Chapter 16

45 4 2
                                    

Bakit naman kaya pinapadala ni Zel yung blue glasses na yon? Ano bang meron? Yun ba yung susuotin niya habang binabasa yung speech niya dahil malabo na yung mata niya? Magsasalamin ba siya sa graduation para mukha siyang smart? Ahhh!! Punyateraaa!! Naii-stress ako!

Isang katangahang hindi ko nagawa ay hindi ko naitanong kung bakit, pumayag na lang ako agad!! Aaarghh! Ano bang problema ko?! Bakit ba ako nababagabag sa salamin na yon?!

"Let's hear it from our first honorable mention as she delivers her speech."

What the egg... Ako na pala. Ganoon na ba ako ka pre-occupied para hindi maging aware sa mga nangyayari?

"Huy Maika ikaw na." great! Just great! General practice na nga namin tapos ganito pa ako. Oh lupa! Lamunin mo na sana ako!

Tumayo naman na ako at pumunta na sa kung saan kami dapat magsasalita. Nakakabagot itong araw na ito. Bumati muna ako sa mga dapat na batiin at binasa na yung kung anu-anong kaek-ekan na naisulat ko sa speech ko. Gusto ko nga sana isama kung gaano kaarte yung principal namin e. Kaso wag na. Mamaya sugurin pa ako sa bahay namin at ipa-ambush. Takot ko lang sa aswang na yon.

Habang nagsasalita ako, ginala ko na lang yung paningin ko at di sinasadyang napatingin sa gilid ng gymnasium. I saw a man, medyo blurred yung mukha dahil may pagka myopic ako, he was just standing there and I think he's looking straight to me. Di ko sure dahil malabo. Napatitig lang ako sa kanya at kasabay nun ay ang pagtigil ko mag-speech. I don't care if I look stupid for stopping, I just can't take my eyes from him. Para siyang si Jiro, pero at the same time para ring si Kyro. Right. Si Kyro lang pala yan. I forgot na may hawig nga pala sila. Magka figure din kapag malayo. Jeez. Nakakainis.

"MAIKA ITULOY MO NA NGA YANG SPEECH MO!" natauhan naman ako ng sumigaw si Chen. Nakakahiya.

Nagbasa na lang ulit ako pero pagkatingin ko ulit doon, wala na siya. Nakakadismaya. Hindi ko alam kung bakit. Baka naman crush ko na si Jiro? I shake the thought of that in my head. Asa siya! Never in his wildest dreams! O baka naman si Kyro yung crush ko? N-no way! What am I thinking anyway? Kung kailan ga-graduate saka lalandi? Hindi no! Crush lang naman yun, sabagay. Meron naman akong mga crush e, si L ng Infinite si Donghae ng SuJu, si---pakinsheetofpaper. I just remembered na nung huling makakita ako ng picture ni Jiro which was four years ago, napaghalataan kong may hawig sila ni L, the only difference is the eyes, hair and Jiro wears glasses. Tanginumin naman o! Pero that was like four years ago, what more kung ngayon? Sheeeetttybells!

"Maika what happened to you?" tanong ni Zel ng makaupo na ako

"Ahh! W-wala! Nakakita lang ako ng---isda! Ah oo isda! Isdang lumilipad!" sabi ko at umusog sa tabi ni Rin

"Nakakita ka ba ng gwapo? Kasi ako oo." bulong ni Rin sa akin "Siguro kaya ka napatigil no? Nakita ko rin kasi yung tingin mo kanina, starstrucked ka. Kilala ko yun e, pinsan ni Kobe. Kyro daw yung name. Gwapo rin ng name no? Kasing gwapo ng asawa kong si Myungsoo." daldalita talaga 'to si Rin

For the nth time, na-disappoint nanaman ako ng malamang si Kyro nga iyon. Nakita daw ni Rin, e mas malinaw pa kay Jose Rizal yung mata niyan.

Napailing-iling na lang ako. That Kyro guy really bothers me a lot. O baka naman hallucination ko lang 'to? What the egg lang.

"Ano bang nangyayari sayo bessy? Bakit palagi kang nagse-space out?"

"Ah wala. Akala ko lang si---ano wala pala. May iniisip lang ako."

"Hindi siya si Jiro. Hawig lang sila pero hindi siya iyon." pagkukumpirma ni Chen habang nakangisi. Okay. Wala naman akong sinasabi e.

Haaay. Siguro nga kailangan ko ng itigil yung paghihintay kay Jiro. Ah yeah. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kanya, nami-miss ko lang naman kasi siya, kaso nga lang kung babalik man siya dito, pupuntahan niya kaya ako? Napailing nanaman ako. Pero bakit niya naman ako pupuntahan? May kailangan pa ba siya sa akin? Ni hindi nga ako sigurado kung kilala niya pa ako e.

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon