RRMC 2

961 46 3
                                    

Stephen pov!!!!

" hon siya ang nauna at pinag tanggol ko lang ang sarili ko, rinig kong sabi ni eunice sakin habang ginagamot ko ang pasa nito at yun lang ang meron siya na nakita ko at yumakap nalang ako at inalo ang girl friend ko. hindi ko alam bakit nagawa ni carina na saktan ito at mananagot talaga siya sakin mamaya sa isip isip ko.

" Nakatulog na si eunice at ako naman dahan-dahang bumangon para sana kausapin si Carina na umalis na sa bahay at wala naman siyang mapapala sakin sa totoo lang kaya lang naman ako nag titiis dahil kasal daw kami kahit wala akong maalala sa totoo lang pero naisip ko padin ang sinabi ng mga kaibigan ko at napailing nalang ako at lumabas ng kwarto namin ni eunice pero nagtaka ako ng mag kasunod na lumabas ng kwarto si telma at brenda ang dalawang kasambahay namin mula dun sa kwarto ni Carina.

" mag tatanong sana ako sa dalawa kaso bumaba na sila at hindi ako napansin ng dalawa. kaya pumasok ako sa loob at kita ko si carina na tulog pero natulala ako dahil sa sugat nito sa braso pati leeg meron pero nang hawakan ko ang pisnge nito kung san may sugat  dun ko lang napansin na mainit ito at may gamot sa table nito sa tabi ng kama kaya imbis na kausapin ko siya umupo lang ako sa tabi ng kama at tinignan ko si carina habang tulog.

" Bigla akong napaisip, bakit hindi ko maramdaman na importante siya sakin. bakit hindi ko maramdaman na mahal ko siya mga tanong ko sa isip ko na mas nag palito sakin na sa twing makikita ko si carina para siyang ibang tao at wala talaga akong pakialam sa kanya sa totoo lang, pero sa nakikita ko ngayon mukhang may mali at kailangan konang itama yun.


" Nasa ganun ako ng pag iisip ng makatulog ako habang nakaupo.


" Nagising akong masakit ang katawan at asuswal nauna uli ako sa alarm lock ko. babangon na sana ako dahil may mga gagawin ako lalo na vice president ako sa company ni stephen nang una naiinis siya pero dahil kasal kami at kilala ako ng mga board at ibang investor nakakapag trabaho ako kahit puro chismiss at bulungan ang naririnig ko sa twing kasama ni stephen si eunice pero sanay nako at wala na din akong pakialam.



" Napahinto pa ko ng makita ko si stephen na tulog kaya tinitigan ko pa ito, pero iba na ang pakiramdam ko galit at inis lalo nat naulit uli ang mga nangyari at alam ko naman na kahit si eunice ang may mali siya pa din ang kakampihan nito at umiwas nako at kumilos para pumasok.



" dala ko ang laptop ang bag ko at ibang papeles at isang backpack na may lamang iilang damit at may naka hanger nakong formal sa kotse ko dahil sabi ko nga ayoko kona at kung kay eunice siya sasaya mag papaubaya ako at dahan-dahan kong gagawin ang lumayo bago mag file ng annulment na gusto ng asawa ko.

" Good morning maam carina, bati ni telma sakin na kinangiti ko pa dahil 6am palang kaya kami palang tatlo ang gising at sanay na din ang dalawa na kami lang tatlo ang kumakain twing umaga. napahawak pa ko sa pisnge ko nang kumirot iyon at buti naman naitago ng make up ang ginawa ng bruha na yun sakin pero yung sa braso ko hindi kona tinakpan at nag long sleeve nalang ako at mag blazer para maitago.

" telma tawagin mona si brenda at mag breakfast na tayo, yaya ko dito at inaayos ko ang mga papel at nag check nako ng email kaya sa sobrang busy ko hindi ko napansin na may tao na pala sa likod ko.


" Bigla akong napabangon nang makita kong maayos na ang higaan ni carina at wala na siya kahit sa loob ng cr. Dali dali akong bumaba at nag taka pa ko dahil naka pang office siya at sobrang aga pa para pumasok sa kumpanya at naka tayo lang ako sa likod niya habang busy siya sa laptop niya at kita pa sa kamay niya ang sugat at bandang siko nito dahil naka polong white siya pero nasa tabi niya ang blazer na mukhang pampatong para hindi makita ang sugat nito na si eunice ang may gawa.


" Napahinto pa si brenda at nakatingin sakin at busy pa din si carina kaya umalis nako at bumalik sa taas para maligo at makahabol kay carina para makapag usap sa nangyari kagabi.

" maam tapos na po kayo. tanong ni brenda sakin at tumango lang ako at nag smile, sabay tayo thank you sa masarap na almusal pag bati ko sa dalawa na tumawa pa dahil paulit ulit lang daw ang breakfast ko at ok lang sakin yun.


" ok lang kahit tinapay at hotdog na may itlog ang importante may kasama akong kumain sa umaga at masaya ako dahil nandito ang dalawa na dapat si Stephen.




" si telma ang may dala ng gamit ko habang si brenda naman hawak ang bag ko na pinag taka pa nila dahil sa nakita nila sa loob ng kotse ko.


" maam aalis po kayo! Tanong ni brenda sakin na kinangiti ko lang sabay iling para hindi na sila mag tanong pa, nasa loob nako ng kotse nang mag tanong uli si brenda pero nakita kona pababa si stephen kaya pinaandar kona agad ang kotse para umalis.


" Dumaan ako sa bahay ni Aimee at dun ko muna iniwan ang ibang gamit ko dahil hindi pa ko nakakahanap ng matitirhan ayaw ko din naman gamitin ang pera ni stephen kahit mag asawa kami baka malaman pa niya na bumili ako ng bahay mahirap na ayaw kong isipin niya na nag wawaldas ako gamit ang pera niya ang pera namin.


" Ang aga naman ng lipat bahay, pang aasar ni Aimee sakin na isang law student at ilang months nalang gagraduate na at dahil sa talino nito kahit hindi pa hawak ang diploma nag try itong mag exam kahit mahal ang bayad talagang pinag ipunan niya yun kaya sure ako kung papasa siya saktong hawak na din niya ang deploma kasama ang lisensya, mautak sa mautak lalo nat may kapit sa mismong may ari ng university.


" Bigla akong napaisip dahil sa future attorney ang kaibigan ko  kaya nag tanong nako about sa pag file ng annulment, na pinag taka pa nito nang una pero sinagot din naman ang gusto kong malaman.


" Pag nag file ba ako ng Annulment anong mga dapat gawin, i said to Aimee na nag isip pa bago sumagot.


" marami at mas ok kung may ififile ka na nang kaso para mas mapabilis ang process ng Annulment na gusto mo, paliwanag nito sakin at nakinig ako para may ideya ako sa mga dapat kong gawin incase na dumating na ako na mismo ang sumuko sa asawa kong hindi man lang ako maisip kahit konti kahit awa wala talaga.


" pati diba may amnesia ang asawa mo pwede mong isama yun pati yung kabit niya mas maraming kaso much better, hirit pa ni Aimee sakin at isang advice niya mag pa medical daw ako sabay nguso sa siko ko na may pasa pa, tumatango ako pati pwede rin na mag usap nalang kayo para bout side  agree sa gusto niyong pag hihiwalay aimee said. at naisip ko nanaman si eunice sana lang maging masaya siya sa feeling nito dahil once na ma annul kami kahit may pinag samahan kami at minahal ko siya kaya kong kalimutan lahat yun tulad ng gusto niya.


" Pag nakapag decide kana kunin mo kong attorney 101% ipapanalo ko ang kaso lalo na ikaw ang una kong client, hirit pa ni Aimee sakin na kinatawa ko pa.


" Basta may discount ako ah! Balik na sagot ko at nag tawanan kaming dalawa, sabay na kami lumabas ng apartment nito at hinatid ko pa ito sa university na pinapasukan habang ako diretcho sa company ni stephen at may aayusin akong report buti nalang naka leave ako sa Hanwell ospital dahil sa emergency problema.


" pero dumaan muna ako sa Hanwell hospital para mag pa medical, disidido na din ako at mag tatanong kung san pwedeng mag assist sakin para sa case na isasampa ko sa babaeng yun at kung mangialam ang magaling kong asawa pati siya isasama kona para mas mabilis ang pag file ng Annulment tulad ng gusto nilang dalawa.


" Alam kong magtataka ang parents ni stephen pero hindi naman nila ako masisi sa hakbang na gagawin ko lalo nat nasasaktan nako physical and emotional.


" Pero aaminin ko, masakit na makita siyang masaya sa feeling ng ng iba, at ako lang ang nagiging hadlang sa kanila ni eunice.


" sa gagawin kong disisyon Sana lang mag tagal silang dalawa dahil aaminin ko masakit para sakin na bitawan ang asawa ko dahil may pangako kami sa isat-isa pero sabi ko nga may hangganan ang lahat Alam ko mahirap maka move-on pero yun kasi ang Tama para saming tatlo.



" meron dapat mag paraya saming tatlo at ako yun dahil hanggang dito nalang si Carina.



" suko nako at isusuko ko na din ang pag mamahal ko kay Stephen.









All Right Reserved2022
©️Miss R.A
🕷Black Butterfly🥀

RRMC( Carina May Steward )✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon