→Mich's P.O.V
Hayy. Ang saya talaga dito sa balcony! Ang ganda ng tanawin. *insert sarcasm here*
Ano ang nakita ko? Syempre isang SWEET SCENERY! Ano yun? Sino yun? edi sina dianne at kurt na magkayakap at naghahalikan sa ilalim ng puno. Hahahaha. Ang ganda ng scene no? *insert sarcasm*
Umalis nalang ako sa balcony at dahan-dahan akong umalis sa kwarto nila papunta sa kwarto namin. At kahit na masakit na ang paa ko at dumugo yun, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad, hanggang sa nakarating ako sa room namin. 5 rooms away lang kasi ang layo ng room namin mula sa room nila kurt.
Pagpasok ko sa kwarto namin ni kylie, nilock ko kaagad ang pinto. Umupo ako sa bed ko at nakita ko na mas dumugo ang sugat ko kaya kinuha ko sa first aid kit ang bagong bandage at plaster. Tinanggal ko ang bandage at plaster sa paa ko na may sugat at pinunasan ko ang sugat ko ng cotton, kasi patuloy na dumudugo ang sugat ko dahil kahit di pwedeng ilakad, nilakad ko pa rin. Habang pinupunasan ko ang mga dugong lumalabas sa sugat ko, di ko namalayan na tumutulo na naman pala ang mga luha ko. Oo dahil sa sakit. pero di sa sakit ng paa ko pero dahil sa sakit ng puso ko.
Nakakainis naman oh! Pesteng mga luha naman to! Nakikisabay pa sa dugo ko!
Oo na. Inaamin ko na, gusto ko na nga sya. Laro nga lang to pero bakit sobra nya na akong pinaglalaruan? nasasaktan ako. Oo sobra akong nasasaktan. Laro lang ba sa kanya yung araw na sinabi nya na wag naming isipin na laro lang ang nasa amin? Kasinungalingan lang ba talaga ang sinabi nya na lalayuan nya si dianne? Malamang. Sino ka ba para gawin nya yun? Isa ka lang namang Fake Gf diba? Hindi pa naman ako talo diba? Hindi pa naman ako talo kasi di nya naman alam na gusto ko na sya diba? Tumigil ka na ngang luha ka! Kailan ka ba titigil sa kakaagos. Pagod na ako eh! Pagod na ako umiyak at masaktan.
Nakakapagod pala umiyak no?
ZzzZzZzzzzzzzzZZZzzz
---------------
Paggising ko, nakita ko ang isang puting kisame.
Nasa langit na ba ako? Bakit puti ang nakikita ko? At teka,ay dextrose pa sa kamay ko. Huh? kung may dextrose, edi andito ako sa hospital. Bakit ba ako nandito? Eh nasa kwarto lang ako kanina ah? Imposible naman na.pumunta ako dito.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Terrence na pumasok sa kwarto ko.
"Gising ka na pala Mich eh. Alalang-alala kami sayo."-Terrence
Umupo sya sa sofa sa tabi ng kama ko.
"Huh? Ano bang nangyari sakin at andito ako sa hospital? At nasaan na sila?"-Ako
"Nasa labas sila ng hospital. Bumili ng pagkain. Atchaka, papunta na daw dito ang parents mo. Kaya ka andito kasi natagpuan ka namin kanina sa kwarto niyo na duguan at walang malay tapos yung sugat mo sa paa, walang tigil sa pag-agos ng dugo. Bat ka ba nagsuicide?"-Terrence
Huh? sinasabi nito? hahahaha! ako nagsuicide? ^o^
"Di ako nagsuicide no. Atchaka, papalitan ko na sana ang bandage ng sugat ko kasi dumugo eh. Kasi pinilit kong maglakad papunta sa room namin. Tapos nung papalitan ko na ang bandage, nakatulog ako."-pageexplain ko.
"Bakit ka ba kasi naglakad!? Aish! Asan ba kasi si Denver kanina?"-terrence
Asan sya? NAKIPAGLANDIAN lang naman sya eh. >_<
BINABASA MO ANG
103 Days Playing In His Stupid Game
Teen Fictionhi guyz!!! this is my first story here in wattpad so I hope you will like it!! vote, comment and be a fan na din po... hehe ^o^ support nyo po ang story na to ha?? lablots!! ♥♥
