Chapter 1

1.8K 49 4
                                    

Naaalala mo pa ba nung una tayong magkatext? Friday night yun! Napagkamalan mo pa nga akong ibang tao at hinihingi mo ang number ko, ewan ko kung paano mo nalaman ang number ko basta bigla ka nalang nagtext sakin.

Nakakatuwa nga kasi sa buong araw na magkausap tayo hindi manlang ako nabored.

Araw-araw tayo magkausap nun. Nagkwentuhan ng lahat ng nangyari satin sa araw-araw, nagshare ng mga masasayang memories at nagpagkwentuhan din natin syempre yung tungkol sa mga sarili natin! Pakiramdam ko nga napakawalang kwenta ng sinasabi ko pero sa mga reply mo sakin ramdam ko na parang napakaganda ng mga ito para sayo.

Pagka-gising ko sa umaga ang ganda ng bati mo sakin, napakahaba ng mga ito at talagang mapapangiti ka kapag nabasa mo, sa gabi naman ganun din! Ikaw nga lang laman ng inbox ko eh, bukod sa ikaw lang talaga ang nirereplyan ko dinidelete ko rin yung text ng iba gusto ko kasi pangalan mo lang ang makikita ko sa inbox ko.

Nagpasukan na ulit, di tayo nag uusap ng personal, dala din siguro ng hiya dahil hindi naman tayo magkaklase. Pero dahil nga magkalapit lang ang room natin lagi kita nakikita, lumalabas nga ako lagi ng room para lang makita ka, sa ganong paraan kasi masaya na ko.

Lagi kang dumadaan sa tapat ng room eh, nagkakatinginan pa nga tayo pero maski ngiti manlang wala. Ang dami mo nga laging kasama pag dumadaan ka sa tapat namin eh. Weird lang kasi masaya ako pag nakikita kita.. Pero mas weird dun eh kapag nakikita kita o kaya naririnig ko ang pangalan mo, bumibilis yung tibok ng puso ko, para akong tumakbo ng napakalayo! Ang weird diba?

Kagaya ng dati lagi parin tayo magkatext at magkausap sa telepono, nakakainis nga kasi lagi mo nalang pinaparamdam sakin na mahalaga ako sayo!

One time nga gabing gabi na nang magtext ka sakin, di ako nagpaload nun dahil hindi ka naman nagtext sakin ng umaga. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko pero parang may tumutulak sakin para lumabas pa at magpaload. Naghanap ako ng mapapaloadan nun, pag uwi napagalitan pa ko dahil gabing gabi na daw lumabas pa ako para lang saa load, pero ok lang sakin para sayo naman eh.

Lumipas ang mga araw at madalang nalang tayo magkatext at magkausap sa telepono. Minsan dalawang araw bago ka magparamdam, namiss ko agad ang kakulitan mo. Kada tumutunog ang cellphone ko nag-eexpect ako na ikaw ang magtetext, kada naman may tatawag sa telepono inuunahan ko talaga si mama na sumagot, akala ko kasi ikaw na.

Kinabukasan ng gabi nagtext ka, halos mapatalon ako sa tuwa nun, pero bigla akong napasimangot ng maalala kong kakaexpire nga lang pala ng load ko. Lalabas sana ulit ako para magpaload pero dahil nga nasa baba ang kuya ko at may kausap sa telepono, nakiusap nalang ako sa kaklase ko na kung pwede ay paloadan nya muna ako at babayaran ko nalang, dahil sa importante lang talaga at hindi na ko makalabas ng bahay. Di mawala ang ngiti sa mga labi ko habang katext kita nung mga araw na yun. Yung gabi na yun ata ang pinakamatagal nating pag uusap, inabot kasi tayo ng 3 ng madaling araw. Nung gabing yun inamin mo sakin na may gusto ka sakin pero di ko masyado sineryoso kasi ayokong mag assume masyado.

Sa mga sumunod na araw hindi ka na talaga nagparamdam, lagi kita nakikita sa school pero parang may kulang parin! Ang hirap talaga kapag nakasanayan mo na ang isang bagay at bigla nalang mawawala Malungkot ako ng mga araw na yun, pero pinipilit kong ngumiti.

Ilang linggo na ang lumipas, nasanay na rin ako na tignan ka lang mula sa malayo at tinanggap na lahat ng sweetness na pinakita mo sa akin ay laro laro lang para sayo. Ilang linggo na rin akong may dalang hinanakit pero ayokong iiyak, mas pinili kong tumawa at makipagkulitan sa mga kaklase at sa pamilya ko, ang hirap pala ipag pilitan sa sarili na 'ok lang', kasi alam mo na hindi naman talaga.

Dumaan na ang christmas break, pasukan na ulit nun. Paliko na ko papuntang classroom ko ng makasalubong kita, nagkatinginan tayo ng matagal nun, sabay pa nga tayong umiwas eh, namiss kita. Namiss ko ung tawa mo, mga kwento mo at lalong lalo na yung kakulitan mo. Nangingilid ang mga luha ko nun, pero mas pinili kong ngumiti nang makita ko ang mga kaklase ko. Akala ko kasi ok na ko pagtapos ng christmas break..

Ilang linggo pa ang lumipas pero di pa rin nagbabago ang nararamdaman ko. Natuto nalang din akong makuntento na tignan ka sa malayo, madalas tayo magkatinginan pero ako na ang umiiwas. Di ko kasi matignan nang matagal ang mga mata mo, sumisikip ung dibdib ko.

Naiinis lang ako. Sana kasi sinabi mo sakin na laro laro lang pala lahat nang yun! Edi sana napaghandaan ko, nag PE uniform sana ako at nakisabay sa paglalaro mo, pero dahil nga di ko napaghandaan, natalo ako.

Gusto kong tanungin ka kung bakit bigla ka nalang hindi nagparamdam. Kung para saan ang lahat nang mga pinakita mo sakin, pero natatakot ako sa magiging sagot mo.

At naisip ko rin na bakit nga ba ko nagkakaganto?

Wala namang tayo.

Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon