Chapter 2

693 29 10
                                    

Malapit na magbakasyon kaya naman ang dami ng pinapagawa.

Pinipilit ko nalang ituon yung atensyon ko sa pag-aaral.

Pinipilit kong ipakita sayo na masaya ako.

Pinipilit kong wag ipakita sayo ang nararamdaman ko.

Pinipilit kong wag masaktan at maging masaya kahit papano.

Birthday ko ngayon. Nasa mahigit 100 ang bumati sakin sa facebook.  Pero ikaw parin yung hinihintay kong bumati sakin.

10:00 na ng gabi kaya naisip ko na baka hindi mo na talaga ko babatiin. Mag a-out na sana ko ng may nag pop up na notification. Nagmadali akong iclick yun.

Napangiti agad ako kasabay ng pagwawala ng puso ng makitang nagpost ka sa wall ko.

"Happy Birthday! :)"

Kahit simple lang yung bati mo sobrang saya ko na!

"Thank youuu :)"

Pakiramdam ko ang saya saya ko nung gabing yun.

Kinabukasan medyo nalate ako ng gising. Mga 11:00 na ko nakaalis ng bahay, malayo pa kasi ang bahay ko kaya kailangan ko pa mag jeep.

Habang naglalakad ako papasok ng campus. Nagulat ako ng makita kita sa tabi ko. Hindi ka nakatingin sakin. Diretso langyung tingin mo sa dinadaan mo.

Sa totoo lang matagal na talaga akong nagpaplano na kausapin ka. Ito na siguro yung tamang oras para kausapin ka.

Ang tagal kong sinubukang magsalita pero walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko.

Ang bilis mong maglakad kaya nasa unahan na kita agad. Nakakainis! Wala manlang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko!

Dinaan nya lang ako na parang hindi nya ko nakikita. Dinaan nya lang ako na parang hindi nya ko kilala. Ang sakit lang para sakin.

It's funny how we used to talk until 3 AM and now I don't even know how to say Hi.

Sa mga nanliligaw sakin wala akong sinagot dahil nga umaasa parin ako sayo.

Umaasa ako na baka isang araw kausapin mo ako at sabihin mo sakin na nahihiya ka lang.

Umaasa ako na baka sabihin mong natotorpe ka lang.

Umaasa ako na isang araw, mamahalin mo rin ako.

Umaasa parin ako. Sana lahat ng ito nasasabi ko sayo. Patuloy lang akong aasa hanggang sa ako nalang yung mapagod.

Patulog na sana ko ng magvibrate yung cellphone ko. Napasimangot ako dahil gabing gabi na may nagtetext pa sakin.

Binasa ko naman agad yung text. Nawala yung pagsimangot ko ng makitang ikaw yung nag text sakin.

"Hi crush! Miss na kita! :))"

Hindi ko alam kung dapat ba ako mainis sa text mo! Ilang minuto rin ako nag isip ng irereply ko. Kaya naisip kong hulihin ka ng pasimple. Pasimpleng kong aalamin kung ano ba talaga ang nangyayari sayo, kung ano ba tayo, at kung hanggang saan tayo.

"Hindi ka parin ba titigil sa pantitrip sakin? Haha."

Reply ko sa kanya. Buti nalang text lang to! Atleast hindi nya alam na pekeng tawa lang ang sinend ko. Yun din siguro ang mahirap sa text. Hindi mo alam kung totoo o hindi yung mga sinasabi ng tao.

Ilang minuto lang nagreply ka agad. Pumikit pa nga ako dahil baka hindi ko kayanin yung reply mo.

"Edi sorry na. Hindi ko na uulitin yung pantitrip sayo."

Gusto ko nalang ulit ipikit yung mga mata ko dahil sa reply mo sakin. Tumulo agad ang mga luha ko. Inamin mo rin na pinagtitripan lang nga ako.

"Ah ok lang."

Ok lang, kahit na ang sakit sakit. Ok lang, naging masaya ka naman sa pantitrip sakin diba?

Kahit na sobra na kong nasasaktan, ok lang sakin. Naghihintay parin ako. Umaasa parin ako.

Nakakatawa na ang daming nagiging tanga dahil sa pagmamahal.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon