Chapter 12

41 4 0
                                    

"Bessy you won't mind naman siguro if I ask you kung bakit nale-late ka palagi?" tinignan ko lang siya saglit at nag focus ulit sa rubiks cube na binubuo ko

Today is February 13 meaning, Valentine's na bukas. Nung mga nakaraang araw, wala man ganong naganap so hindi ko na kailangan pang idetalye ang mga nangyari.

This day hindi ko alam kung bakit pero sinundo ako ni Chen ngayon. Sabi niya nag-aalala na daw siya kung bakit late ako pumasok.

"Tinatamad lang ako gumising ng maaga." walang gana kong sagot

Sa totoo lang, wala talaga akong balak sabihin sa kanya kung bakit. I know it's unfair. Pero ayoko lang naman na problemahin pa nila ako sa bagay na ginusto ko talagang gawin. I don't want them to worry because of me, basta. Ayoko lang na namemerwisyo ng tao.

"Alam ko namang never ka pang sinipag, pero nagdududa lang talaga ako. Why do you look so pale these days? Why are you always spacing out eversince this new year came? Worried lang talaga ako sayo, baka maapektuhan pa kasi ang studies mo." I tried my best to smile at her, pero, no use.

"About lang sa family. Sa lola ko." halos pabulong ko ng sabi

Nanahimik lang siya at ngumiti ng pilit. Pag ganitong usapan na, alam niya kung saan siya lulugar. Dahil sila lang ni Jiro ang nakakaalam ng naging karanasan ko at ng pamilya ko.

I honestly don't want anyone to know my situation, mas gusto ko kasing kinikimkim ang mga bagay na kailangan ng privacy. Kaya as much as possible, hindi ako nag-oopen, kung alam ko namang kaya kong harapin ito. Pero dahil sila nga yung tipo ng mga tao na mapilit at ayaw na mag-isa naming rineresolba at

hinaharap ang mga problema, kaya nasabi ko sa kanila ang sitwasyon ng pamilya namin ngayon.

"Bessy I apologize for being so stubborn, but please tell me what's wrong. Kilalang-kilala na kita, kaya alam kong may tinatago ka nanaman." sabi nya sincerely

Hindi naman talaga si Michenne yung b*tchy type e, it just happened na nagbago siya dahil sa akin, dahil sa tingin niya, malaki ang epekto sakin ng pag-alis ni Jiro.

"W-wala. Puyat lang ako." sabi ko sa kanya. Lutang talaga ako ngayon, kaya wala akong magawang excuses.

"Maika... Tell.it.to.me" nagbabanta niya ng sabi

"Tss. Okay fine. Nitong nakaraang mga araw kasi madalang na lang yung makatulog ako ng mahimbing, at madalas na ang hindi ko pagtulog, because... I want to take care of my grandmother, she has been hospitalized last month dahil malala na yung sakit niya. And as much as possible, gustong kong nandun ako sa tabi niya for 24 hours, pero dahil nga may pasok pa tayo kaya sinasanay ko na ang sarili ko na sa gabi na lang siya bantayan. Night shift ako kumbaga." at tumawa na lang ako ng pilit. Hindi na siya nag react but I can see her painful expression.

Kaya ayaw kong sinasabi ang mga problema ko e, kasi nababagabag ko pa sila. They also have their own problems, ayoko ng dagdagan pa yon. Kaso mapilit talaga itong isang ito e.

"I guess I can never stop you for doing that. Sophomores pa lang tayo pero daig mo pa yung college sa shift-shift na yan. Siguro sa ngayon, ang maitutulong ko na lang ay yung pag remind sayo ng

studies at kalusugan mo. Mahirap na, baka mapano ka pa." buti na lang talaga at naiintindihan niya agad ang sitwasyon ko. Mahirap na kaya humanap ng mga ganitong kaibigan sa ngayon!

"I can manage naman yun e. Ako pa!" hindi na siya sumagot pa, she seems to be bothered until now. Tss.

Aware naman ako sa sinasabi niyang wag papabayaan ang studies at kalusugan ko, humahabol nga naman kasi ako sa General Excellence at ayaw na ayaw kong bumababa yung rank ko, at sa kalusugan ko naman, alam niya kasing nasa lahi naman yung pagkakaroon ng cancer, nagsimula kasi yan sa lola ng lola ko (wow! Hahaha) tapos sa father ng lola ko, ngayon yung lola ko at yung dalawa ko pang tita.

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon