Chapter 22

41 3 0
                                    

 

  "Titigil-tigilan mo nga ako sa mga biro mong yan Jiro!"

Biro. Talaga ngang hanggang dyan na lang ang mga sinasabi ko sa kanya. Tss

Sa inis ko, iniwanan ko siyang mag-isang kumakain at dumiretso sa sala. Nawawalan ako ng gana sa kanya. Sa mga nasabi ko sa kanyang cheesy lines, ni isa wala siyang sineryoso. Alam ko namang hindi ko 'to ginagawa dati e, pero masisisi nya ba ako kung nagbago na ang gusto kong pakikitungo sa kanya ngayon? Hindi naman sa lahat ng oras sinasabi ko yun, ni hindi ko nga magawang lambingin siya ng buong araw e. Naririndi ako. Tapos ngayong madalang ko lang gawin iyon, biro pa rin ang tingin niya sa mga yon. For time's sake! Hindi na kami mga bata! Ilang taon na kami kaya normal lang naman yan kahit na hindi kami nagmamahalan

  Maika nagtanong saken si Louie kung nasan ka, mukhang kailangan ka kaya sinabi ko

Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na ba naitapon yung phone ni Neen dahil sa naiinis ako sa mga nagme-message sa kanya. Ba't naman sasabihin ni Chen sa Louie na yan kung nasaan si Neen diba? Ano nanaman ba 'to?

Nakarinig ako ng pagbukas ng gate sa labas, nandito lang ako sa kabilang sala kaya rinig na rinig ito. Nang silipin ko kung sino iyon, hindi ko kilala ang bugok. Nakita ko lang siya sa school nila Neen pero di ko kilala, at wala akong balak kilalanin

  "Why are you here?" nagtatakang tanong sa kanya ni Neen

Pareho kaming nagulat sa bugok ng bigla niyang yakapin si Neen. Fvck. Ano 'to? Teleserye sa harapan ko pa mismo?

  "Zel doubted my love for her." sabi nya dito. Hindi nya siguro alam na nandito lang ako, tahimik na nakikinig sa kanila

  "H-ha? Why?" halata namang hindi mapakali si Neen sa pagkakayap sa kanya

  "Because of you." Neen was startled hearing those words. Isa nanaman yata yang lalaking yan sa mga nagkakandarapa kay Neen. Payakap-yakap pang nalalaman. Tss

  "My life has changed? T-teka Mark, bitawan mo muna ako." napasimangot ako sa kanila. Landiin ba naman si Neen sa harapan ko. Nyeta nagawa pang magbiro ni Neen

  "Sorry." mahina niyang itinulak si Neen saka hinawakan sa magkabilang braso at tinignan ng mabuti. Untog kita dyan bugok

  "Pinagseselosan pa din ba ako ni Zel?" seryosong tanong ni Neen na ikinabigla nung lalaki. Yan yung karelasyon ni Zel? Tae. Wala pa yan sa kuko ko e

  "I'm s-sorry. Palagi kasi akong nawawala sa sarili, akala niya iniisip kita." natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Parang tanga ampucha

  "Nagpapatawa ka ba? Si Zel na Valedictorian ng batch naten ganyan mag-isip?"

  "Oo posible naman yun." bulong ko sa sarili

Ibinaba nung Mark---Louie ba yon yung kamay niya papunta sa kamay ni Neen at hinawakan ito ng mahigpit, bigla namang napatingin sa akin si Neen at halatang nagulat. Tumalikod na lang ako saka dumiretso sa kwarto ni kuya Mirko. Fvck this feeling! Isinalampak ko na lang yung sarili ko sa kama at tumingala

Binilinan ako ni kuya Mirko na sa mga panahong wala ang mga pamilya niya sa tabi niya ay alagaan ko si Neen, ginagawa ko naman. Yung mga oras na dapat ay ginugugol ko sa pamilya ko ay ibinibigay ko sa kanya. Ginagalang ko si kuya Mirko, sinusunod ko si ate Mako at inaalagaan ko si Neen, ginagawa ko lahat ng 'yon para kay Neen pero bakit ganito? Fvck it looks so gay, but why do I have this feeling that Neen is being unfair to me? I'm giving her all my attention but because of her stupid suitors---ahh! Fvck! What am I thinking?! Napapamura tuloy ako ng di oras

Napahilamos ako ng mukha sa inis. Sa mga oras na 'to dapat nagmo-movie marathon kami kaso dahil sa hayop na Louie na 'yon, ito ako mukhang tanga na nagdadrama. Kabaklaan lang nimal

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon