Chapter 10

58 6 3
                                    

Dedicated nga pala ito kay nikki0608 Hi! *kaway kaway* Salamat sa iyo kasi mas ginanahan pa akong ituloy yung story! At kung lab lab mo kami ng story ko at ako, edi syempre lab lab ka din namin ^___^ Sana pagpatuloy mo lang suporta mo ne? Arigatou!

-------------------

Natapos na ang aming pagtatanghal at umani kami ng mga bonggang-bonggang papuri. Wow diba? Yung pinaka nagustuhan ko ay yung pagkukumpara nila sa boses namin ni Hayley! Malapit na daw! Malapit na daw mabasag yung jalousie! Jk. =___=  Malapit ko na daw maging kaboses si Hayley. Pero packing tape lang! Anlayooo!!

Kasalukuyan na nga pala kaming naglalakad nila Aria dito sa hallway. At buset lang. Inaasar pa ako kay... sa pinsan ni Mark. Nanuod kasi yon e, tapos sinabi pang ako daw talaga yung sadya nya doon, at ang galing-galing ko daw kumanta. -. Neknek nya. At ayun, binigyan ko ng bente para manahimik at ngumisi lang.

"Balita ko medyo bad boy daw yon si Jiro ha? Ang layo sa kilala natin." naghihinalang sabi ni Aria. Pake ko ba dun? Tss.

"Bessy Aria, gwapo naman e. It doesn't matter. Ayaw mo yun? Jiro ulit ang name ng lalaki na makaka-capture ng heart ni Maika? Yie!" anong capture-capture ka dyan? Capture-in ko kaya yang bibig mo? Tss. Kabanas na mga kaibigan. Boto pa dun.

"I don't care if you're a friend or a suitor, let's get things straight Louie. I always get what or who I want." para naman akong nangilabot sa narinig kong yun.

"Sh*t." Chen cussed tapos hinila kami ni Aria para magtago

"What the hell Jiro?! Bakit pati si Maika?! Hindi kayo pwede!" O___O s-sila nga! Bakit pati ako kasama sa usapan nila?

"Gusto ko si Maika, Louie. Ngayon, kung gusto mo rin siya, may the best man wins. Oh but I'll make sure she'll be mine." pagbabanta ni J-jiro kay Mark

"Bessy let's go. Nalaman na natin ang dapat na malaman." Aria commanded at tumalikod na

"No. Maika, tell us. Ngayong alam na nating may gusto sayo yung mag-pinsan na yon, who will you choose?" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Chen. Ako? Pipili? Bakit naman?

"First of all, Chen at Aria, allow me to clarify things. Hindi ko kailangang pumili. Wala akong gusto sa kanilang dalawa. You already knew na kahit ibalandra pa ng mga gwapong yan ang katawan nila sa akin, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanila, because I know that someone will occupy this, *turo sa heart* when the right time comes. Tara na nga! Masyado pa tayong bata para sa mga ganito!" sigaw ko sa kanila at hinila na sila pauwi. It's true. Hindi ako madaling ma-fall, because it is not the right time for this. For now, someone is missing, but I'm contented for what I have now.

--------------

"Ang takaw mo Maika." pang-aasar sa akin ni Angelo at kasabay nun ang pagtawa ni Third.

"Mind your own business." I told them coldly

Pinag-usapan kaya namin ni Zel na kapag Christmas party na saka kami lumafang. At tignan mo nga naman yun, ga-bundok ang pagkain. Wengya -.- Mas matakaw pa saken

"O Zel hinay-hinay lang. Baka pati plato makain mo." pang-aasar ko sa kanya na naging dahilan ng pagkasamid nya. Luh! Hindi ako yun ah!

Tumayo muna ako at lumayo-layo kay Zel (hindi ko siya tinulungan) nang bigla akong may maapakan. Lightbulb!

"Hahahaha! Takaw kasi e!" at humalakhak pa ng todo si Angelo at Third.

Napangisi naman ako sa naisip ko. Pag nagawa ko na 'to siguradong mapapalitan yang tawa nyo ng iyak. Bwahaha.

Dumaan muna ako sa likod nila at kinuha yung yarn na natapakan ko, sakto nasa teacher's table silang dalawa at humahalakhak. Pumailalim ako sa table ng walang nakakakita sa akin, at saka ko maingat na tinali yung yarn sa kaliwang paa ni Third at kanan na paa ni Angelo. Bwahaha. Nang sigurado na akong mahigpit yon, tumayo na ako at umaktong may pinulot lang. Pumunta ako kay Rin at ngumiti ng malawak.

"Third! Tawag ka ni Rin!" sigaw ko at ngumisi

"Ha? Di naman ah?" nagtatakang tanong ni Rin

Napahagikgik na lang ako at tumakbo palabas ng room.

"ARAAAAAAAY!!!"

"HAHAHAHA!! SARAP BA NG SAHIG HA ANGELO?? HAHAHA!!" para namang lumunok ng speaker 'tong mga kaklase ko. Ang sama ko no? Bwahaha. Na-miss ko nga yung ginaga---

"Punyatera. Kung gaganti ka alisin mo yang kamay mo sa mata ko."

"Ikaw pala yung may gawa non. Hala ka!" =___=  bakit ba? Saya kaya.

"Mark sasaksakin na kita!" aba loko to ah! Piniringan pa ako at humagikgik lang?!

"Kailan ka pa naging prankster ha? Grabe hahaha! Nakakaawa yung kaklase mo! Hahaha!" tss. Kung alam mo lang. Matagal na akong ganito.

Inirapan ko lang siya pero ngumiti pa rin siya at inilahad ang kanyang kamay para paupuin ako sa sahig. May dala pala siyang gitara? At nandito pala kami sa Elem department? Ngayon ko lang napansin =____=a

"Tutugtugan kita, The Only Exception, pwede ba?" sus. Hihingi pa ng permiso.

"Sure, why not."

"Kanta ka rin ha?" loko to.

Pakakantahin pa pala ako.

"Sige na nga." ngayon lang 'to pagbibigyan na kita. Basta ngayon lang.

Nagsimula na siyang mag-strum at kumanta na rin ako.

"When I was younger I saw, my daddy cry and curse at the wind
He broke his own heart and I watch as he tried to reassemble it..."

Damang-dama ko yung kanta kaya naman napapikit pa ako. Oh diba? Para may effect!

"And my momma swore that she would, never let herself again
And that was the day that I promised
I'd never sing of love if it does not exist..."

Pagkamulat ko, napatingin ako sa kanya na titig na titig sa akin habang nakangiti. Ewan ko ba, pero hindi ko maiwasang hindi mailang.

"But darlin' you are the only exception 4x..."

Napatitig din ako sa kanya at bigla akong kinabahan. B-bakit ganito?

"And I'm on my way to believe in you..."

Napangiti naman siya at namula. Mark stop being like that please.

"Oh... And I'm on my way to believe in you..."

Sinadya kong iiwas ang tingin ko sa kanya, pero nahalata ko pa rin ang pamumula niya. Somehow...well, I find it cute.

"Ang ganda talaga ng boses mo." puri nya saken. Tss.

I don't usually sing in public, siguro nasa mood lang talaga ako kaya napakanta ako nito.

"Salamat." sa pangbobola. Hahaha

He just smiled at inayos yung gitara niya

"Can I ask you something Maika?" hindi ka pa ba nagtatanong nyan ha Mark?

"Sure why not." parang wala sa sarili kong sabi

"Sino ba si Jiro?"

That brought me back to my senses. Tinatanong nya kung sino si Jiro...

"Kaklase ko nung Elem."

Just ignore that freakin feeling that is invading you. Si Jiro lang yan.

"Maika, bakit feeling ko, he plays a big role in your life?" ngumiti lang siya ng pilit at napayuko. Mark...

Was it true Maika? O sadyang nagpapaapekto ka lang sa pagsasamang kailanma'y hindi nasira?

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon