→Mich's P.O.V
nakakainis na talaga! kanina pa ako parang multo dito! di man lang nila ako kinakausap dahil lang sa babaeng yun. And ang sasaya pa nung mga fans ni Cyrus dahil yun pala ang Ex-Gf ni Cyrus. Kanina pa kami dito sa cafeteria kasama si Dianne, ang ex ni Cyrus. alam mo yung feeling na bigla ka nalang binalewala ng mga kaibigan mo? Yun yun eh! =__=
makaalis na nga lang dito, tutal, no one feel my presence there. Tumayo ako at lumabas sa cafeteria ALONE. oh diba, kahit na nasa harap na nila ako na umaalis, di pa rin nila ako napansin na umalis. hay, buhay nga naman.
pumunta ako dun sa soccer field na tinambayan ko noon nung nasabunutan ako. Break time pa naman namin sa practice kaya okay lang na andito ako.
*sigh*
napabuntong hininga nalang ako kasi naisip ko kung paano nalang kung balewalain na talaga ako ng mga friends ko? paano na ako? Forever ALONE?
"Hoy! Ang laki ata ng problema mo ah. atchaka bakit ka umalis kanina sa cafeteria? Na Out of Place ka no?"-Terrence
buti pa si Terrence andyan para sakin.
"Alam mo naman pala na na-out of place ako eh tinatanong mo pa."-sabi ko naman.
"Ang lungkot mo ata? may problema ka no? Tara pasyal tayo! Libre ko. Cutting tayo. tutal practice lang naman yun eh at memorize ko na ang lines ko kaya, ano? Cutting tayo? para mawala na din yang problema mo."-sabi ni Terrence sabay lahad niya ng kamay niya sakin. Inabot ko naman yun at pinagpag ko ang skirt ko. Kinuha namin ang mga bags namin at pumunta kami sa parking lot at umalis na sa school.
"saan ba tayo pupunta terrence?"-tanong ko.
"basta! pero, ewan ko lang kung magugustuhan mo dun."-terrence
saan naman kaya yun?
-------------
after a few minutes, dumating na kami sa sinasabi niyang place. and Im sure na magugustuhan ko talaga dito. Dinala niya kasi ako sa tabing dagat. ang ganda dito kasi sobrang peaceful at ang hangin pa. pumunta kami dun sa may parang cottage at Umupo kami sa buhanginan at nagkwentuhan kami.
"ang ganda naman dito! bakit alam mo ang place na to? kasi sa nakikita ko, tayo lang ang nandidito."-ako
ang linis, white sand pa, and may mga coconut trees ka pang masisilungan.
"Since I was a child, alam ko na ang place na to. Private beach kasi nina Denver to and since i was a child, bestfriend na ang mga magulang namin and kami din."-terrence
"Ah, ganun ba? so sa inyong lima sino ang pinakabestfriend mo?"-ako
wag na kayong magtaka kung bakit matanong ako. Ganyan na talaga ako eh.
"si denver. ang dami mong tanong ah? hahahaha."-terrence
ang gwapo talaga ni Terrence pagtumatawa. yung tipong gusto mo siyang patawanin palagi? >\\\\\\\\\<
"Ahm, bakit naging Mr. cold ka kung di ka naman cold?"-ako
tutal nagtanong na ako, lulubus-lubusin ko na talaga. hahaha ^o^
"Suplado daw kasi ako. And suplado lang ako sa mga di ko pa nakikilala. And ang mga fangirls lang naman namin ang nagpangalan ng kung anu-ano samin'."-terrence
pagkatapos niyang sumagot, the air was filled with silence.
may gusto pa sana akong itanong sa kanya kaya lang ang awkward kaya. kasi ang tahimik tapos magsasalita lang ako bigla, diba?
"ahm, pwede bang magtanong?"-ako
"nagtatanong ka na nga eh. hahaha."-sabi ni terrence na nakatingin sa horizon.
Actually, gusto ko sanang magtanong about dun sa girl na dumating kanina. Feeling ko kasi, sobrang close nila ang babaeng yun kahit na ex-gf yun ni Cyrus kasi kadalasan, diba pag ex na, dinededma nalang.
"ahm, bakit sobrang close niyo si dianne?"-ako
lumingon siya sakin.
"nagseselos ka ba?"-Terrence
O__O huh? ako? magseselos? In his dreams!
"hindi no! nagtanong lang, selos kaagad?"-ako
"hahaha. Ex kasi yun ni Denver at isa pa, kababata namin yun. Isa lang si Dianne sa mga Ex ni Denver."-terrence
teka, MGA ex? Mga talaga?
"MGA ex?"-ako
"Oo. Playboy nga yan diba? pero mabait yan. di naman yan playboy noon eh. There was a girl na nagpabago sa kanya simula nung nagbreak sila. but i think, siya na ang magsasabi sayo niyan. Tara umuwi na tayo. baka gabihin na tayo eh."-sabi ni terrence at tumayo na siya. Tinulungan niya akong tumayo at nagpagpag ako ng skirt ko.
-----------
pagdating namin sa bahay......
"uyy, thank you sa trip ah? "-ako
"wala yun. Next time, may ipapakita ulit ako sayo. sige alis na ako."-sabi ni terrence sabay pasok sa kotse niya at umalis na.
hayy... 5:00 pm na pala. matagal na pala kaming nakastand by dun.
well, i guess, its a day with him..
.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Miss A: sino ang team ChEnce jan? oh eto na ang moment nila.... ^o^
please vote, comment, be a fan, and please follow the author.... lablots!! ♥♥♥♥
![](https://img.wattpad.com/cover/30657208-288-k260070.jpg)
BINABASA MO ANG
103 Days Playing In His Stupid Game
Teen Fictionhi guyz!!! this is my first story here in wattpad so I hope you will like it!! vote, comment and be a fan na din po... hehe ^o^ support nyo po ang story na to ha?? lablots!! ♥♥