RRMC 7

1K 35 0
                                    

Stephen pov!!!!



" simula ng malaman ko ang lahat. nag kusa nang umalis si eunice sa condo at isa lang ang naisip ko ibenta ang condo na ito at bumalik sa bahay namin dati ni carina, nag patulong ako sa secretary ko na papalitan ang color ng wall pati ang mga gamit sa sala at room pinapalitan ko din. dahil gusto ko bago ang lahat nang makikita ko once na tirhan ko uli ito.


" yung dating kwarto ni carina wala akong binago except sa kama nito na dating queen size at pinalitan ko nang king size yun. yung kabilang kwarto na gamit namin dati ni eunice ginawa kong guest room at pinaalis ko lahat ang laman nun ultimo loob ng Cr pinabago ko.



" Aaminin ko mahal ko pa si eunice pero na ngingibabaw ang galit sakin sa mga nalaman ko, pati pag inom ko ng gamot siya din ang may gawa. kinausap ko din si Daddy at mommy kahit sila nalulungkot sa ginawa ni eunice sakin dahil sa sobrang obsession nito sakin.



" Naging ok kami ng parents ko na nasa ibang bansa ngayon at ang plano ko kausapin ko ang mga kaibigan ko para makahingi ng tawad na din at bumalik kami sa dati na kahit hindi parin bumabalik ang lahat.



" Wow pre welcome back!!! Bungad ni thunder sakin at nasa likod nito si Xander na kapatid.



" Bukod sa nagising kana sa mahabang bangungot anong meron bakit my session tayo. sabat naman ni Jaylord na kahit ako hindi na nagulat nang kausapin ako dahil sa pag kakaalam ko galit sakin ito dahil sa mga nangyari. mag sasalita pa sana ako nang makita ko si trevor na nasa entrance na at sa totoo lang hindi ako makatingin dito dahil alam ko galit din ito sakin.




" sorry im late meron kasi akong bagong alaga. biglang tingin sakin nito at ako na ang umiwas.




" wow akalain mo yun nakompleto tayong lima sayang lang wala si carina na nag- iisang muse satin at taga sita pag may makulit na at lasing. masayang sabi ni Jaylord na makikita mo talaga sa mga sinasabi nila kung sino talaga si carina kung sino ang sinayang ko at sinaktan.


" I know its my fault, and im sorry guys aaminin ko wala pa din akong maalala pero sana tulungan niyo ako kung anoh ba talaga ang totoo bukod sa nag sinungaling si eunice sakin. sabat ko sa usapan nila na ang topic ang ex wife ko.



" Anoh bang gusto mong malaman, Trevor asked.




" Lahat? Lahat nang dapat. balik na sagot ko at nag bukas ng topic nang una si Jaylord na naging schoolmate pala ito ni carina at si trevor naman na classmate ito sa dalawang subject dahil sa kurso nitong psychiatrist.






"College life"
Flashback

"Bwisit na yan ang haba ng pila. pag rereklamo ni jaylord kay trevor dahil ang bagal kasing kumilos, mga Varsity kami ng basketball team at dahil member kami at lalaban sa ibat ibang school para sa representative ng university namin.

" ok lang yan pre! Nandun lang ang dorm natin oh, turo ni trevor kay jaylord sa kabilang building kung san dun nag stay ang mga kasali sa basketball, volleyball, soccer, swimmer at kung anoh ano pang kasali sa sports ng unniversity.

" Nag dorm ako para makaiwas sa sita at pamumuna ng parents ko. habang si trevor naman laging late dahil gusto nito lahat ng kilos at galaw ok ang lahat at wala siyang makakaligtaan at makakalimutan.

" dun namin nakilala si Carina ang scholar at volleyball player, dahil sa pinasingit kami sa pila para makakuha ng bagong uniform at schedule ng bawat subject isang taon nalang graduate na kami huli man namin nakilala si carina naging mabait ito at masasabi kong palakaibigan.

" Bato! Sigaw ni Carina kay trevor na kinatawa ko pa at akala ko makakatakas nako pero talagang maloko si carina kaya sinanay nalang namin na tawagin kami sa ganung pangalan at siya lang naman ang pinayagan namin ni trevor na ganun ang tawag samin.

" pati si thunder at xander hindi na din nakaligtas sa mapang asar nasi carina, Ang totoo niyan kay stephen nag simula ang lahat kaya si carina lang ang nag iisang babae na kasama namin pag lunch break o di kaya pag uwian na dahil kahit hindi naman sabihin ni stephen ang nararamdaman nito kay carina dahil kay eunice na girlfriend na ni stephen nun.

" hanggang sa umalis ng pilipinas si Stephen dahil na din sa ginawa ni eunice nun kaya kami lang nila Xander, thunder, carina, at trevor ang mas naging mag kaka close nun,

" kulog, manlibre ka naman, Carina said.

" Anoh bang gusto mo? Balik na sagot ni Thunder.

" yung fishball sa labas, mahinang bulong ni Carina dahil sa nag lalabasan na ibang students ng University at hinihintay ko pa ang kapatid ko dahil may kukunin daw sa locker.

" wait natin si Xander, balik na sagot ko kay carina na mukhang naiinip na dahil isa din yun si xander na mabagal kumilos na ewan ko ba panoh nasali yun sa baseball team.

" Si bagyo matagal yun mag lakad lalo na ang kumilos na parang si Bato, sabat naman ni Carina na umupo na sa kinatatayuan nito dahil sa ngalay at dahil naiinip na talaga ito at masasabi kong yun ang ayaw ni carina ang mag hintay dahil mahalaga sa kanya ang oras.

" San ang iba sabat naman ni jaylord na kakadating lang at napatingin pa ito kay carina na busangot na ang mukha at walang pakialam kung madumihan ang uniform nitong puting puti dahil sa nakaupo na ito sa simento.

" tayo na jan! Sabay lahad ng kamay ni trevor na kakadating lang at si thunder na ang nag dala ng bag ni carina nang dumating si xander sabay sabay kaming lumabas ng university hindi naman kami pwedeng lumayo at may curfew time ang dorm naming lima.

" Yes!!! Sigaw ni carina nang sumubo ito ng fish ball at naiiling kami pag ganito siya kasaya tulad ng sinabi ni stephen nun na bantayan at tignan namin si carina habang nasa japan siya dahil dun siya nag patuloy ng business management at training na din.


" Naging close namin si carina dahil kay Stephen at si stephen din ang nag plano na magkita sila ni carina once na maka graduate ito. kaya hindi na kami nagulat nang maging sila pag balik nila galing japan, at nandun din kami nang mag propose si stephen at ikasal sila ni carina.




End of flashback!!!


" mas napangiti ako sa mga nalaman ko at isa lang ang masasabi ko. sobrang mahal nila si carina hindi lang bilang kaibigan kundi mahal nila ito na parang bunsong kapatid, kahit nasa malayo ako nun hindi nila pinabayaan ang dalaga at hindi nila ako binigo.

" napasulyap ako sa mga kaibigan kong nag tatawanan at asaran dahil sa mga kalokohan nila habang wala ako at kasama nila si carina.


" napapikit ako dahil sa pagod isama pa si eunice na nakakainis talaga.,









All Right Reserved2022
🦋©️ Miss R.A
🕷 Black Butterfly🥀

RRMC( Carina May Steward )✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon