Chapter 12

311 15 0
                                    

Ginaya lang namin kung ano yung itinuturo samin. Nakailang ulit na kami dahil hindi namin magawa ni Jay yung pinapagawa nya.

Gusto nya kasi na ipaglapit yung mga mukha namin! Ipinaglalapit naman namin kaso 'closer' daw! Ang arte arte daw namin eh ilalpit lang naman! Bwisit! Palibhasa wala kayong alam kung bakit may 'awkwardness' na namamagitan samin!

Umulit kami simula sa umpisa. Dun na sa part na ipaglalapit yung mukha! Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Kung titignan mo sa ekspresyon ng mukha ni Jay parang wala manlang syang pressure na nararamdaman, relax na relax lang sya. Its funny that I look at him with feelings but he look at me like I was just a stranger.

My heart's beating so fast! I feel like anytime its gonna come out of my chest! Nung magkalapit na yung mukha namin, napalunok ako ng mariin dahil sa sobrang kaba at pinagpapawisan na ako ng sobra.

Tinignan ko sya sa mata, parang kinakausap ko sya gamit ang mga mata ko at hindi ko alam kung nababasa ba nya. Alam kong may halong lungkot, sakit at galit sa mga mata ko, but I dont care.

"You still hate me right? Nararamdaman ko, na galit ka parin sakin."

Bigla nyang tanong habang sinusundan namin yung mga steps na itinuturo. Nagulat ako dahil sa sinabi nya. I miss his voice, lumaki at lumalim ng konti yung boses nya.

"Oh marunong ka palang makiramdam? Ang alam ko kasi manhid ka"

Sabi ko habang nakangiti ng pang-asar. Kung dati hindi ko magawang magalit sa kanya, ngayon galit talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya. Alam kong may nararamdaman parin ako para kay Jay pero hindi na sya kagaya ng dati, ngayon kasi may halo ng galit.

It's just stupid that even though I hate him, I still love him!

Umiling iling pa sya bago nagsalita.

"Tss. Look I said sorry already! Ano bang gusto mong gawin ko? I'm sorry ok? I'm sorry! I'm sorry!"

Sa tono ng pananalita nya para sya pa yung may karapatang magalit! Sya ba yung pinaasa ko? Kapal talaga ng mukha nito! Gusto ko na syang sapakin pero ang daming tao eh.

"You can say sorry for a hundred times if you like, but if not gonna mean it, then I dont need it!"

"Why? What do you hate about me? Why do you still hate me? Sabihin mo sakin para alam ko. Alam ko kung anong gagawin ko para lang mapatawad mo ko."

"What I hate about you? I hate your hair, I hate your eyes, I hate your nose, I hate your mouth, I hate your voice and I hate you! I hate every detail about you that I used to love before! Why I hate you? Co'z you're a jerk, you're selfish and great pain in my ass! Anong kailangan mong gawin para mapatawad kita? Stay away from me!"

Saktong pagsabi ko dinismiss na kami. Binagsak ko yung kamay nya pababa dahil magkahawak nga yung isang kamay namin sa sayaw. Naglakad na ako palayo at dumiretso ng uwi. Tahimik lang ako habang nasa jeep, I'm trying to hold my tears. Ayoko ng magmukha ulit tanga sa mga tao.

Habang nakahiga ako hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Im tired of all this shit! Nakakasawa nalang na marinig yung salitang 'sorry' pero hindi naman nila pinapakitang totoo yung sorry nila.

Mas maganda ng alam nya na galit nalang yung nararamdaman ko. Ipapakita ko nalang sa kanya na wala na kong nararamdaman para sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na meron pa.

Nakakapagod yung ganitong pakiramdam. Parang ang bigat bigat ng dibdib ko, hindi naman kalakihan yung boobs ko!

Nakakapagod na kada gumigising ako, kumakain, naliligo, at lahat ng ginagawa ko, dala dala ko yung sakit at lungkot na nararamdaman ko.

Please tell me how to unlove him. Im tired. Im hurt. Please? I want to completely move on.

Ayokong tumakbo ulit palayo para lang makamove on dahil kapag iyon ang ginawa ko, kapag nagkita kaming muli babalik at babalik lang sakin lahat.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon