Chapter 6

53 7 0
                                    

"Ano na Miss Maika? Okay ba?" tanong ni...Jake? Enrique? Bill? Vhong? Cedric? Ano nga kase? =___=a

"Tss. Shut up first." Nagdedecide pa e!

"Magaling sila, walang duda!" sigaw ni Tinna...pay -.- Tinignan ko na lang yung dalawa.

"Play another song! The Only Exception by Paramore!" woa! Thank you Chen!

"Hindi ko nanaman alam yan... T____T" sabi ni...whoever he is. Kakasawa manghula

"Don't worry kung sinuman group sa Andrew ang ma-assign sa section nyo, pwede nyo i-request lahat ng gusto nyo! Hihihi!" bruha ka talaga Alenna. Bruha ka.

"Si Alenna lang gagawa non! Kung gusto nyo palamunin nyo pa siya ng apoy! Syempre pwede rin yun gas! Kung gusto nyo lpg pa! Basta si Alenna lang! Lintek na bruhang President!" hindi naman galit nyan si Zel e no?

"Aish. How annoying could all of you be. Tss. Louie mag start na nga kayo!" nagsalita rin ang isang highblood sabagay nagtaka pa ako, natural na yan kay Chen

"Okay then Lou, let's start!"

Tumugtog na sila habang yung isa dun, ayun, loner nakatunganga, walang silbi, nakakaawa, OP, walang karamay, nakakairita...okay. Ang OA na.

"Girl alam mo napaghahalataan ko lang, hindi ba may gusto na si Lou sayo? Ano sa tingin mo?" biglang sabi ni Zel at nag smile ng pilit.

"Okay lang naman sya saken Zel. Wala pa naman akong problema sa hinayupak na yan. Pero Zel, hello? Siya magkakagusto saken? E kailan pa nga lang kami nag-meet e!"

"Kung sakali man Maika. Magugustuhan mo rin ba siya?" teka... bakit biglang naging seryoso to si Zel?

"Nope. Kailan lang kami nagkakilala tapos ganyan agad? Edi wow! Hahaha"

"Ikaw nung isang araw mo lang siya nakilala, pero siya... matagal ka na niyang kilala."

"T-talaga?"

"Ay hinde, joke lang."

"Pano mo nalaman?"

"Uhm..." bigla nanamang nagbago yung mood nya, ngumiti siya ng malapad sabay sabing

"Imbento ko lang yon! Hahaha!" hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang aking atensyon kay Mark na damang-dama ang pag gigitara nya. Ge push mo yan! Napatingin nanaman siya sa akin. Hm... Ano kaya yung tinutukoy ni Zel? Sa akto nya kanina, halatang may tinatago siya, ewan basta may kakaiba sa kanya. Teka, baka naman natatae lang yon? Hahaha! Masyado na siguro akong naghahallucinate!

"Ang galing nila! Tumatayo lahat ng buhok ko sa kili-kili!"

"Ang amazing nga! Nakakainlove!"

Nang matapos sila, nagsigawan yung mga kaklase ko... particularly yung mga babae. Ang daming nagbigay ng chip sa kanila, dahil sa dalawa syempre. Yung isa kasi extra lang, nakakaawa, walang silbi, uulit nanaman tayo. Pero wala naman nga kasing ginawa si ano e... si ano... sino? Ayoko na seryoso =_____=

"Mark ito na o. Ang galing nyo."

"Salamat." at tinanggap nya na yung chip

"Ayiiieee!!!" kantyaw ng mga kaklase ko

"Bagong loveteam ng bayan! MaOuie! Ay sagwa! LouKa na lang!"

"Timang! Mas maganda yung MarKa!!"

"Nagseselos ako pwede ba!" sigaw ni Kobe

Tinignan ko lahat ng mga kaklase ko, ang saya-saya nila, anong meron? Nakakaguwang tignan! Pero nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko ang best friend ko na nakatingin lang sa akin ng seryoso. Michenne.

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon