RRMC 15

783 30 0
                                    

"Carina Hernandez"


hawak kamay kaming pumasok ng conference room ni Stephen na naka black shades dahil sa namamaga nitong mga mata dahil sa pag iyak kanina.

" umupo lang ito at ako ang humarap sa higit 30 na leader or manager ng bawat station. kasama ang head ng mga guards at maintenance ng company pati ang manager ng janitor at janitress nandito din.


" Napatingin ako kay Bia na mukhang walang planong ipakilala ako at kita ko pa ang pag iling ni Stephen na mukhang napansin din, Mag sasalita na Sana ako para mag pakilala ng mag salita si Stephen na galit.



" Kung Hindi mo alam ang trabaho mo Bia bilang secretary, ngayon palang maluwag ang pinto ng COMPANY NAMIN para umalis kana. Marami akong pwedeng ipalit sayo na alam ang trabahong pinasok nila. Galit na sabi ni Stephen at kita ko ang pag yuko ni Bia at humihingi ito ng sorry pero Hindi ito pinansin ni Stephen at ito ang tumayo at tumabi sakin.



" ramdam ko ang pag hawak ni Stephen sa bewang ko at Hindi ko nalang pinansin.



" This is my wife Carina May Hernandez the vice president in this company, Alam niyo ang problema ng isa nating branch na pwedeng bumagsak at ma bankrupt dahil sa malaking nawawalang pera or should I say may traydor or may mag nanakaw dun. Mahabang paliwanag ni Stephen sa mga tao niya at ramdam ko ang pag higpit nito sa bewang ko.



" Ako na bulong ko kay Stephen pero Hindi ito nag paawat at hinayaan ko nalang na kausapin ang mga tao niya dahil sure ako kinakabahan na ang iba lalo na sa binitawang salita nito.




" ramdam ko ang tension pero seryoso lang akong nakikinig. Kita sa mga mukha nila ang takot na baka madamay.



" lumipas pa ang ilang oras nag alisan na din ang iba at walang umamin or nag salita kung may alam sila pero tahimik lang at walang imik ang mga empleyado nito na mukhang Hindi natatakot.




" Sir, sorry po, Hinging paumahin ni Bia pero nakay Stephen lang ang tingin nito at umiwas ito sakin kaya isa si Bia sa idadagdag kong paiimbistigahan.



" say sorry to my wife not me Bia, Galit na sabi ni Stephen at mas humigpit ang hawak nito sa kamay ko.



" ma'am Carina sorry po, Mahinang sabi nito sakin at Hindi ko ito pinansin at hinila nalang si Stephen na mukhang may nararamdamang sakit. Dahil kanina pa ito dumadaing.



" what happened, Tanong ko kay Stephen na nakapikit kaya inalalayan ko itong humiga sa sofa at dumadaing na masakit daw ang ulo niya.



" pahinga ka muna Jan ok. Sabi ko pa aalis na Sana ako nang ayaw nitong bitawan ang isang kamay ko kaya napahinto ako at bumalik uli para tignan sya.



" di mo naman ako iiwan uli diba? Aalis ka lang sandali Tapos babalik ka din. Tanong ni Stephen sakin habang nakapikit pa din sya.



" O- oo naman nauutal na sabi ko at biglang pumasok sa utak ko ang huling sinabi ni mommy  Stephanie sakin.



" si trevor, mahina kong bulong at biglang nabitawan ni Stephen ang kamay ko kaya kinabahan ako at humarap dito.




" Hoy!!! tubig gising sabi ko pa sabay tapik sa braso nito at wala lang itong imik kaya lumuhod ako at dinikit ko ang tenga ko sa dibdib nito baka kasi Hindi na ito humihinga pero bigla akong nagulat sa pag yakap nito sakin kaya napanatag ako at niyakap nalang din sya pabalik.



" magpapahinga lang ako sweety para mawala ang sakit ng ulo ko dahil 3days nakong puyat para bantayan at alagaan si mommy at daddy, Paliwanag nito sakin at tumatango ako habang yakap pa din niya ako.



RRMC( Carina May Steward )✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon