ako nun at syempre napapayag nya ko. I can't say 'no' to him.

Ang dami ko ngang nalaman tungkol kay Clyde eh, ang dami naming pag kakapareho. He loves Maroon 5, pizza, burger, watching movies, he's a music lover, pet lover, and he hates galunggong and durian!

Nagtawanan nga kaming dalawa nung sabay kaming nagsabi ng dahilan kung bakit ayaw namin ng galunggong. Nakakatuwa lang kasi akala ko ako lang yung may ayaw sa galunggong! Bakit? Para kasing ang lungkot, parang everytime na kumakain ako nalulungkot ako kasi ang plain nya tapos prito pa sya na wala naman kakaibang lasa. Basta!

Nagulat nga ako nung may dala syang chocolates, iba-iba yung flavors nun. What's the best part? Hindi mo malalaman yun flavors hangga't hindi mo sya natitikman. Pagkabukas na pagkabukas nun sabay pa kaming nagsabi ng..

"Life is like a box of chocolate, you never know what your gonna get"

Napangiti kaming parehas nun at sabay na kumain nung chocolates.

Naglalakad lakad ako ngayon. Hinatid na kasi ako kanina ni Clyde sa kwarto ko pero hindi pa ako inaantok kaya naisipan kong maglakad lakad nalang.

Nasa madilim na part ako ng resort pero kahit madilim kitang kita ng dalawang mata ko kung sino yung lalaking nag-susuot ng kwintas sa isang babae. I was shock when Jay kiss the girl sa lips! Hindi lang smack.

Gusto ko syang sampalin, awayin, sigawan, gulpihin. Pero mabut nalang at nagising agad ako sa realidad na hindi nga pala kami at wala akong karapatan. Kaya wala akong ibang magagawa kundi tignan sila, habang ako nakatayo lang na parang istatwa na walang nararamdaman, pero ang totoo para akong istatwa na anytime babagsak at mababasag nalang.

Napatingin sa gawi ko si Jay. Halatang nagulat sya dahil biglang lumaki yung singkit nyang mata!

I smile at them to hold my tears. Ayoko nanaman umiyak.

"Congrats!"

I said while smiling widely, but its not a Im-Happy-Smile. Sumaludo pa nga ako sa kanya bago nag walk out.

"Aika wait! Mali yung iniisip mo!"

Hinawakan nya ako sa braso. Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya.

"Mali yung iniisip ko? Oh ganun ba? So anong ginagawa nyo? Nag hahabulang gahasa? O baka naman mataya hihipuan?"

Sinabi ko sa kanya yan habang nakatingin sa mga mata nya.

"Tss. No. Please Aika, aksidente lang yun!"

"Aksidente? Ano yun? Naglalakad ka tapos bigla mo syang nasuotan ng kwintas at nahalikan? Wow!"

Wala akong natanggap na sagot galing sa kanya. He just stared at me, a cold stare. Knowing Jay, napipikon na sya.

"Look Jay, bakit mo ba ginagawa to? You have to stop! Kung wala ka naman talagang nararamdaman sakin itigil mo na dahil nakakatanga! We can still be friends, co'z I know that's all we ever be and that's the way we should be."

Sinubukan kong pigilin yung mga luha ko pero sadyang tumutulo sila. Magsasalita pa sana si Jay pero pinutol ko na.

"Hindi mo na kailangan magsalita Jay. Thank you for everything. Keep in touch okay? Wag kang mag-alala kakausapin parin kita. Friends nga diba? Pero kapag naramdaman at nalaman mong wala ng ibang babaeng seseryoso sayo wag kang lalapit sakin para humingi ulit ng chance. Get a life Jay, huh? Bye."

Tinapik ko nalang yung mga balikat nya bago lumakad palayo. Pero nakakailang hakbang palang ako ng magsalita sya.

"Naalala mo pa ba yung unknown number na tumatawag sayo?"

Napalingom agad ako sa kanya. Ngayon ko nalang ulit naalala yung tumatawag na yun kung hindi pa nya nabanggit.

"Ako yun Aika. I just wanted to hear your voice that time. Namiss kasi kita. At naguilty din talaga ako. Im sorry again, hindi ko alam kung pang ilan na to pero ito ang pinaka sincere. Sige titigil na ko, wag kang mag-alala. Sige friends. Bye Aika, and by the way Clyde is the better man for you. Not me, I dont deserve the love you feel right now."

With that, he just smiled and walk away. Away from me, my heart and this place.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon