Chapter 19- Muse

203 8 1
                                        

Mich's P.O.V

Pagdating namin sa classroom, ayun, hinila kaagad ako ni Kylie sa isang sulok ng classroom malapit sa aircon ng classroom namin. And dahil may meeting ang mga teachers ngayon, siguradong mapapahaba talaga ang chikahan namin.

"Hoy, baka naman nahulog ka na talaga kay Lance ah! Balita ko, sinigawan daw ni Denver si Dianne kahapon dahil sa isang Lianne Mich Yoon. Ano ba talaga ang nangyari kahapon?"-tanong ni Kylie

hayy naku naman! paano ko ba to ieexplain??

"Huh? ahm....... ano.... palabas lang naman yun ni Cyrus eh. Atchaka, di ako mahuhulog sa kanya. Actually pareho na kami ng score kanina."-sabi ko.

"ahh, ganun ba? Pero paano naman kung mahulog ka nga talaga kay Denver?"-kylie

hahahaha! nagpapatawa ba sya? as if namang mahuhulog ako dun no! ^o^

"Naku kylie, bago ako mahuhulog sa kanya, sisiguraduhin ko na muna na mas una siyang mahuhulog sakin. "-ako

"Pero paano kung ikaw ang unang mahuhulog?"-Kylie

"Wag ka ngang magsabi ng negative thoughts..Change topic na nga lang. Kumusta na kayo ni Lance?"-ako

sigurado akong nagkakamabutihan na silang dalawa.

Bigla na namang nanlumo ang mukha ni kylie.

"oh bakit? anong ginawa niya sayo?"-ako

>__< lagot talaga sakin ang Lance na yun pag may ginawang siyang masama kay kylie!

"wala naman. *fake smile* Masaya lang ako kasi may improvement na sila ni Shaina, kasi sayang naman ang effort ko na maging bridge nila kung walang improvement diba? hahaha *fake laugh*"-Kylie

:-( Ginagawa niya lang tanga ang sarili niya. Nakakaawa naman ang bestfriend ko.

Nilapitan ko siya at niyakap ko siya.

"Alam ko na sa likod ng ngiti at tawa mo, umiiyak ka na sa loob. Alam mo kylie, ilabas mo na yan wag mo na yan itago. wag mo ng lokohin ang sarili mo. Payo bilang ate mo tutal matanda ako kesa sayo. alam ko na masakit yan. naranasan ko na ang magmahal ng taong may mahal ng iba. Tara labas tayo dito sa classroom. Pumunta tayo dun sa soccer field. Tahimik dun."-sabi ko at kinuha namin ang mga bags namin at lumabas kami sa classroom. Dinig ko pa nga na tinawag kami nina Cyrus.

pagdating namin sa soccer field, umupo kami dun sa damuhan na nasa ilalim ng malaking puno.

"Akala ko di ka pa nakakaranas ng love kasi parang di mo alam ang salitang love."-Kylie

"Alam ko na yun matagal na. ayaw ko lang talagang aminin na dahil sa love na yan, nasaktan ako, umiyak ako, nagpakatanga ako, nagmahal ako ng sobra. Alam ko naman na nasasaktan ka ngayon. Wag mo ng itago sakin yan. ilabas mo na yan kasi mas mabuting ilabas ang nararamdaman habang maaga pa. Kagaya ng sakit na nararamdaman mo ngayon sa puso mo, kasi once na naipon mo ang lahat ng sakit, ikaw lang ang mas mahihirapan at mas masasaktan ka."-sabi ko.

dahil sa sinabi ko, ayun umiyak na sya.

"Akala ko, kung tatawa lang ako kahit masakit, mawawala ang sakit na nararamdaman ko pero mali pala ako dahil mas lalo tuloy akong nasasaktan. Masakit pala talagang makita ang mahal mo na nagmamahal ng iba. Masakit dahil mismong ikaw ang susi ng paglalapit nila. Minsan nga gusto ko ng aminin sa kanya pero naisip ko na iba naman ang mahal niya siguradong kapag aaminin ko sa kanya  mawawala lang ang lahat ng namamagitan sa amin ngayon. okay na din naman ang maging tulay makita ko lang siya na masaya."-sabi ni kylie at pinunasan niya ang  luha niya.

:( Naawa ako sa sitwasyon ni kylie ngayon. Kasi akala ko, ako na ang may pinaka worst na lovelife pero mas masakit pala ang sitwasyon ni kylie ngayon..kung pwede ko lang talaga siyang tulungan........

"tama na nga tong kadramahan na to. Diba ngayon ang play natin? tara magready na tayo dun. Baka nagpapractice na sila dun."-sabi ni kylie at tumayo siya, tumayo din ako at naglakad na kami papunta sa classroom namin.

"Hoy Mich! Magready ka na nga! 30 minutes nalang at magstastart na ang play. Andun na ang costume mo sa area ng group natin."-sabi ni Terrence at hinila ako.

"Kylie! Una na ako ha?"-sabi ko at nginitian niya lang ako.

Pagdating namin ni Terrence sa area ng group namin, which is sa music hall, binigay niya na sakin ang costume ko. Costume ko is a  simple floral dress lang at 5 inches na heels.


→_→ Ano ba tong heels na to! Sasali ba ako sa isang pageant? Di ba pwedeng flats na lang ang susuotin ko?

sa music hall, nilagyan yun ng boy's dressing room at girl's dressing room. paglabas ko sa CR, ayun nagsitinginan ang mga girls sakin.

"Uhm, bakit? pangit ba? di ba bagay?"-tanong ko. baka kasi.napapangitan sila kasi nakatulala sila eh!


di nila ako sinagot at hinila ako ng leader namin.

"Di dapat tayo matalo. Sabi kasi ni.sir, na kung sinong group ang maraming panalo na members, exempted daw sa exam and project. So, dapat di ka matatalo kasi marami din ang kalaban mo. Sabi kasi ni sir, example mga bida ng bawat grupo ay magtatagisan and sa bawat panalo ng members ng grupo niyo yun ang magiging basehan ng points niyo and it all depends on the judges, which is the teachers."-mahabang explanation ng leader namin.


ganun pala yun? so, we need to win! *^o^*


"Diba kakanta lang ako? bakit pa ako magmemake-up at mukha na akong sasali sa beauty pageant."-sabi ko habang inaayusan niya ako.

"huh??..... hehehe.... wag kang magagalit ah?....... Each group kasi ay kailangan magrepresent ng muse nila at dagdag points daw yun sa grupo para kayong sasali.sa isang beauty pageant......... sorry talaga Mich, ikaw kasi ang napili namin."-leader namin


O__O

>__<


b-bakit ako?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/n: Hai guyz!!  Ano kaya ang mangyayari sa play??

Feel free to vote, comment, and be a fan na din and please follow na din si author!! labyu!!♥♥♥♥♥

103 Days Playing In His Stupid GameMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon