Chapter 2

118 8 0
                                    

  EDITED NA PO ITO. BWAHAHA

-------

  "HAHAHAHA! HEARTTHROB DAW! E WALA NAMANG GWAPO SA SCHOOL E! HAHAHAHA! DAMI KONG TAWA!" ako na halos maluwa na yung ngala-ngala sa kakatawa. Kaloka naman kasi si ate Alli. Ang i-fifeature daw kasi naming article ngayon para sa school paper ay about heartthrobs. Like duh? E kamukha nga ni kingkong yung mga lalaki dun e! HAHAHA.

  "Ano ba Maika! Naiinsulto na 'ko sa kaingayan mo a! May gwapo sa school wag kang bulag!" sigaw naman sa akin ng Mast Head namin sa feature writing na walang iba kundi si ate Allica Ty, or Bebang in short. Pfft...

  "Sige nga pakilala mo saken." paghahamon 'ko at sinimangutan pa ako ng babaita. Aba! Di purkit senior kita---

  "Ikaw ang bahalang maghanap kung sino siya. Bwisit ka e. Tatawanan mo pa. O ayan, yan yung pangalan niya." iritable niyang sabi sabay walk-out. Okay? May bandera ba ng Japan si ate Bebang---este Alli ngayon?

Binuksan ko na lang yung folder na isinupalpal niya sa mukha ko kanina. Take note, ISINUPALPAL. Lakas maka bad vibes no? Kung di lang talaga ako mabait baka hinila ko na buhok nun at itinali sa leeg niya e, kaso wala. Angel ako e. Hahaha.

Mark Torres

Ay we? Tao ba yan? Bagay? O hayop? Pano ko naman yan hahanapin? Makapagtanong nga.

  "Excuse you, ikaw ba si Mark Torres?" tanong ko sa pinakamalapit na tsonggo sa balat ng school. Teka, may balat ba yung school? Labo.

  "Hindi. Taga-St. James yun. Teka, di mo siya kilala Maika?" akalain mo yun o. Kilala pala ako ng isang uknown specie na ito. Wooo. Why so famous Maika? Kapal.

  "Magtatanong ba 'ko kung kilala 'ko? Sus. Common sense kingkong. Try mo bumili sa palengke baka meron." I left him dumbfounded. Di siguro makapaniwala na ang isang Maika Ninomiya, ganun kumausap ng kapwa Remedisian.

Well, sino nga ba ako? Sorry naman, tinamad akong magpakilala sa chapter 1 e. Wew. So, as I was saying, ako nga pala si Maika Ninomiya, half sobrang ganda, half mukhang dyosa---este, half Pilipina, half-Haponesa. Nakilala sa Academy dahil sa mala-Aphrodite na mukha, at mala-Einstein na utak. Okay. Ang hangin. Pero seryoso, hindi ko alam kung bakit, kilala ako ng mga students na wala akong balak kilalanin kung saang planet man sila nagmula. Bakit ba? I'm just minding my own business, not busy talking about others' images. Buhay ko ay buhay KO. At buhay nila ay papatayin ko -.-

So kasalukuyan ko na nga palang tinatahak ang landas patungo sa matuwid na da---ano ba! Basta papunta na 'ko sa St. James. Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor ng mga 2nd years, namin pala, nang biglang mahagilap ng peripheral vision ko si Winter. Dahil sa takot ay napayakap pa ako sa dala kong organizer at nanlaki pa ng bonggang-bongga ang mata ko.

*Tunununun tunununun*

Waaaa!! Ruuuunnn!!! Napaupo pa ako sa sahig sa sobrang takot. Unti-unti pa nga akong umaatras para may effects pa. Pero joke lang yun. OA ha. Nilagpasan ko lang siya pero di pa man ako nakakalayo ay hinila niya ako sa braso at ihinarap sa kanya. Buset. Ayoko maging headline ng chismis.

  "Maika mag-usap tayo." seryoso niyang sabi. Looking straight into my eyes. Tss. Tusukin ko yang mata mo e.

  "May kailangan ka ba? Ano? Pera? Sorry, dukha ako. Advice? Sa kaklase ko na lang, tinatamad ako mag-isip." tatalikuran ko na sana siya pero ang walang hiya loko hinarap ulit ako sa kanya.

  "I don't need your fvcking money and advice, all I need is you. Just you Maika." sabi niya sabay luhod. Wow. Haba ng hair ko. Dinaig pa yung haba ng traffic sa Edsa. Wow talaga!

My Prankster Partner (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon