Chapter 28

29 3 1
                                    

  "HAAA??!! ANO?! HINDI 'TO PWEDE!! BAKIT?! KAYO DAPAT NI XAVIER!!" sigaw sa akin ni Yanna. Kanina pa siya paikot-ikot sa classroom namin habang sumisigaw sa akin dahil hindi daw siya sumasang-ayon sa mga 'tsismis' na kumakalat.

  "MAIKA!! MAG-BREAK KAYO NGAYON NA!! HINDI TALAGA 'TO PWEDE E!!" sigaw niyang muli at tuluyan ng napaupo sa sahig at nagtakip ng mukha. Hala! Ngayon ko lang yan nakitang ganyan, bakit naman ba kasi napaka-affected niya? Siya ba ang girlfriend? May gusto ba siya kay Jiro?

Nilapitan ko siya at gulat na gulat ng marinig ko siyang humihikbi. Seryoso na nga 'to.

Tatapikin ko na sana siya sa balikat pero bigla akong natigilan. Ano namang sasabihin ko? Na hindi kami ni Jiro? Na gawa-gawa niya lang 'yon para tumigil na yung mga pang-aasar at pagli-link sa akin kung kani-kanino? Napatingin ako sa direksyon niya at nakatitig siya sa akin. Okay? Nag-aabang ba siya ng sasabihin ko kay Yanna?

  "You can't love him! You can't! Maybe you're just confused!!" sigaw niyang muli sa akin habang pumapatak ang mga luha sa pisngi. First time ko lang siya nakitang ganyan. I mean she doesn't look like the b*tchy Yanna that I used to know. Hindi niya iniiyakan yung mga mabababaw na bagay.

  "Bakit ba ang manhid mo Maika?!" sigaw niya sa akin habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa kanyang pisngi. Nagsibulungan naman yung mga kaklase ko sa inaasal ni Yanna. Ugh! Bakit ba kasi ang ingay niya e.

  "It's just a silly relationship, there's nothing serious about it Yanna, so stop crying like a baby there." I told her trying to avoid Jiro's stares. Hindi naman kasi talaga seryosohan yun diba?

  "I hope that satisfies all of you." napatingin kaming lahat sa may pintuan at nakasandal doon si sir Mike. Agad-agad kaming nagsibalikan sa mga pwesto namin. Ugh! Katabi ko nga pala si Jiro.

Saglit ko siyang sinulyapan. Kasalukuyan niyang inaayos yung asul niyang salamin. Binago niya na yung hairstyle niya, ibinagsak niya na yung nakataas niyang buhok, kung alam nyo yung buhok ni Lee Donghae sa mv nilang Sexy Free and Single, parang ganito yung buhok niya ngayon. Naka puting polo shirt siya, pants at black leather shoes. Simpleng uniform lamang. Pero malakas ang dating sa mga babae. Nagulat ako ng nilingon niya ako. Using his famous bored look, he also stared at me from head to toe. Tss. Ano nga ang ayos ko? Nakaheadband lang ako na may maliliit na diamonds na design (pero syempre fake lang yung mga yun), naka-blouse at pants at itim na doll shoes. Simpleng unform lang din. Pero para sa iba hindi. Kaya nga sinabihan ako ni Jiro na wag na wag daw magsusuot ng maiiksi, sleeveless at dresses tuwing wash days kung magbabalak man daw ako. Conservative din naman ako kaya ayaw ko. Showing off too much skin is so not me.

  "Class, who among you can sing?" natauhan naman ako sa tanong ni sir. Kumakanta daw? Siguro mga tatlo lang yung nagtaas ng kamay, the rest kasi magaling sa sayaw, instruments, sports at iba pa.

  "Sir si Maika po." nagulat ako sa nagsalita. It's Sophia. Yung sinasabi ni Chen na pakielamerang echoserang panirang bungangerang bruhang pinsan niya. Sir Mike smiled at me and was like trying to say something by the means of staring. Shocks. He's giving me a why-don't-you-give-it-a-try look! Argh! Sophiaaa!!

Tumayo na ako at nahihiyang pumunta sa harapan ng klase. I heaved a sigh then look at Jiro. Hindi siya mapakali. Parang natataranta na ewan.

  "Go on." sabi ni sir habang nakangiti.

  "No." napatingin ang lahat kay Jiro na kasalukuyang nakatayo at nagkakamot ng batok.  "She can't sing." nakasimangot niyang saad kay sir.

  "Her brother and sister can, so I suppose their youngest sibling also can." sabi ni sir sa kanya

  "Oo Jiro! Sabi nga din ni Chen sakin parang Hayley Williams boses niya e!" pagsa-sang-ayon pa ng pinsan ni Chen.-.- You're so annoying, please take note of that.

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon