Chapter 20 Behind those Smiles

89 8 1
                                    

"Jirooo!!!! Ang tagal mooo!! Naiihi na ako!! Waaaa!!" sigaw ni Neen sa labas ng banyo

Kung tagalan ko pa kaya? O kaya magpanggap akong tumatae? Hahaha. Ang sarap pagtrip-an ng babaeng 'to.

Gabi na kasi ngayon at kasalukuyan akong nasa banyo para maligo ulit. Kakatapos lang kasi namin mag dinner at napagtrip-an ko siyang sabuyan ng kape sa mukha kaya napikon siya at binato ako ng vanilla ice cream. At ang susunod na nangyari? Food fight. At seryoso hindi ko ginustong batuhin siya ng mga pwede pang kainin dahil masasayang, pero alangan namang kunin ko yung pagkain ng aso sa kapitbahay at paliguin siya nun diba? Nadidismaya pa rin ako sa mga nasayang naming pagkain, pero hindi naman yun gaanong madami kaya okay na yun. Saya niya kayang hagisan tinapay. Hahaha.

"Jiro kapag tinagalan mo pa, I swear papasukin kita dyan! Dalian mo na nga!" sigaw niya ulit sa labas habang kinakatok ng kinakatok yung pintuan

Nakakapagod din pala yung ginawa namin. Syempre naglinis din kami ng bahay dahil grabe yung kinalat namin. Hay. Sa inis ko sa kanya, lumabas na agad ako ng naka towel lang, basa ang buhok at topless.

Napaiwas nanaman siya ng tingin at napaurong paatras sa pintuan. Medyo malabo pero alam kong namumula siya.

"J-jiro magsalamin ka nga!" sigaw niya sakin at tinulak ako paalis sa pintuan dahil nakaharang pa ako. Ihinarang ko naman yung kanan kong kamay sa kabilang side para hindi siya makadaan at ngumisi.

"Akala mo ba walang apekto sa akin yung paglabas mo ng banyo ng naka tuwalya lang ha Neen?" talagang nagulat ako nun dahil nauna siyang naligo at pagkatapos niya lumabas siya ng naka tuwalya lang. Hindi ko alam kung napansin niya ba akong nakatingin dahil nasa may sala pa ako, pero natulala talaga ako.

"You just turn me on Neen." I said using a husky voice. Ang saya niya talagang pag trip-an! Hahaha.

"Turn me on! Turn me on ka dyan! Ano ka switch?! Layas! Naiihi ako!" sigaw niya at tinutulak-tulak ako

Tss. Wag na nga. Napipikon na e. Natawa na lang ako sa kanya at umalis na sa harap ng pintuan

Pumasok naman ako sa kwarto ni kuya Mirko para doon magbihis. Feel at home na ako ngayon pa lang. Hahaha. Napansin ko namang may board na nakadikit sa pader sa may kanan banda ng kama niya at may mga litrato at mga sticky notes dito.

Pagkatapos kong magbihis ay kinuha na ang aking basag na salamin saka tinignan yung mga litrato at binasa yung ibang mga nakalagay sa sticky notes doon.

Nakita ko roon si ate Mako na may kasamang lalaki, nasa amusement park yata sila at nakaakbay ang lalaki sa kanya. Sa ibaba naman nun, may nakasulat.


Andrew Perez


Natawa naman ako sa sinulat ni kuya Mirko, anong meron? Bakit siya may ganito? Hindi ko alam na may ganito pala siyang ginagawa. Hahaha.

Sa katabi naman nun, mayroon kaming litrato ni Neen. Sa pagkakatanda ko, nung Christmas party namin ito nung grade six at nakaakbay din ako sa kanya at pareho kaming nakangiti ng malapad.


Kyle Jiro de Leon

Natawa na lang ako sa iba pang mga nakalagay doon pero mayroon talagang nakapukaw ng aking atensyon, yun ay yung litrato nilang magkakapatid, mayroong nung bata pa sila at mayroon ding yung ngayon-ngayon lang. Ang saya nila tignan. Lahat sila kulay tsokolate ang mga mata, at halatang magandang lahi ang pinagmulan.


If these assholes hurt my sisters, I'll make sure they'll be dead

Di ko alam pero parang nairita ako sa nakasulat. Hindi dahil sa tinawag nya akong asshole, parang iba kasi yung tingin sa akin ni kuya Mirko, parang inihahalintulad niya lang ako sa ibang mga lalaki dyan.

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon