Chapter 4- meet the 5 popular

251 8 1
                                        


→Mich's P.O.V

"Oh ano ang sinabi ni kuya sayo at parang kanina ka pa lutang eh! Nung tinanong ka nung Science time natin, di ka nakasagot atchaka, di ka pa nakinig kay sir. What's the problem ba?"-Tanong sakin ni kylie habang kumakain ng tuna sandwich nya.

"H-ha? Ahm, ano kasi. Sabi nya, sasabihin nya daw kay Jm na gusto ko si Jm. Tapos sabi ko sa kanya na wag nya'ng sasabihin, pumayag naman sya."-sabi ko sabay inom sa coke in can ko.

"Hindi nya naman pala sasabihin eh! Ano pang problema mo at parang pinagsakluban ka ng langit at lupa? Atchaka, kawawa yung tuna sandwich mo oh! Tignan mo, para mo ng chinop-chop."-sabi sakin' ni kylie habang tinuturo ang sandwich kong luray-luray na nga talaga.

"Eh kasi, hindi sa ganun. Hindi nya daw sasabihin kay Jm pero in one condition. Eh sa nag-aalala ako kung ano ang kondisyon na yun eh! Baka kung anong kabaliwan ang ipagawa nya sakin."-sabi ko na parang bata na nagsusumbong sa nanay nya. Eh sa naiinis ako sa kuya nya eh. >__<

"Huh? Kahit naman may pagkaabnoy yang kuya ko, hindi ka naman siguro nun pahihirapan diba?"-sabi sakin ni kylie.

Natawa nalang ako bigla nung naalala ko yung sinabi nya na abnoy ang kuya nya. Seriously, kapatid ba talaga sila? Eh puro lait lang ang maririnig mo kay Kylie eh. Kesyo ang panget daw ng kuya nya, na presko daw ang kuya nya, na makapal daw ang mukha ng kuya nya, na marami daw gf ang kuya nya para na daw GRO ang kuya nya sa dami ng girlfriend nya and yung iba pa daw dun sobrang obssess sa kuya nya kaya kahit na hiniwalayan na ng kuya nya eh habol pa din daw ng habol, kesyo tamad daw ang kuya nya eh halata naman talaga na tamad ang kuya nya eh, na walang GMRC ang kuya nya, na hindi daw gentleman ang kuya nya, matalino nga daw kuya nya pero bobo sa history at science naisip ko nga kung meron bang matalino na bobo sa history at science? Ang gulo diba? , and lastly, kesyo, ABNOY daw ang kuya nya.

"Oh bat ka tumatawa? akala ko ba malaki problema mo?"-sabi nya sakin'.

"Hahahaha! eh sa natatawa ako sa sinabi mo na abnoy ang kuya mo eh. magkapatid ba talaga kayo? Bakit palagi mo sya'ng nilalait? Ganun ka na ba ka naiinis sa kanya? hahaha!"-sabi ko sa kanya.

"Oo! At araw-araw, binubwiset nya ako! Kesyo, ang daldal ko daw which is partly true, kesyo ang panget ko daw kahit hindi naman talaga yun totoo, kesyo wala daw akong talent kahit meron naman marunong kaya akong sumayaw, kesyo maarte daw ako which is hindi totoo, kesyo low class daw ako kasi public school daw ako galing eh sa yun ang gusto ko eh, kesyo crush na crush at patay na patay daw talaga ako kay Lance Mike Yoon yung twin mo yun which is really true na crush na crush ko---"-bigla sya'ng napatakip sa bibig nya. Habang sinasabi nya yan, may gesture pa ng hand na kasama.

\^O^/ hahaha epic ang reaction nya! hahaha! sa sobrang daldal, nadulas pa tuloy sya! hahaha! sabi ko na nga ba eh! May crush sya kay Lance! hahaha!

"Hahaha! Uyy! crush nya ang twin ko! ayieee!!! hahahaha!! Makapagkwentuhan nga sa twin ko pag may time ako sa bahay. hihihi!!"-sabi ko na parang nang-aasar sa kanya. mwuehehehe!!! *^o^*

"Wag mo sabihin sa twin mo please? please? kahit na ilibre kita kahit saan mo gusto, kahit na maging utusan mo ako for the whole year, kahit na maging maid ako for you basta wag mo lang sasabihin sa twin mo please?"-pagmamakaawa ni Kylie sakin. Hahaha! Ganun ba talaga sya katakot na sabihin ko sa twin ko? Sige na nga wag na nga. may puso naman ako no! Hindi nga nya sinabi kay Jm na may crush ako kay Jm eh. Kaya ako naman ang magtatago ng sikreto nya.

"oo na. Hindi ko na sasabihin."-sabi ko sa kanya.

"kyahhhh!!! parating na ang mga papa naten!!"

"Omg!!! maganda na ba ako??"

"hoy girls!!! linisin nyo ang table nila!!! kyahhh!!!"

=__= Ano ba naman to. Kahit ang canteen hindi nila pinapalagpas na puntahan. Ang ingay na tuloy dito.

Unang pumasok sa loob ng canteen si Terrence Lastimosa. Sya ang tinaguriang "Mr. Cold" sa kanilang lima dahil snobber sya and higit sa lahat, tahimik lang sya.

ang sunod na pumasok sa canteen ay si Kevin Quin sya ang "Mr. Friendly" sa kanila. Actually naging friend ko na yan kahapon. Sumabay kasi sya sa amin ni Jm, kylie at ako sa lunch namin kahapon.

Ang kasunod na pumasok ay si Joshua Mendez. Kilala nyo naman siguro sya diba? sya ang "Mr. Musician" sa kanila. And sobrang playboy daw nyan pero di ako naniniwala kasi naman hindi halata sa kanya eh.

Ang sunod na pumasok ay syempre ang twin ko. Si Lance Mike Yoon. Sya ang "Mr. Badboy" sa kanila. Lagi daw yang may kaaway. Kaya pala may mga araw noon, na hindi sya umuuwi samin kasi may mga pasa daw ang mokong. Natatakot yan kay daddy for sure.

And lastly, sino pa nga ba? Edi si Kurt Cyrus Denver Seung. Cyrus ang tawag sa kanya dito kasi ayaw nya na tawagin syang Kurt or Denver. Sya ang "Mr. Popular-slash-playboy" ng grupo nila.

And ang sabi pa sakin' ni kylie, basagulero daw yang limang yan. And hindi man halata sa mukha nila except for Cyrus, mga cassanova daw ang mga yan. Di nga ako naniniwala na pati si  Jm cassanova eh!

Wag na magreact ah kung bakit ko nalaman ang tungkol sa kanila. Sinabi sakin' yan ni Kylie at nung mga classmates namin na tsismosa. hihihi~

5 popular ang tawag sa grupo nila dahil silang lima ay parehong sikat.

Oh diba kilala ko na ang 5 popular pero hindi masyado... hihihi..

ewan ko kung ano ang totoong ugali nung iba kasi kilala ko naman ang isa dyan eh. syempre twin ko ang isa dyan eh. hahaha

103 Days Playing In His Stupid GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon