Chapter 27

28 2 0
                                    

   HAPPY FATHER'S DAY SA PAPA NIYO! Godbless po sa ating lahat.

  Chen, masaya ang papa mo kapag masaya kayo. Pakisabi happy father's day ha? Thanks lovelots :)

------------

    'Kagayaita no wa kagami demo

  Taiyou demo nakutte kimi dato

  Kizu itta toki kana

  Ano namida gumu kumo wo zutto ue ni wa hohoeru tsuki love story

  Mata hitotsu

   Kitsuzuita yume wa kinou no kana tae

  Sora ni hibike ai no uta...'

Ang hirap ng buhay college. Talagang malaking adjustment yung kailangan mo para lang makahabol ka. Pero patagal naman ng patagal, nasasanay na rin ako. Nagiging independent na at nagkakaroon na ng bagong mga kaibigan. Masaya naman, kaso mahirap talaga, lalo na't dean's lister pa ako.

  'Omoide zutto zutto wasurenai sora futari ga hanarete itte mo

  Donna tsuki na hitori deau kisetsu nido to nai

  Hikatte moto saikou no lady

  Kitto sotto omoi todoku shinjiru kotto gatsubete love so sweet...'

Mag-isa lang akong nakaupo sa bench dito sa may garden ng university. Ayoko ng may kasama o katabi kaya nilagyan ko ng ketchup yung space sa tabi ko para masiguradong walang uupo. Wala kasi talaga ako sa mood, kaya naisipan ko na lang magpahangin habang vacant time ko pa. Wala lang. Gusto ko lang kasing mag-isip-isip para maliwanagan.

  Naguguluhan kasi ako. Sa ilang buwan na namalagi kami dito sa university, palagi na lang akong nili-link sa iba. Basta gwapo yung lalaki, palagi na lang nilang pinagdidiinan sa akin ang lahat. Bakit? Simple. Kasi wala akong lovelife. Bakit ko ba 'to pinagaaksayahan ng oras? Simple rin. Dahil na-offend ako sa sinabi ni Yanna. Ano nga bang sinabi niya? 'Maswerte ka nga at may mga naglalakas loob sa'yo samantalang hindi mo naman sila deserve dahil manhid ka na nga, tanga ka pa.' Yan lang naman. Kung di ko lang siya kaibigan binully ko na yan e.

Oo tama kayo ng pagkakabasa. Kaibigan ko si Yanna. Of all people mataray at prangka pa yung madali kong maka-close. Magkatulad nga sila ni Chen e. Alam ko ang sama ko, pero pareho talaga silang b*tchy type. Pero kahit na ganun si Yanna, napaka-unpredictable niyang tao. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit si Xavier lang ang tanging lalaking pinagdidiinan niya sa akin. Kumbaga gumagawa talaga siya ng paraan para sa amin ni Xavier. Ewan ko sa kanya. Naiinis ako kasi dahil din dun kaya pati si Jiro panay ang pang-aasar sa akin kay Xavier.

At simula ng asarin na nila ako kay Xavier, napapansin kong nagsisimula na rin ang pag-iwas ni Jiro sa akin. Unti-unti na rin siyang nagkakaroon ng sarili niyang kaibigan kaya hindi na siya nag-aatubili pang lapitan ako. Kung mag-uusap man kami, pangungunahan niya na ng pang-aasar sa akin kay Xavier hanggang sa wala ng patutunguhan ang pag-uusap kuno namin. Bakit? Hindi ko alam. At mas lumala pa iyon ng may nagsabi na may gusto daw sa akin si Xavier. At dahil palaging naka-ON ang gwapo radar ng mga babae dito kaya mabilis pa sa alas kwatrong kumalat yung tsismis. Haay.

  'Soko kara itsumo mieru yo ni

  Kono te wo sora ni muke hirogaru kimi to no omoide...'

Napatanggal ako ng earphones ng di oras ng may biglang nanggulo ng buhok ko. Napatingala naman ako at bumungad sa akin si Xavier na nakangiti.

  "Pwede bang tumabi?" tanong niya sa akin. Napahikab ako at tumingin sa relo ko. Dalawang oras pa.

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon