Chapter 20

222 11 0
                                    

Months had passed. Masasabi kong naka move on na talaga ako, pano ko nasabi? Kasi mas inlove nalang ako sa memories namin kaysa dun sa mismong tao.

Kaya ko isinulat tong kwento ko dahil sa wala akong ibang mapaglabasan ng sama ng loob ko kundi wattpad lang. Hindi ko nga naikwento ng buo kaya siguro para sa iba ang babaw lang.

Isa pang dahilan kung bakit ko isinulat to dahil sa gusto kong makatulong sa mga tao na nakaranas din ng ganito, ewan ko ba kung nakatulong talaga ko! Lol.

Just always remember to lower your expectations co'z expectations always lead you to disappointment. And the person who broke you can't be the one to fix you, remember that, walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo. Pero dipende parin sayo kung pano mo gagawing aral yung mga bagay na nangyari sayo. Kaya mo naman eh.

So ayun, nag enjoy lang ako. Lumabas kasama ang mga kaibigan ko, nag shopping at kung ano-ano pang bagay na maeenjoy ako at makakalimot kahit papano sa nararamdaman ko.

Hindi na ko nag sisisi pa sa nangyari. May natutunan naman ako eh. Hindi ka naman matututo kung hindi ka masasaktan. Oo sa una mahirap talaga, pero pagkatapos nyang mapapangiti ka nalang kasi sa wakas nalampasan mo na. Ang pangit siguro pakinggan sa iba nung sinabi ko. Lol!

Minsan nga sa tuwing naalala ko kung pano ako umiyak kay Jay natatawa ako na naiinis sa sarili ko. Kapag naman naaalala ko yung mukha nya napapangiwi ako! Haha! Ayoko nga syang pinag uusapan dahil natatawa at napapangiwi ako lagi!

Syempre ikaw din, siguro ako na kapag nakamove on ka na ganyan din magiging reaksyon mo. Matatawa ka nalang.

Acceptance lang mga bh3! Yun lang ang kailangan mo para makamove on ka. Tanggapin mo nalang na hindi kayo para sa isa't-isa. Tyaka kung kayo naman talaga, kayo talaga ang magkakatuluyan sa bandang huli.

Bata pa naman tayo eh. Enjoy being a teenager. Live young, but not so wild, and free.

Kasama talaga sa paglaki yan. Hindi naman lagi sa lahat ng oras masaya ka. Mahirap talaga mag move on lalo na kapag alam mong totoo yung nararamdaman mo, kapag mabilis kang nakapag move on eh iba yan! Alam mo kung ano yan! Haha!

Just wait for the right person. That someone who makes you smile that your cheeks hurt. That someone that can make you laugh until your stomach hurts. That someone who will accept you for who you are and what you are. And that someone who loves you so much that you can feel it through their fingertips when they brush your hair.

Dadating yan sa tamang panahon. Teenager tayo kaya normal lang talaga yung ganitong bagay.

Kagaya nga ng sabi ko, acceptance lang. Kagaya ng ginawa ko. I just accept the fact that he's not mine, and I'm not his.

I've been broken and bent. But I'm still doing great!

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon