Chapter 19

101 6 3
                                    

"I don't even know myself at all

I thought I would be happy by now..."

Ang boses na iyon.

"The more I try to push it our lies

Gotta let go of control..."

Nanatili lang akong nakatayo sa may likuran niya ng hindi niya napapansin. Ang ganda talaga ng kaniyang boses. Napakasarap pakinggan.

"Gotta let it happen

Gotta let it... happen

Gotta let it happen

So let it happen..."

Napangiti naman ako. Last hope by Paramore. Hanggang ngayon pala iniidolo niya pa rin si Hayley.

Nagpatuloy lang siya sa pagkanta habang nandito pa rin ako sa kaniyang likuran at tahimik siyang pinapakinggan. Akala ko pinabayaan niya na yung talento niya, pero patagal pa ng patagal paganda naman ng paganda yung kaniyang boses.

"Ang panget talaga ng boses mo." pang-aasar ko sa kanya kaya natigilan siya at nilingon ako saka sumimangot

"Salamat ha? Tss." sarkastiko niyang sabi

"Kanta ka na ulit." sabi ko habang nakangiti

"Che."

Nandito na nga pala kami sa labas ng ospital, at alas dos na ng madaling araw. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ayaw pa matulog, halata namang pagod na.

"Kumusta highschool life Neen?" tanong ko sa kanya ng manahimik na siya

"Sobrang saya." dry niyang sagot saka humikab

Tinitigan ko lang siya na kasalukuyang nakatingala at sinusulyapan ang mga bituin sa langit, halatang malungkot pero nakangiti. Hay.

"Sana kung nandun ka." bulong niya

Medyo nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.

Sobrang saya... sana kung nandun ka

"Hmm... Gusto mo dun muna tayo sa garden?" pag-iiba ko ng paksa, hindi naman sa naiilang ako, nakakapanibago lang.

Nung nag-ikot-ikot ako dito nakakita ako ng garden, siguro maganda doon kapag medyo madilim.

Tumango lang siya at naglakad na. Sumunod naman ako at inakbayan siya, nung una medyo hindi siya sanay pero hindi na niya pinakealaman at hinayaan na lang ako.

"Inaantok ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Okay lang ako." okay. Ang layo ng sagot niya.

Umupo na kami sa may bermuda at tumingala sa langit. Ang dami nga ng mga bituin.

Kung nagtataka kayo kung umuwi na ba siya o hindi, ang sagot ay hindi, pero nakapagpalit na siya ng damit niya, hindi na siya nakaschool uniform at tinanggal niya na yung make-up at ayos ng buhok niya. At ito nanaman siya ngayon, simple lang.

"Bakit pala nandito ka pa? Hindi ka ba hinahanap nila Kai?" ginulo ko na lang yung buhok niya at humiga sa bermuda

Si Kai yung kaisa-isa kong kapatid na babae. Dadalawang taon lang yung tanda ko sa kanya at oo babae siya, pero pusong lalaki. Ewan ko ba kung bakit nilayasan nun yung lipi ni Eba, ayan tuloy, pati si Neen pinagnanasahan.

"Nandun naman sina mama at papa. Alam naman nila na kasama kita."

"Wala ka na bang ibang gagawin?"

"Pinapaalis mo na ba ako?"

"Hindi naman. Baka kasi sinasayang mo lang yung oras mo sa akin pero may dapat ka pa palang asikasuhin. Matulog ka na muna, para magising ka agad mamaya."

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon