Chapter 15

290 13 1
                                    

Ngayon na yung swimming namin. Nag-iimpake na ko. Sa Laguna kasi kami mag siswimming. Mabuti nga pinayagan ako, dinramahan ko pa nga sila mama para lang payagan ako. 4th year na kasi ako pero bihira pa din akong payagan sa mga ganito.

Tinitigan ko nalang yung mga gamit ko at nag-iisip kung may nakalimutan ba ko. Mahirap na, malayo pa naman yun kaya wala dapat akong makalimutan. Ewan ko nga eh pero parang may nakalimutan ako ilagay sa bag ko na hindi ko alam kung ano! Nakalimutan ko nga diba?

Pag dating namin sa lugar, nag simula ng swimming yung iba. Pero ako? Nasa kwarto, naglalagay ng sunblock! Hehe!

Nag two piece ako pero nakasuot parin akonng high waist na short shorts!

Ang ganda ng lugar. Running water yung pool tapos sa baba may falls at parang may sapa. Nakakarelax yung paligid dahil sa ang presko ng simoy ng hangin.

Umupo kami sa damuhan. Nasa kaliwa ko si Jay at nasa kanan ko si Clyde. Inenjoy ko talaga tong araw na to. Nakipagtawanan, kwentuhan, nakipaglaro, nakipag asaran, at kung ano-ano pang mga bagay na masaya. Napag usapan namin na umakyat sa tuktok para makyungpinakataas pinakataas ng falls. Pakiramdam ko nalayo ako sa lahat ng problema, this is life! Sana hindi matapos tong oras na to.

Finally, I felt happy again. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mangyayari nanamang hindi maganda, pero wala akong pakialam, gusto sagadin yung mga ganitong oras na masaya ako.

Around 3 AM nag kaayaan ng matulog. Naglalakad na ko papunta sa kwarto ko ng may sumitsit sakin. Si Jay.

"Oh? Bakit?"

Tanon pagka lingon ko,

"Ahmm."

Yan lang ang lumabas sa bibig nya habang kumakamot pa sa batok nya.

"Ano yun?"

"Good night."

Sabi nya ng may ngiti sa labi. Napangiti rin ako. He looks shy.

"Good night din"

"Matulog ka na. Maaga tayo bukas. Sleep tight. Lock mo yung pinto mo. Dont let the bed bugs bite you, eat them."

Napatawa ako ng mahina dahil sa huling sinabi nya.

"Gross! Sige na. Bye."

Tumakbo na ako papasok at isinarado ang pinto ng kwarto ko. Napasandal pa ako sa pintuan habang ngingiti ngiti parin. Hindi ko mapigilang kiligin.

I know I should stop. Umiiwas naman talaga ako pero sya yung lumalapit sakin. Pinapakita ko naman sa kanya na kaibigan nalang ang turing ko sa kanya kaya ko sya kinakausap pa. Sinubukan ko nga rin na wag syang pansinin pero hindi ko kaya. I have this personality na hindi ko kayang hindi mamansin ng tao kapag kinakausap o tinatawag ako, kahit na may galit or something ako sa kanila.

Hindi ko alam kung pano at kung kelan pero nagising nalang ako isang araw na okay na lahat sa aming dalawa ni Jay.

I jump to my bed and close my eyes. Pero hindi pa ko nakakailang minuto sa pag higa naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Si Clyde nagtext.

"Good night Aika :) ako aalalay sayo bukas sa pag-akyat ah? Tanga ka pa naman! Haha! Tulog na :) sweet dreams :)"

Tss. Siraulo talaga to. Actually sanay na ko sa ugali ni Clyde. Mapang asar talaga sya, hindi naman ako pikon dahil sa mga kaibigan ko ganito rin yung bonding namin, asaran!

"Ulol. Sino kayang mas tanga satin? Haha! Good night! :)"

Tawa lang ang reply sakin ni Clyde. Ewan ko jan, kapag mag kausap kami lagi syang nag rereply, kahit ok lang yung sagot ko sa text nya mag rereply parin sya ng smiley.

Clyde's sweet. Alam kong may gusto sya sakin. Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman. Lagi ko syang nakikitang nakatingin sakin, hindi sa ilong, sa bibig, o sa katawan ko sya nakatingin, kundi sa mga mata ko. Nakakatuwa lang talaga yung mga lalaking ganun. Malalaman mo kasi yung totoong nararamdaman ng isang tao sa way ng pag tingin nya sayo. And by the way Clyde look at me, I already know.

Pag gising ko naligo agad ako at lumabas na para makasabay sa kanila sa almusal.

Magpahinga lang kami saglit at nagsimula ng umakyat, si Jay at Clyde yung umalalay sakin sa pag akyat, natatawa nga ako kasi salit salit sila, haba ng bangs ko! Pagdating namin sa tuktok may isa pa kaming hahakbangan na mataas kaya kailangan may hihila pataas.

Naunang umakyat yung mga lalaki para tulungan kaming mga babae. Nagpahuli ako dahil kaya ko naman mag-isa. Nung ako na yung aakyat akala ko madali! Sabi sabi pa ko ng kaya ko pero dumudulas lang yung paa ko.

"Okay. I give up! Patulong na."

Napasimangot ako dahil sabay pang naglahad si Jay at Clyde ng kamay nila para tulungan ako. Hindi ko alam kung kaninong kamay yung kukunin ko!

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon