Chapter 14 Prom

46 4 0
                                    

Hindi talaga lahat ng tao na inaasahan nating magkakatuluyan ay para nga sa isa't-isa. Katulad na lang ng naging sitwasyon namin ni Mark. Sabihin na nga nating maraming may gusto na maging kami, at maraming nagsasabing bagay kami, pero kung para sa kanya sineseryoso niya iyon, para sa akin, wala lang iyon. Parte lang talaga iyon ng highschool life. Para sa akin kasi, ang true love ay hindi minamadali, hindi hinahanap, at kusang dumadating.

Yung pag-amin sa akin ni Mark two years ago? Syempre hindi ko makakalimutan iyon, natatawa pa nga ako kapag naaalala ko yun e, but at the same time, nagi-guilty ako. No one have ever seen him being so desperate for a girl. Ako ang mga first niya.

"Hey sis. Stop that grim on your face. Hirap kitang minake up-an tapos ganyan ka lang." sabi sa akin ni ate Mako habang inoobserbahan ako

"Yeah right Maika. Alam mo namang palaging nagsa-stand out ang looks ng mga Ninomiya tuwing prom. Kaya obey your sister na, she knows a lot. Even how to pick her booger nicely." natawa naman ako sa sinabi ni kuya Mirko at inirapan lang siya ni ate. Pati ba naman pangungulangot maayos na ginagawa ni ate? Bwahaha

"Tara na! Last prom na ni bunso baka ma-late pa tayo. Hoy Mako tama na. Mukha na siyang clown! Mako!" utos ni kuya. Si ate kasi hindi pa makuntento. Dami ngang alam

Nung matapos na, tinignan lang nila ako, my brother chuckled and whispered something to my sister that made her giggle. Sige magbulungan pa kayo, ipapakain ko yung make-up ko sa inyo.

"Come on! I'm so excited to see their reaction. Video-han mo nga Maika. Hahaha." lumapit nanaman si kuya kay ate at kinuha ang susi mula rito. "Another Ninomiya would stand out later, am I right Mako?"

"She deserve everyone's attention kuya. Look at her, she's so gorgeous."

Sumakay na lang ako sa sasakyan at hinayaan silang magdakdakan. Pinakaganda pa nila yung make up, e masquerade yung theme namin. Tss. Parang sira lang. Pakana kasi 'to ng student council President na puro kaartehan lang alam na walang iba kundi si Alenna. I mean, like duh! Masquerade na theme? So old style.

"Maika magsuot ka lang ng mask para hindi sila matakot sayo ha? Maganda ka kapag may mask, take note of that." pabirong sabi ng bwisit kong kuya

"E kung sampalin kaya kita ng kaliwa't kanan kuya? Mga bulag talaga o." pangongontra sa kaniya ni ate Mako. Makahanap nga ng kutsilyo.

Hindi ko na lang sila pinansin, para namang ma-aawat ko pa yang mga kapatid ko. Isang aroganteng baliw at isang warfreak. Nako. Baka pulutin na lang ako sa ilog Pasig.

Napadaan naman kami sa school ko dati. Ang St. Joseph Academy.

Naalala ko nanaman kung paano nagmakaawa sa akin si Mark para lang bigyan ko siya ng chance. Yes. I didn't allow him to court me. Kahit na sabihin nating statement yun hindi tanong. I cut him off and told him to stop his silly puppy love for me. Ang sama ko ba? Nah. I just thought that if ever I gave him a chance, it's the same as letting him believe in false hopes.

Sabihin na nating binasted ko siya, at masakit yun sa part niya, pero mas masakit naman siguro kung umasa siya sa wala diba?

Medyo nakonsensya nga ako nung lumuhod pa siya sa harap ko e, pleading. Pero ang nagpatigil lang sa kanya ay yung pagsabi ko ng, 'Nandyan naman si Zel, nagpapakatanga sayo, pero ikaw nandito sa harap ko, nagpapakatangang umaasa sa wala. Alam mo bagay kayo. Pareho kayong tanga.' Ang harsh ko. Bwahaha. Naisip ko rin naman kasi, wala naman siyang mapapala saken, walang-wala!

"Oy Maika may balak ka pa bang lumabas diyan? May lbm ka ba?" tanong ni ate

Shoot! Nandito na pala kami!

"Uwi na ulit tayo! Joyride!" sabi ko sa kanila. At sabay silang lumingon sakin at nakatingin ng masama. Aroy jusme!

"Bababa ka diyan o tatawagan ko si Jiro?" nanlaki naman ang mata ko sa banta ni ate. Like duh! Nasa ibang bansa yung mokong! Para namang may magagawa yun!

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon